Adellaine Maria Alonzo. Maghanda ka na dahil nasa deathnote notebook na kita mamaya.
Kung nakakamamatay lang talaga ang mga tingin ko, kanina pa wala sa mundo 'tong bruhildang 'to. (Ganun talaga tawag ko sa kanya kapag naiinis ako.)
Paano ba naman kasi, kanina pa sya tingin ng tingin saming dalawa ni Clark tapos biglang hahagikgik. Tapos gagawa pa ng heart sign gamit yung kamay nya. Eh kung makita ni Clark yun tas makahalata? Edi patay ako? May hiya pa naman ako kahit papaano. Wag nya namang ipagkait sakin!
"Now we're done with Euphemism. Did you get it, Maddison?"
Nabaling ang ulit ang atensyon ko kay Clark habang tinuturuan nya 'ko. Nako, baka sabihin nya di ako nakikinig. Akswali, totoo naman talagang di ako nakikinig kaso... oo nalang.
"Eh? Oo."
Ang hirap naman kasing intindihin ng mga tinuturo nya. Nakaka-panliit pa yung accent nya. Ewan ko ba. Pwede bang iba nalang ang turuan mo? Turuan mo ang sarili mong mahalin din ako.
'Like duh. How corny that line is.'
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig nanaman ang boses na yun. Ayun nanaman sya. Yung conyong babae na tila may binubulong sa utak ko. Gaaa. Sino ba kasi yun?
"Umm... Maddison? Is there something wrong?"
Halata kay Clark ang pag-aalala. Kahit na nag-aalala sya, ang cute nya parin. Kikiligin na sana ko kaso nawi-wirduhan parin ako sa boses na yun.
"Ah? Wala. Okay lang ako. May ano lang, lamok na dumaan."
Galing ko talaga mag-alibi. Sana naman hindi ako halatado. Shzz naman kasi. Pakiramdam ko nababaliw na ko dito.
"Okay so can we continue now?"
Tumango ako at nag-turo sya ulit. Sa pagkakataong ito, sinubukan ko na talagang makinig ng lubusan.
"So there. Gimme an example of Alliteration."
"Alliteration? Sorry ha, pero ano ba ulit meaning nun?"
"Alliteration, the use of words that begin with the same sound near one another or to make it easier, something like tongue twisters."
Tongue twisters? Marami akong alam sa Tagalog pero sa English wala masyado. Nganga na nga ako sa grammar at diction eh, magto-tongue twisters pa ba ko?
Bahala na nga. Basta may maisagot.
"Pitumput-pitong puting tupa."
Napakunot at ulo nya at muntikan na 'kong matawa sa itsura nya. Ang kyut lang ng reaksyon.
"Sorry ha. Wala kasi akong alam sa English na tongue twister kundi yung 'Peter Piper' lang. Eh hindi ko naman kabisado yun eh."
"You know what? I like your honesty. You don't try to appear knowledgeable to those things you really aren't. Actually, Peter Piper picked a peck of pickled peppers is a great example of Alliteration."
Tumama ako? Yes naman. Kahit isang beses may naitama rin ako. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng subjects dyan pa ko plumangak. Kailangan pa naman magaling akong mag-English kapag nag-ibang bansa ako.
Nginitian ko sya at nagpatuloy kami sa pagre-review. Bahagya kong tinignan sina Gray at Addie. Aba ang bruhilda, ginawang coffee shop 'tong library. Di naman talaga sila nag-aaral eh.
Napag-isip isip ko lang. Kelan kaya magiging bukas yung puso ni Addie para kay Gray? Bagay kaya sila. Sana naman di pa mahuli ang lahat para sa kanila. Baka mamaya kung kelan wala na si Gray, dun lang marealize ni Addie na sya pala ang kailangan nya. Okay, malalim talaga yung pinaghugutan ko.
Bago kaming tuluyang umalis ng library, nagpa-alam ako saglit para ibalik 'tong notebook sa pinagkuhanan ko. Baka mamaya multuhin ako ng may-ari nito eh. Mahirap na, matatakutin pa naman ako.
"Guys, tara na."
Aya ko at nagpatuloy na kaming maglakad.
"Magui, saan ka?"
Tanong ni Addie. Tinuro ko yung papunta sa coffee shop.
