Chapter 10

7 0 0
                                    

Training

Naglalakad ako sa hallway papauntang locker para iwan ang iba kong gamit at dumaretso sa may math club room.

Pinauna ko na si Marj na umuwi kesa inatayin pa ako, mejo may pagkamainipin din ang isang yun.

Pagkatapos kong ilagay ang iba kong mga gamit ay dumaretso na ako sa math club room.

Pagkapasok ko napansin kong ngsusulat sa white board ng mga problems si Mr. Reyes. Siguro ito ang ipapasagot niya sa'amin para sa training.

Umupo ako sa bandang unahang parte ng silid. Parang classroom lang dn ang math club room un nga lang mas maliit ito kumpara sa ordinaryong classroom.

Tumingin siya ng saglit sa gawi ko.

"Oh adyan na pala kayo, sige simulan niyo nang sagutan tong mga sinusulat ko." Sabi ni Mr. Reyes at binalik muli ang tingin sa white board at pinagpatuloy ang kanyang sinusulat.

Hindi ko naman napansin na nakarating na din pala dito si Niel.

Umupo naman siya sa parehong row na inuupuan ko pero my tatlong upuan pa ang pagitan sa akin.

Mukang sa loob ng isang oras puro pgsasagot ang gagawin namin.

Kulang-kulang twenty problems ung sinulat ni sir.

Pagkatapos niyang magsulat ay humarap siya ng tuluyan sa amin.

"Bakit magkahiwalay kayo? I told you na d basta math contest 'to may kasama pang team work.

Niel lumipat ka ng upuan at tabihan mo si Chaddie. Alam kong hindi kayo gaanong magkasudo.

But for this contest i-isang tabi niyo muna yan and learn to work as sa partner, as a team."

Pagkasabi nun ni Mr. Reyes ay wala nang nagawa pa si Niel na tabihan ako.

Hindi ko naman alam ang gagawin ko kung pano ko siya patutunguhan inis pa din naman kasi ako sa kanya.

Hindi nga ako makatingin sa kanya ngayon. Paano pa ko makakasagot nang ayos, tapos dapat we do it as a team? Ewan ko na lang.

"Here dito na lang natin sagutan ung mga solution."

Nagulat ako ng biglang nagsalita ang katabi at naglabas ng notebook.

Hindi ko na din naiwasang titigan siya. Hay ano ba yan.

"Hey! Sagutan na natin 'to para makauwi tayo kaagad."

Sasagutan lang naman diba? Wala na din akong magagawa pumayag naman ako ng ganito.

"Alam ko na, hati na lang tayo sa mga sasagutan. Pagkatapos palitan tayo to check kung parehas tayo ng mga sagot oh formula." Sabi ko.

"Sige sa akin na ung 1-10 so sayo n ung 10-20."

"Ok, simulan na natin para matapos n tayo."

At tumango naman siya bilang sagot.

Sinimulan din namin ang pagsasagot namin.

Umabot kami ng 30mins sa pagsasagot ng mga problem.

Tulad ng napagusapan namin nagpalitan kami para icheck kung parehas kami ng mga sagot.

Pagkatapos tumayo kami para puntahan si Sir Reyes para ipakita ang mga nasagutan namin.

Naglakad kami papunta sa may teacher's table kung saan nakaupo si sir at nagbabasa ng libro.

"Oh tapos na pala kayo. Sige umupo na muna ukit kayo at titingnan ko kung tama lahat ng sinagot niyo."

At bumalik na ako kung saan ako nakaupo.

Love TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon