FMIS 9: Friendship Glitch

70 1 0
                                    

.
Dumating ako sa school ng maaga. Sandali lang naman kasi ako nag-ayos at di naman ako kaartehan sa katawan katulad ng ibang babae.

Medyo mas napaaga ata yung pasok ko dahil ako pa lang mag-isa dito. Kinuha ko nalang ang notebook ko, este ni Yvonne at sinimulan itong basahin. Nakakakilabot pero may kung ano talagang tumutulak saking basahin pa 'to.

-*-*-*-

Dear Purple,

Geeez. Guess what? Maddox and I are groupmates for the talent presentation on Mapeh! That means, more and more time to witness his scorching hot dance moves after class. Can you imagine? I cannnooooooot.

Okay, so I just admitted that I'm officially in crush with him and left my denial behind so it's just normal for me to be entitled by these feels.

I can't help but stare at his beautifully made face as he speaks articulately during our meeting. As I'm starting to discover him, his features are starting unravel.
Sigh. I just wish that he's single right now.

An update about Mr. Beautiful Stranger, he doesn't call nor text me since these past few days. I wonder what happened to that guy with a hella good voice.

Guy-boggled,
Yvonne.

-*-*-*-

"Oh Magui, Anong ngini-ngiti mo dyan?"

Pambungad sakin ni Addie nang madatnan nya kong nagbabasa.

Agad-agad kong isinara ang notebook at tila nataranta. Hindi ko napansing andyan na pala sya.
"Ah- Ano! Yung ano kasi. Si ano."

Ano ba yan! Nakaka-ano naman kasi tong si Addie eh. Bigla-bigla nalang dumadating.

"Ano? Sige, alam ko namang kinikilig ka lang dahil sa pinsan kong ubod ng-"

Pinandilatan ko sya at dali-daling tumayi para takpan ang bibig nya. Eto'ng ayaw ko kay Addie eh! Ang daldal!

"You... you ano! You shattap shattap der!"

Pabulong kong sigaw sa kanya at di nya namang napigilang mapatawa kaya naman nalawayan nya ang kamay ko.

"Eew! Addie naman kadiri ka!"

Pinunasan ko ng panyo ang palad ko at humalukipkip naman sya.

"Wow ha. Ang arte much mo naman. Para laway lang yan, di mo naman ikakamatay yan."

Napunta naman sa kanya ang atensyon ko at ibinababa ang panyo ko.

"Eh kung duraan kaya kita dyan, di ka mandidiri? Tss. Makapag-sabi ng laway lang eh."

"Aba, aba! Bakit? Dinuraan ba kita? Hindi naman diba? Anong kinakaputok ng butsi mo dyan?"

Inirapan ko nalang sya at bumalik sa upuan ko. Ganito talaga kami minsan, napapairal ng kababawan. Kasi naman eh. Nakaka-BV kasi kapag nagugulat ako. Sa totoo lang, ayoko ng ginugulat ako.

Lumipas ang isang subject na hindi kami nagpapansinan ni Addie. Patiisan kami ha? Sige lang. As if naman di ko kaya.

May biglang kumatok sa pintuan sa kalagitnaan ng pagtuturo ni Ma'am Olivia, teacher namin sa Science.

Tumambad sa amin si Clark na naghahabol ng kanyang hininga.

Bigla namang may parang pumiga sa tyan ko. Akala ko absent na sya eh. Di buo araw ko kung ganun.

"Oh, Fuentes. You're obviously late. Do you have your permission slip?"

Dito kasi sa school namin ay kapag sobrang late ka na ay kailangan mo nang pumunta sa prefect of discipline at magpa-pirma ng permission to enter slip para makapag-klase pa. Eh kinakatakutan ang POD namin kaya yung iba ay umuuwi nalang.

Finding My Inner Soul by: MACGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon