Chaddiety Rivera at the side ---->**************************
Ms. Rank #1CHAD P.O.V.
'knock, knock'
Narinig kong may kumakatok sa pinto ng aking kuwarto.
" Seyorita,gising na po!Nakahanda na po ang almusal. " sabi ng isa sa mga maid namin.
" Salamat babangon na ako. " tugon ko.
Nagunat-unat muna ako bago bumangon.
Pagkatapos ay inayos ko ang aking kama at saka ako nagpunta ng banyo para maligo at mag-ayos.
Eto ang first day ko sa Charleston Academy. Actually I'm a 3rd year student sa CA .
Pababa na ako ng hagdan patungo sa aming dinning area.
Sumalubong sa akin ang aming mga maids na maayos na nakipila sa daraan ko at sabay-sabay na bumati.
" Magandang umaga po seyorita. "
Tumango ako bilang tugon sa pagbati nilang lahat sa akin.
Hindi n bago ang ganyang pahtrato nila sa akin. Araw-araw nilang ginagwa ito.
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganto ang pagtrato nila sakin,parang pangprinsesa diba?
Hindi naman talaga ako literal na prinsesa pero isa sa pinaka mayaman ang aming pamilya lalo na dito sa probinsya namin.
Si Papa ang CEO ng Rivera Group of Companies,ang kilalang kompanya sa buong Pilipinas sa mundo ng business.
Si Mama naman ay isang kilalang Fashion Designer sa buong Asia.
Speaking of Mama at Papa asan sila?
" Manang Flor,asan po ang Mama at Papa? " tanong ko sa mayordoma namin.
"Seyirita si Madame po may maagang meeting para sa isang fashion show at si Sir po may buisness trip po sa Korea. Maaga po silang umalis at binilin ka nga po nila sa akin. "
Lagi na lang wala ang parents ko, masyado silang busy at tutok sa family business namin.
Minsan nga feeling ko hindi ako importante kasi mas madami pa silang time sa trabaho kesa sa kaisa-isa nilang anak.
Hindi na bago ang gantong sitwasyon,halos araw-araw na din kung tutuusen. Pero ewan ko ba kung bakit parang hindi pa ako nasanay na lagi silang wala.
" Senyorita pinabibigay po pala ni Madame, regalo daw nya po para magamit mo sa school."
At inabot sa akin ni Manang Flor ang isang box.
Pagkabukas ko nakita ko ang isang loptop. Makikita mo ang kagandahan at mukang isang bagong model pa ang nirigalo ni Mama.
'Hindi naman ito ang kailangan ko,gusto ko sila.Gusto ko silang makasma kahit saglit lang.' nasabi ko sa sarili ko at sabay napabuntong himinga.
" Huwag ka nang malungkot. Alam mo naman na para din sayo ang mga ginagawa nila diba? " mukang napansin ni Manang ang pagkalungkot ko.
" Alam ko naman po yun Manang. Hindi ko lang po maiwasang malungkot kasi lagi silang wala. Tsaka salamat din po at lagi kayong andyan para bantayan at alagaan ako. Maraming salamat po Manang Flor. "
" Naku wala yun, kumpara sa ginawa ng pamilya mo sa amin ay maliit na bagay lang ito. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sa inyo. "
Nang matapos kaming mag-usap ni Manang ay sinimulan kong kumaen.
Pagkatapos kong mag-almusal ay tayo na ako para mag-ayos ng mga git na dadalhin ko sa school.
" Senyorita handa na po ang sasakyan. " aniya ng isa sa mga maid namin.
Agad-agad akong lumabas ng pinto at nang pagkalapit ko sa may sasakyan pinagbuksan naman ako ng pinto ni Kuya Johnny personal driver ng family namin.
Habang nasa sasakyan ako,titig na titig ako sa bago kong loptop na regalo ni Mama.
Kinuha ko ang aking cellphone para itext si Mama para magpasalamat.Hindi ko na sinubukan pang tawagan sya kasi alam kong busy sya sa trabaho.
Namalayan ko na lng na nakatingin ako sa may bintana ng aming sasakyan at pinapagmasdan ang tanawin sa labas nito.
Kita mo ang aliwalas at ang kagandahan ng panaho sa araw na iyon.
Maya-maya lang napansin ko n pumapasok kami sa isang malaking itim na gate.
" Senyorita andito na po tayo. "
Andito na ako ulet sa Charleston Academy.
Pagkabukas ng pinto ng kotse agad din akong bumaba. Nakita ko ang nagkalat na mga schoolmate ko sa paligid ng buong CA.
Ilang sandali pa ay narinig ko ang isang announcement mula sa speakers na nakpalibot sa buong lugar.
" All teachers and students please proceed to the assembly hall to start our ceremony. "
Walang pagaalinlangan sumunod ako at naglakad patungo sa assembly hall.
Habang nasa loob ng assembly hall ay nangingibabaw ang malalakas na bulungan at kwentuhan.
Mga nagkukumustahan at nagkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari nitong nagdaang summer.
At ang iba naman hindi mapaawat sa pagkukulitan.
Tumahimik lang ang lahat ng may narinig kaming nagsalita, at sabay kaming napalingon sa stage.
Nakita kong nakatayo si Mrs. Danica Torres na syang may hawak ng mic. Sya din ang principal ng CA.
" Welcome everyone,nagsimula nanaman ang pasukan. Alam ko ang iba sa inyo nabitin sa nagdaang bakasyon. Pero inaasahan kong mas mageenjoy kayo dito sa Charleston. I want all of you to remember that education is the best treasure that you will have for yourself. I hope you all keep that in mind. "
Matapos ang speach ni Mrs. Torres ang sisusod naman nya ang pagpapakilala sa mga nag top noong nakaraang taon.
Isa itong tradisyon ng Charleston Academy para maging halibawa o inspirasyon sa bawat mag-aaral nito.
Tahimik lang akong nakikinig sa kinauupuan ko.
Natapos nang tawagin ang nagtop sa nagentrance exam para sa mga 1st level student ngayong school year.
Sunod naman ay ang nagtop 1 noong nakaraang school year para sa 1st level na syang pagpasok as a 2nd level ngayong taon.
" And for all of you to know I am proud to announce this girl who acctually achieved as a top 1 student since she studied here in Charleston. Please give her a round of applause for Ms. Chadietty Rivera. "
Nang tawagin ni Mrs. Torres ang pangalan ko automatic na tumayo ako at naglakad papuntang stage.
Sa paglalakad ko hindi ko maiwasang marinig ang mga bulungan nga mga tao sa paligid ko.
" Grabe ang galing nya noh! "
" Ang hirap kaya maging top student dito sa CA, hanga ako sa kanya! "
" Napakatalino nya noh?! Kakainggit. "
At sa pagtungtong ko ng stage nangibabaw ang malakas na palakpakan.
Naglahad ng kamay si Mrs. Torres para kamayan ako at malugod ko naman itong tinanggap.
" I'm so proud of you Ms. Rivera keep it up ok! "
" Thank you Mrs. Torres, I will. " Pagpapaasalamat ko sa papuri na natanggap.
Simula ng araw na yun nagiba ang turing nga mga kapwa ko istudyante sa CA.
Naging sikat ako dahil sa pagiging consistent Top 1 student and thats the reason why they call me Ms. Rank #1.
*****************