"Ay. Magka-iba pala tayo ng way. Sige, bye na. Ingat ka."
Nagpa-alam na ko sa kanila at Dumiretso na sa paglalakad. Di pa man din ako masyadong nakakalayo, may biglang humatak sa braso ko. Hindi naman yung sobrang hatak, tama lang.
Dahil pagabi na, medyo natakot ako. Pero nung nalaman ko kung kaninong pabango yun, iba ang naramdaman ako.
Pagkaharap ko sa kanya. Naramdaman kong may kung anong tumalon sa dib-dib ko.
"Ummm... Addie suggested that It'll be better if I send you home."
"Totoo? Sinabi nya yun?"
Tumango sya. Awwwwe, ang sweet naman ni Addie. Sige buburahin ko na pangalan nya mamaya sa deathnote ko. Charot.
Habang naglalakad kami, syempre hindi maiwasan ang hindi mag-kwentuhan. Medyo marami din akong nalaman sa kanya. Nahihiya kasi akong mag-share eh. Kasi kapag ako nagsimula, tuloy tuloy na. Mamaya kung ano pa masabi ko. Pahinhin effect muna sa una. Ang halakhak, hagikgik muna.
"Dito nalang Clark. Thanks sa paghatid. Ingat ka." Papakasal pa kasi tayo eh.
"Owww. Take care, too. Gotta go now. Bye."
Pinasadahan ko sya ng pak na pak na ngiti bago ko isara ang gate. Yung puso ko, naja-jumping rope nanaman. Naku, ba't ba biglang uminit yata? Haarujusko, Sana naman wag akong mag-mukhang kamatis pag-pasok sa bahay. Aasarin ako ng mga kapatid kong loko.Pero naisip ko, salamat na rin pala kay Addie, dahil pinsan nya si Clark, mylabs eh hindi ko na kailangang tumambling with matching split at backflip pa para lang mapansin nya ko.
Binaba ko yung bag ko at sumigaw,
"Ma? Mama! Jimboy, Fifi. Nandito na po ako."
Hinintay kong bumaba si Mama pero ang dalawa ko lang na kapatid ang bumaba.
"Oh? Asan si Mama?"
"Ahh. Di pa umuuwi. Malamang bukas na yun uuwi."
Bago pa ko makapag-salita, hinatak na ko ni Fifi sa mesa.
Nagulat ako ng makita ang isang plato ng pancit canton na nakahain na may katabi pang isang baso ng juice at cupcake.
"Wow. Para saan 'to?"
"Ahh. Ate, pambawi daw ni Fifi. Diba kinain nya yung ulam mo nung isang araw?"
Napatingin naman ako kay Fifi at lumebel sa mukha nya.
"Totoo ba yun, Fifi?"
Tumango sya at alam kong nagu-guilty parin sya at sobra akong na-touch sa ginawa nya kaya niyakap ko sya.
"Awts! Ate, inggit naman ako."
Hirit ni Jimboy.
"Inggit ka? Halika dito! Sama ka kasi!"
Sumama sya samin at sabay-sabay kaming sumigaw ng, "Grouphug!"
Sa sandaling oras ma yun. Nakaramdam ako mg kakaibang saya. Ayos lang kahit na wala yung Tatay ko ngayon para sa amin. Ayos lang kahit na wala akong lablayp. Ayos lang kahit na bobita ako sa English. Ang importante, magkakasama kami nina Mama, Jimboy, Fifi at ako.
Aanhin ko naman ang malaking bahay? Ayoko ng ganun, mas mapalalayo lang kayo sa isa't-sa. At least ito, kahit na di kalakihan, masaya na kami.
Salamat God.
Kung sino mang nag-sabi ng 'Life is a big bitch' bitter lang yun. Di totoo yun. Saya saya kayang mabuhay.
'No dear, you're wrong. You're dead wrong'
![](https://img.wattpad.com/cover/9568659-288-k725593.jpg)
BINABASA MO ANG
Finding My Inner Soul by: MACG
Fantasy"Finding your inner soul/ SOUL-SEARCHING is one of the trickiest and hardest thing of all. It ain't like a thing you can see. It is a component of yourself that shall complete your existence." When Maddison Guinevere Imperial or Magui for short acci...