Chapter 9

6 0 0
                                    

Surprises

Chad POV

Napatingin ako sa bracelet na bigay ni Marj bago kami maghiwalay pagkauwi namin galing Tagaytay.

' Flashback '

" Best akin na kamay mo. ", pilit niya sa akin.

" Bakit anong gagawin mo? " Pilit ko ding tinatago ang kamay ko sa aking likod.

" Ano ka ba wala naman akong balak na masama. Sige na please give me your hand. "

Sa pangunguklit nya hinila na lang niya ang kanang kamay ko. Hindi ko na naiiwas an kamay ko. May bigla na lang siyang sinuot sa palpulsuhan ko.

" Huwag na huwag mong huhubarin yan huh! "

Napatitig ako sa bracelet na binigay niya sa akin. Simple lang siya pero napakaganda niya. Mukang hinanap niya talaga to.

" Sign yan ng pagiging magbestfriend natin. Kaya walang iwanan best. "

Napatingin ako sa kanya at kita ko kung gaanob kaganda ang mga ngiti niya sa akin. Napangiti din ako.

" Oo naman walang iwanan. Bestfriends forever nga diba. "

" True! Bestfriends forever. I love you best. "

" I love you too best. "

' End f Flashback '

Hindi ko napigilang mapangiti, talagang nappriciate ko ang mga ginawa ni Marj para lang malimutan ko ang problema ko. She really knows me so well. Alam niya kung kealn ako malungkot o kung ano ang magpapasaya sa akin.

Umayos ako ng higa para maulog.

' Thank you Lord dahil binigay niya si Marj para mabing bestfriend ko. '

Panalangin ko bago ko ipinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan

Pagkagising ko hindi ko naman naabutan sina mama at pap. Nag-aalmusal nanaman akong mag-isa.

Napabuntong hininga na lang ako at saka nagpatuloy sa pakain. Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako para pumasok ng school.

Pakababa ko ng sasakyan ay agad akong pumunta ng classroom. Maaga pa kaya kakaunti pa lang ang nasa school. 

Pagkarating ko ng classroom ay naupo ako sa aking upuan. Kumuha ako ng aking libro para magbasa.

Habang nagbabasa ako kita ko sa gilid ng mga mata ko ang mga nagdadatingang kaklase ko. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy lang ako sa aking pagbabasa. Pero nagulat na lang ako nang may biglang nagtakip ng mga mata ko para mapahinto ako sa pagbabasa.

" Marj alam kong ikaw yan! "

" Nakakainis ka naman best hindi na kita na surprise. Wait paano mo naman nalaman na ako ito? "

Takang tanong niya na may kasama pa yang paturo sa may sintido na akala mo nag-iisip ng sobrang lalim.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa kanyang itsura.

" Paanong hindi ko malalman eh hinding-hindi ka naman nagbabago ng pabango ah. Amoy na amoy kaya kita. "

" Hehe is that so? Kaya pala. Wait best su...."

Hindi ko na siya pinagpatuloy sa sasabihin niya at bigla kong iniharap sa mukha niya ang kanang braso ko.

"Oh ayan suot ko. Sabi mo huwag kong huhubarin diba. "

" Oo nga kitang-kita ko best. Pero hindi mo na kailangang ingudngod sa mukha ko. "

At umupo na siya sa katabing upuan ko. At nagpatuloy ulit ako sa aking pagbabasa.

Love TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon