Halos dalawang subjects na rin kaming hindi nag-uusap ni Addie. Ano ba yan! Di na ko makatiis eh. Naman oh.
"Pst. Gray."
"Oh? Bakit?"
Tinuro ko ng pasimple si Addie. Baka naman kasi makatulong si Gray sakin para makipagbati na sya sakin.
"Ang sungit. Kanina pa oh. Nag-sorry na ko, ayaw parin tanggapin."
Bahagya nyang kinamot yung leeg nya at muling nagsalita, "Baka naman meron yan kaya ganyan."
"Ewan ko. Pero kasi lagi kaming sabay nagkakaroon eh. Wala pa naman ako."
"Hayaan mo muna sya. Baka may personal na dinadala. Mamaya kakausapin ko, sige."
"Talaga? Yay! Salamat, Gray!"
Kumindat sya at parang nag-saludo pa, "No problem."
"Nakakaasar talaga!"
Nagulat ako ng biglang nagdabog si Addie at lumabas. Halos lahat ng kaklase ko napatingin sa kanya. Buti nalang walang teacher ngayon kasi absent si Ma'am Topaz. Pero...
Ano ba talagang nangyari dun sa babaeng yun? Hay. Sundan ko na nga!
Ang daming nakatambay na estudyante sa labas ng hallway. Bakit ganun, eh may klase ngayon diba?
"Hi Miss."
Tawag sakin nung isang lalaki mula sa grupong nakatambay. Nakakainis yung mga ganito eh. Feeling close!
Di ko sila pinansin at nagpatuloy ng paglalakad sa CR.
"Ang sungit. Kala mo kinaganda eh."
Pahabol nung pesteng lalaking tumawag sakin.
Hindi naman pwedeng di ako gaganti no! Kinaganda ko daw? Kapal nito ah.
Humarap ako sa kanila at sumigaw pabalik, "Eh ikaw? Kinagwapo mo yang pagtambay-tambay mo dyan? Mukha kang bisugo pwe!"
Narinig kong kinantyawan ako sya nung barkada nya. Hmp! Buti nga sa kanya. Akala nya kasi kung sino sya eh. Masyadong papansin. Panira ng araw.
Tumakbo na ko sa CR ng girls at hinanap si Addie. Hay Salamat! Nakita ko sya.
"Ba't ka nandito?"
Mataray nyang bungad sa'kin. Para talagang hindi si Addie 'to. Sobrang sungit nya.
"Syempre. Hinabol ka. Kanina ka pa kasi ganyan eh." Humalukipkip sya at tinitigan ako. "Okay lang ako. Don't worry about me."
"Addie sa apat na taon na'ting pagkakaibigan, alam ko na halos lahat sa'yo. Kaya kung may problema ka, sabihin mo na kasi. Alam mo namang kayo lang ni Gray kaibigan ko dito tapos ganyan ka pa."
Lumapit sya sa'kin, pinitik ako sa noo at tumawa ng malakas
"Ang OA mo! Kainis ka." Pabiro nyang sabi.
Nagulat ako sa sunod nyang ginawa. Naghugas sya ng kamay binasa ako ng tubig sa mukha.
"Addie! Ang sama mo!"
Gumanti ako at binasa sya ng tubig galing sa lababo.
"Ay gumaganti ka ah? Sige. Get ready!"
Nagbasaan lang kami sa banyo at muntik pa kaming mahuli. Pagbalik namin sa classroom, lahat nakatingin samin. Malamang kasi basa yung palda namin parehas eh.
"Saan kayo galing at bakit basa parehas ang mga palda niyo?"
Dendendenden.
Ang malas namin! May teacher na pala. Nyemas naman oh.
BINABASA MO ANG
Finding My Inner Soul by: MACG
Fantasy"Finding your inner soul/ SOUL-SEARCHING is one of the trickiest and hardest thing of all. It ain't like a thing you can see. It is a component of yourself that shall complete your existence." When Maddison Guinevere Imperial or Magui for short acci...