Partners
Pabalik na kami ni Marj sa room para sa next subject namin.
Mejo ok na ang pakiramdam ko. Hindi na ako gaano galit o inis sa nangyari.
Pero nanlulumo talaga ako kapag nakikita ko ang nangyari sa ginawa kong assignment.
Hay! Sayang talaga ung paghihirap ko.
Dahil sa nangyari kanina hindi na kami nakapag-lunch ni Marj ng ayos. Sa pagwawalk-out ko napilitan tuloy kaming bumili na lng ng burger. Buti na lang may ibang mabibilhan maliban sa canteen ng CA.
Nang makarating na ako sa may pinto. Sa kamalas-malasan sya agad ang nakita ko.
Oo sya, ang sobrang yabang na si Niel Angeles!
Hindi ko maiwasang bumalik ang pagkainis ko. Nagtagpo ang mata naming dalawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at nagmadaling pumunta sa upuan ko.
Padabog akong umupo at sobrang swerte ko nga naman!
Bakit? Kasi nalimutan kong katabi ko nga pala sya.
' Hay, nakakainis ang yabang-yabang niya talaga! ', biglang sambit ko sa sarili at pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Niel.
Biglan lumapit sa akin si Marj. " Best akala ko ba ok ka na? ", pabulong na sabi nya.
Mukang nag-iingat sya na baka marinig siya ni Niel na nasa kabilang side ko.
" Akala ko nga din eh. Kaso nang makita ko siya bumalik ang pagkainis na nararamdaman ko kanina. "
" Wag mo na din kasing kaisipin yun Best. Lalo ka lang talagang maiinis. "
Tama si Marj. Dapat hindi ko na dapat kaisipin yung nangyari kasi baka hindi pa ako makapag-focus sa mga lesson namin.
Umayos na kami ng pagkakupo ni Marj nang biglang dumating ang teacher namin.
" Good afternon class. Right now I would like you to do some exercises. Please bring out your Trigonometry books."
Sabay-sabay nga namin inilabas lahat ang mga libro namin." Open page 30. Start answering actrivity #14 until #17. No comparing of answers. You can start now. "
" Ahhmm, Ms. Rivera and Mr. Angeles. Can you please come here in front. "
Napatigil ako sa pasagot sa ativity namin. Hindi ko alam kung bakit ako kailangang kauspin ni Mr. Reyes.
Sa aking pagtayo nagkatinginan kami ni Marj. Siguro siya din ay nagtatakakun bakit kami kailangang kausapin ni Mr. Reyes. Nagtaas lang ako ng balikat at naglakad na ako papunta sa table ni Mr. Reyes.
Nang makalapit na kami ni Neil sa unahan kung saan nakaupo si Mr. Reyes. Ramdam ko ang sobrang awkwardness. Bakit? Ano pa ba ang dahilan.
Biglang tumayo si Mr. Reyes. " Class continue answering the activity and please be quite. I just need to discuss something with Ms. Rivera and Mr. Angeles. "
At bago sya maglakad ay tumungin siya sa aming dalawa ni Neil. " You two please follow me. " At tuluyan na siyang lumabas ng pinto.
Habang sinusundan namin ni Neil si Mr. Reyes, hindi mawala sa isip ko ang dahilan kung bakit kailangan kaming kausapin ni Mr. Reyes.
Wala naman akong problema sa grades ko. Oh hindi kaya nalaman nya ang pagtatalo namin na naganap sa canteen kanina?
No! Hindi naman siguro dahil doon. Kasi dapat ung guidance ang kailangang kumausap sa amin.
Napansin kong sa faculty pumasok si Mr. Reyes. Hindi din naman ito kalayuan sa room namin.
Pumasok na ako ng pinto. Mas nauna akong nakarating kasi nagpauna talaga ako. Ayokong makasabay si Neil maglakad. Kasi I can still feel the awkwardess.