WARNING: CONTAINS VULGAR WORDS, SEXUAL HARASSMENT, ABUSE AND SELF-HARM.
"Tangina pare, babasagin ko talaga bungo niya kapag nakita ko siya." galit na galit na sabi ni Andoy sa akin. Gago naman kasi ang isang 'yon, makalait parang perpekto amp!
Nandito kami ngayon sa tambayan namin. May tinatarget kasi itong si Andoy. Ayaw papaawat ang isang ito, mapapa-away talaga kami nito.
" Ayan na sila pare, masaya 'to. Ako sa isang feeling gwapo na 'yan tapos ikaw sa kasama niya." Litanya niya. Ayaw ko sana dahil kapag nalaman naman ng papa ko 'to sigurado papagalitan na naman ako. Pero kaibigan ko siya eh, alangan naman pabayaan ko siyang mabugbog dito.
"MJ! Ano na naman ang nabalitaan ko na nakipag-away kana naman?" Sigaw ni mama nang makauwi siya galing sa kanyang trabaho. Isang pota talaga ang nagsumbong kay mama. Malaman ko talaga kung sino ang nagsumbong, puputok talaga ang bunganga niya.
"Wala ka ng ibang ginawa kundi ang makipag-away sa labas. Magtino ka naman, utang na loob. Hindi ka naman ganyan dati ah. Simula no'ng sumama ka d'yan sa mga barkada mo naging gago kana rin." galit na sigaw ni mama sa akin. Tangina lang ha. Paki ba nila kung ganito ako? Wala naman silang magagawa dahil ito na ako oh, ang gago nilang anak. Bakit ba pilit nila akong pinapabago? Gago nagbago naman ako ah. Ang dating gwapo naging gwapo na gago.
Wala din naman patutunguhan ang walang kwentang buhay na'to. Para saan pa ang pagbabago ko? Hindi din naman nila nakikita ang kahalagahan ko sa tanginang mundo na'to. Sobrang unfair talaga ng buhay.
"Alam mo pare, minsan nakakainis na ang mama mo." Tinaasan ko siya ng kilay, dahil sa kanyang sinabi.
"Oh no offense, totoo naman kasi. Bakit ba kasi siya nakikinig sa mga sinasabi ng ibang tao kaysa sa'yo, na sarili niyang anak. Hindi ka niya pinaniwalaan, baka kasi sinisisi ka pa rin niya sa nangyari." mahabang paliwanag ni Andoy sa akin. Bigla akong napa-isip, kaya gano'n na lang siguro ang galit ni mama sa akin dahil sinisisi niya ako sa nangyari. Araw-araw ko din naman pinagsisihan 'yon. Walang gabi na hindi ako umiiyak dahil sa pangyayaring 'yon. Gabi-gabi napanaginipan ko pa rin kung paano nila tinapos ang buhay ng aking kakambal.
Ilang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa' kin ang mga nangyari.
....
"Kambal, samahan mo muna ako mamaya ha." Napatingin ko sa aking kakambal na nagtataka. Hindi naman kasi lumalabas 'yan kapag gabi na.
"Mamaya? Pagabi na ah, hindi pwedeng lumabas kapag gabi diba?" curious na tanong ko sa kanya.
"Eh kasi naman po may kukunin lang ako sa kaibigan ko. Importanti lang, sige na samahan mo na ako." Nag-pout pa siya sa akin, kaya wala na akong magagawa kundi ang samahan siya.
Nang makarating kami sa bahay ng sinabi niyang kaibigan agad akong nagtaka. Hindi naman kasi ito bahay, bodega ito.
" Teka nga muna Marianne, hindi naman bahay to ah."sabi ko sa kakambal ko. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo na parang hindi niya din alam.
" Eh ito kasing address ang binigay sa akin eh. Tingnan mo." Sabay pakita niya sa'kin ng chat nila ng kaibigan niya.
" Oh nand'yan na pala si Marianne at may kasama pa siyang alalay." Sabay kaming napalingon ng kakambal ko sa pinanggalingan ng boses na 'yon.
" Sino ho kayo? Nand'yan po ba si Anne?" magalang na tanong ni Marianne. Pero tumawa lang ng malakas ang lalaki.
" Anong Anne? Tanga walang Anne dito! Ipasok niyo na sila. Dalhin niyo si Marianne sa akin." Naka-ngising sabi ng lalaki. Nakaramdam ako ng takot, hindi para sa sarili ko kundi para sa kakambal ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/292700491-288-k905141.jpg)
YOU ARE READING
PUHON (One Shot Story)
RandomThis one shot story, title PUHON which means "In God's time or God's will."