Visitor
Naglalakad ako pababa ng hagdan namin at talagang ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko dahil sa physical training na yan.
Tapos na kami sa training namin, hay salamat.
Sa totoo lang isang linggo na lang at contest na. Sulit na siguro ang isang buwan naming pag tratraining.
Hindi nga ako makapaniwala na natapos ko siya pati na rin ung physical training.
Kaya eto sabi ni sir pahinga naman kami para mas may energy daw kami sa contest.
Eto nga buti nakababa na ako ng hagdan kasi sobrang sakit ng binti ko.
Kapag naalala ko mga ginawa namin noong huling training.
Grabe pinahirapan talaga kami, oh ako lang talaga ang nahirapan.
Para kasi sa huling training namin bumuo si Sir Torres ng obsatacle course.
Ung parang asa military camp ba.
Try niyo i-imagine sa totoo lang mukang hindi siya lalagpas sa 10 na iba't-ibang course.
Buti na lang at tapos na.
Susulitin ko talaga ang pahinga ko.
Sabado ngayon at tinanghali din ako ng gising siguro sa pagod kahapon.
Papunta ako ng dinning para kumaen mejo gutom na din ako.
Sinubukan ko din na maglakad ng ayos kahit mahirap.
"Oh,gising ka na pala baby. Mukang tinanghali ka na ngayon."
"Good morning po mama."at sabay halik sa cheeks ni mama.
"Opo,mejo napagod po ako sa huling training namin kahapon para sa contest."
"Kawawa naman pala baby ko. Sige kumaen ka na."
"Wala po ba kayong work ngayon ma?"
"Wala naman kaya dito lang siguro ako maghapon."
"Buti po, gusto ko po sana na magpamasahe. Yayayain ko po sana kayo mama, bonding na din natin."
"That's a great idea baby. Walang problema mag papaspa tayo. Mukang sobra ka atang pinahirapan sa training mo ah?"
"Hindi naman po mama. Alam mo naman po..."
"Madam may tawag po kayo."isa sa mga maid namin habang inaabot ang home phone namin.
"Excuse me baby.
Oh, talaga? Sige andito lang naman ako sa bahay.
Walang problema. Hihintayin kita.
Sige bye."
Sinimulan ko na ding kumaen habang may kausap si mama.
"Tumawag ang tita Veronica mo."
Si tita Veronica ang bestfriend ng mama ko. Matagal na din kaming hindi nagkikita ni tita.
"Ilang buwan na pala silang nkauwi dito sa pilipinas.
Buti at naabutan niya akong walang trabaho.
Pupunta daw siya dito kasi miss niya na ako hahaha.
Oh, baby sorry may bonding pala tayo."
"Ok lang po mama. Bukas na lang po tayo magpa spa."
"Alam ko na baby, we can do home service na lang para makabonding mo din ang tita Veronica mo. Tutal matagal din kayong hindi nagkita."