Alone again
( Saturday, 7:00 a.m. )
Masaya akong napabangon sa aking kama. Mabilis nagdaan ang araw. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking mga labi.
Excited kasi ako! Nangako sina Mam at Papa na lalabas kami ngayon para magbonding. Pambawi daw nila sa akin.-Flashback
" Ok we are set. So this coming weekend lalabas tayo. ", Masayang sabi ni mama habang sinnusulat sa planner niya ang mga napagplanuhan namin.
" Yes we are going out. I'll put this as well sa phone ko. There I also put an alarm to make sure na hindi ko makaklimutan our special day. "
Natatawa ako sa sinabi ni pap talagang nilagyan niya pa ng alarm para hindi nya makaliutan.
" So it's our date then? "Sabay na napalingon si mama at papa sa akin.
" Yes baby!" " Yes my princess. " Sabay nilang tugon sa akin.
-end of Flashback
Plano naming pumunta sa rest houe namin sa Tagaytay. Matagal-tagal din nung huli kaming nakapunta dun sa pagkakatanda ko that was 5 years ago. Masarap at presko ang simoy ng hangin, nakakaexcite talaga.
Mukang mage-enjoy kami nila mama at papa nito. Minsan lang kaming lumabas kaya dapat sulitin namin ito,Dali-dali akong bumaba para mag-almusal at nadatnan ko siya sa may dining table.
" Magandang umaga po Manang Flor .", masayang bati ko.
" Mukang maganda ang gising mo seniorita? "
" Opo manang. Plano po kasi namin nila mam at papa na pumunta sa rest house sa tagaytay. "
" Mabuti po at lalabas kayo."
" Oo nga po, kaya excited na nga po ako. Manang bumaba na po ba sina mama at papa? "
" Si sir po alam kng gising na siya. Nakitia ko po siyang pumasok sa library. Pero si madam po hindi ko po napansin. "
" Ganun po ba. Salamat po Manang Flor. "
" Wala po yun. Kumain na po kayo ng almusal. "
Habang kumakain ako, napansin ko si mama na nagmamdaling papunta sa dining table at bumati sa akin. Pagkabati ay agad niyang kinuha ang kapeng nakahanda at sinimsiman niya lang ito ng kaunti.
" Ma, bakit parang nagmamdali kayo? Umupo na muna kayo at sabay na po tayong mag-almusal. "
" Sorry baby hindi kita masasabayanng mag-almusal. Nagmamdali kasi ako something happened sa isang gown for the fashon show. "
" Po? So hindi na po tayo matutuloy sa pagpuntang rest house? " Halos mapatayo ako nag tanungin ko si mama.
Bila namang napaharap sa akin si mama " No, tuloy kayo ng papa mo. I told him na pumunta pa din kayo. Sorry baby pero i really need to go. Kwentuhan mo na lang ako huh! "
Humalik lang si mama sa pisngi ko at dali-daling umalis.
Hindi man lang ako naka-angal sa hindi niya pagsama. Paano pa kami makakapagenjoy kung hindi nga kasama si mama. Kala ko ba naman makokompleto na kami.
Pagkatapos kong kumaen napgisipan kong puntahan si pap sa library dun kasi ang working space niya. Kakatok pa lang ako sa pinto ng mapahinto ako.
Bigla kasing may tumatwag sa phone ko. Pagtingin ko kung sino ang tumatawag, may sobrang pagtataka ang namuo sa akin. Bago ko sagutin ang tawag binuksan ko ang pinto ng library room namin. Pero walang tao, wala si papa." Hello? ", pagsagot ko sa tumatawag.
" Princess? ", rinig mo ang lungkot sa pagtawag niya sa akin.
" Pa asan ka po bakit kailangan niyo akng tawagan? "
" Andito ako ngayon sa office, somethin came up. I need to attend an emergency meeting."
" Akala ko po ba aalis tayo ngayon? Kala ko po ba mag-eenjoy po tayo? "
" Sorry my princess hindi ko kasi puwedeng icancel 'to . I hope you can understand. "
" Ganunn po ba. O-ok lang po. " Hindi ko na naiwasang mapabuntong hininga.
" If you want you can invite Marjorie to join you. If you want you an still go to tagaytay with her? "
" Aahh I need to still ask her papa. "
" Ganun ba. Sige just call or text me if any case para masabihan ko ang care taker natin dun. "
" Opo papa. I'll just text you baka kasi nasa meeting ka na nun. "
" Ok, Princess I need to go now. Bye, i love you. "
" I love you too papa"
Parang nawalan ako bigla ng sigla. Kanina lang paggising ko sobrang excited ko pero ngayon parang wala na kong buhay. Nanlulumo ako kasi hindi na pala kami matutuloy. Kala ko ba babawi sila sa akin. Sana pala hindi na lang ako ng masyado umasa.
Umalis ako sa library room namin at nagtuloy ako sa aking kuwarto.
Nakasandal ako ngayon sa may head board ng aking kama habang nagbabsa ng libro. It's already 10:30am at kanina pa akong nagkukulong dito sa kuwarto. Naptigil ako sa pagbabasa at napatingin sa may side table ko. Kinuha ko ang aking phone. Napagdesinsiyonan ko na tawagan si Marj. Hindi naman siguro masamang tanungin kung masasamahan niya ako ngayon.
" Hello Marj. "
" Oh best napatawag ka. "
" May lakad ka ba ngayon? "
" Hhmm wala naman. Bakit? "
" Aahh gusto kasi kitang yayain. Puwede mo ba akong samahan ngayon? "
" Huh? Bakit hindi ba kayo natuloy nila tito at tita? "
" Oo ganun na nga di kami tuloy. "
" Sige punta ako jan. Ano overnight ba ako jan para makapagpaalam na ako kina mom at dad. "
" Actually gusto ko sanang matuloy sa pagpunta ng rest house namin if it's ok with you? "
" Oo ok lang. Saan ba ung rest house niyo? "
" Sa tagaytay. "
" Sa tagaytay?!!! "
Halos mabingi ako sa boses niya. Grabe kung makasigaw tong si Marj.
" Oo sa tagaytay nga. Sabi kasi ni papa itext ko lang daw siya kung gusto nating pumunta dun. "
" Oh my, sure best go na go ako jan! "
" Hindi ka naman excited 'noh? Sige maghanda ka na tapos susunduen kita para ako na ang makapagpaalam din kina tito
at tita. "" Bilisan mo best huh! I am so excited! "
" Sige text kita kapag paalis na ako. Maghahanda pa din ako. "
" No prob. "
" Ok , bye "
Binaba ko na ang tawag. Hindi ko napigilang ngumiti. Rinig na rinig ko kasi kay Marj ang sobrang saya at niyaya ko siyang pumunta ng tagaytay. Agad ko naman tinext si papa.
Hindi ko padin maiwasang hindi malungkot. Kailan kaya magkaka time sina mama at papa sa akin? Paano na lang kung waka si Marj? Good thing she's here kung hindi I'll be alone again.