"There are no words to paint a picture of your girl.Your eyes and those curves,
It's like you're from outside of the world."
Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang hinaharana ni Clark. Shzz lang! Oo, hindi ako nagkakamali. Nasa harapan ko sya ngayon at habang tumutugtog ng gitara. Ang perfect nya! Ba't ganun? Kainis.
"You got in my way.
Oh God it's so frustrating.
So whenever you come here, I disappear.
You make me feel so small."
Feeling ko ako na ang pinaka-magandang babae sa mundo dahil sa ginagawa nya. Dinaig ko pa si Rapunzel. Waa, please Clark bakit ka ba ganyan? Bigyan mo ko ng oras para huminga!
Nasa gitna pa sya ngayon ng buong classroom at nakaupo sa teacher's table habang titig na titig sakin. Ang swerte, swerte ko talaga! Aamin na ba sya sakin? Na gusto nya rin ako? Tupa naman oh!
"Maddison Guinevere, I'm here in front of you to say that I like-"
-*-*-*-
"Jimboy akin na kasi yang medyas ko!"
Bigla akong nagising sa totoong mundo dahil sa sigaw ni Fifi. Bwisit naman! Ayun na eh! Yung moment na aaminin nya ndapat sakin ma gusto nya ko, kaso nagising pa 'ko! Anak ng Asdfghjkl naman!
"Ano ka, hilo? Medyas ko kaya 'to noh."
Nag-aagawan nanaman sila. Ngayon naman, medyas. Hay nako, papasok nalang mag-aaway pa.
Pansin ko ring parehas na silang naka-uniform. Teka... PITUMPUT-PITONG TUPA!
May pasok pala ngayon, nakatihaya parin ako dito! Buti pala nagising ako!
Dali-dali akong dumiretso sa banyo at naligo. Ang aga ko namang nakatulog pero bakit tulog mantika parin ako? Kasi naman eh, wala akong alarm clock. Si Mama lang taga-gising ko eh wala naman sya ngayon.
Nagbihis ako at di na pinansin ang pagbabangayan ng dalawa kong kapatid. Bahala sila dyan! Wrestling-in nila ang isa't-isa wala na akong pakielam. Ang importante, makapasok ako ngayon!
Ano ba naman yan. Kapag 7:30 AM na nakarating, diretso na uwi... sa bahay. Di na talaga papapasukin. Ganun kahigpit dito. Yung exam ko pa sa English, di ko mata-take yun kung sakali. Tapos si Clark, di ko sya makikita kung di ako makakapasok ngayon. Oh hindi! Kaya ko 'to. Aabot ako. Aabot ako!
Salamat naman at umepek ang pagka-ala- Flash ko. Yes! 7:28. Pwede pa.
"Goodmo-"
"Late ka nanaman, Impunto. Buti pinapasok ka pa sa gate?"
Bastos tong si Ma'am, eh di pa nga ako tapos magsalita eh.
"Ahh, 7:28 po dating ko sa gate eh. Abot pa naman po."
"Pero, 7:33 na sakin. Late ka parin. Dapat hindi na kita papasukin sa klase ko."
"Ma'am, sorry po. First time naman po eh. Pramis di na po ako male-late."
"O sya sige. Umupo ka na dun."
Yes! Nakalusot.
Pag-upo na pag-upo ko, kinuha ko na agaad yung libro ko sa English at nag-review na. Mahirap na, baka mawala scholarship ko kapag nag-less than 85 ang grade ko sa English.
Nagkabuhol-buhol na yung utak ko kakabasa at di kaluanan, nakatulugan ko yung libro.
"Magui... Pssst. Oy! Exam na. Gising!"
Inalog-alog ni Addie yung katawan ko at pagtingin ko, isinuka ng pintuan si Ma'am Montes. Hay, eto na.
Pagkatapos ng usual na panimula, sinumulan na nyang ipamigay ang mga test papers. Haaay. Buhay nga naman oh.
Unang harap ko palang, nainis na ko. Wala naman akong ma-gets eh. Nakakaiyak pala 'tong ganito. Kung para sa iba, madali siguro. Kaso sakin hindi eh.
Haaay, sana may sumapi sakin ngayon na magaling sa English para masagutan ko 'to lahat ng tama.
'Your wish is my command, dear'
Shet! Ano daw?
Bigla nalang akong nakaramdam ng parang isang malakas na hangin na tinatangay ako mula sa kinauupuan ako, na parang hinihigop ang katawan ko.
But in a snap, everything turned normal again.
I faced the test paper and as if it was a piece of cake and muttered,
"Oh... easy-peasy, sweetheart."
-*-*-*-
Pagkatapos na pagkatapos ng exam, naramdaman ko ulit ang sensasyon na nadama ko kanina. Pero para bang, may nag-iba.
Tinitigan ko ang test paper ko. Ang galing! Nasagutan ko lahat. Teka, paano?
Inikot ko ang tingin ko sa buong paligid ko, trenta minutos na pala ang nakakaraan. Pero bakit pakiramdam ko nakatulog ako sa mga oras na yon?
Kung ipapasa ko 'to ngayon, ako ang unang matatapos. Baka sabihin pa ng iba, nangodigo ako kaya hinintay ko ang lahat na matapos bago ko yun pinasa.
Nang tumayo si Clark, sumabay na akong magpasa sa kanya.
Nagkatinginan pa kami at nagka-ngitian.
Para bang isang malaking himala sa lahat na nakapag-pasa na ako. Dati kasi, kapag mga exam na ganito, ako ang pinaka-matagal magpasa. Nagca-cram kasi ako lagi dahil sa pagpalit-palit ng sagot.
Pero ngayon! Grabe, natapos ko agad!
"Hmmm... baka mamaya may kodigo yan kaya nakapag-pasa agad."
"Oo nga, o baka naman mini, mini, minimo lang ang ginawa."
Kita mo nga naman oh, hanggang exam hindi tumigil sa pagchi-chismisan 'tong mga 'to.
'Let them be. Don't stoop down to their level'
Sinunod ko nalang ang bulong ng isip ko at nilagpasan sila.
"Sssshhh... Buenavista at Lopez."
Tsk. Buti nga sa kanila. Nasaway sila ni Ma'am.
-*-*-*-
Hindi ko alam kung bakit pero para bang pagpasok na pagpasok ko kinabukasan, excited ma excited ako malaman an resulta ng exam. Kakaiba. First time kong ma-feel ang 'excitement' sa subject na yun.
"Okay, so here I am to announce the scores for the Chapter test."
Tupaaa! Ayan na. Kinabahan na 'ko. Malamang sa alamang, si Clark yan. Kaso, sabay kaming nagpasa eh.
"Seems like a miracle has happened, Mr. Fuentes..."
Sus! Kitams. Anong miracle dun? Eh lagi naman syang perfect sa mga exam. Kung hindi naman perfect, isa o dalawang mali lang.
"... you got two mistakes. Ms. Impunto, congratulations. You only had a single mistake. You aced the exam!"
BINABASA MO ANG
Finding My Inner Soul by: MACG
Fantasy"Finding your inner soul/ SOUL-SEARCHING is one of the trickiest and hardest thing of all. It ain't like a thing you can see. It is a component of yourself that shall complete your existence." When Maddison Guinevere Imperial or Magui for short acci...