Safe

10 2 0
                                        

Maraming masasamang naganap sa ating mundo. Kailan pa kaya matatapos ito? Araw-araw dama ko ang takot na namumuo sa bawat tao. Iba't ibang trahedya ang nagaganap. Hindi alam kong ano ang gagawin para makatakas. Simula ng nagmalay ako sa mundong 'to, wala akong nakitang magandang nangyari sa buhay ko.

Naalala ko pa noong lumindol dito sa amin, nabagsakan ng poste ang aming bahay. Sobrang lungkot namin dahil sa mga oras na 'yon wala kaming pera para ipagawa sa aming bahay. Kaya napilitan akong pumunta sa Manila para maghanap-buhay. Akala ko noon maging payapa na dahil nakaligtas kami sa lindol. Nagawan ko ng paraan para mapagawa ulit ang aming bahay. Pero isang araw may masamang balita akong na tanggap galing sa aking pamilya

"Anak..." Hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang sasabihin dahil umiiyak siya. Kaya ang kapatid ko na lang ang kumausap ka sa akin.

"Ate, na hospital si tatay." Parang nabingi ako bigla sa aking narinig. Mahigit isang buwan pa lang simula nang maayos ang bahay namin. Hindi ko pa nababayaran ang mga inutang kong pera sa pagpapagawa doon tapos ito na naman may gastusin na naman.

Kinuwento ng kapatid ko noon kung bakit na hospital si tatay, dahil nasangkot raw si tatay sa isang away. Dahil sa kakasugal niya, may utang raw siya na hindi pa nababayaran kaya humantong sila sa away. Sinaksak siya ng ka-away niya ng dalawang beses sa tiyan at miski isa wala man lang ang umawat sa kanila. Kung hindi daw dumating ang tanod siguradong wala na si tatay. Minsan talaga kapag wala ka ng ibang maisip na pagkakitaan ng pera, ay susugal ka na lang. Kahit alam mong mali, gagawin mo dahil desperado kang magka-pera. Kung naghanap na lang kaya siya ng matinong trabaho, matagal ang sahod pero ligtas ka naman. Isa mga rason kasi ni tatay, kaya niya lang na gawa 'yon para magka-pera agad. Pero ang pagkakamali niya pa ay, hindi niya namalayan na naaaliw na pala siya sa sugal.

Nalubog ako sa utang noon dahil na hospital si tatay. Hindi ko naman siya matiis kaya humiram na naman ako sa aking boss ng pera pang-hospital ni tatay. Kahit gabi na minsan, nagtatrabaho pa rin ako. Para lang makabayad sa mga inutang ko. Minsan hindi kona namamalayan na hindi pa pala ako nakakain. Ang nasa isip ko lang lagi ay, ang makabayad sa lahat ng inutang ko.

"Oy Geselle kumain kana muna, hindi kapa na kakain simula no'ng tanghalian. Mag-aalas nwebe na." Paalala sakin ng kasamahan ko.

"Tatapusin ko lang 'to at kakain na rin ako."

"Hay naku, kapag ikaw nagkasakit n'yan. Huwag mo naman abusuhin ang katawan mo. Mababayaran mo din naman lahat ng mga inutang mo."

Palagi nila akong sinasabihan noon na, huwag ko raw madaliin ang pagbabayad dahil naabuso ko daw ang katawan ko. Minsan kasi nakakatulog na lang ako sa lamesa ko. Isa akong secretary sa medyo hindi kilala na company. Hindi malaki ang sweldo ko rito, hindi ka gaya ng ibang secretary sa ibang company. Pero ayos lang sa akin dahil mabait naman ang boss ko. Kapag may binibigay siyang trabaho sa akin ay tinatapos ko agad. Para kapag gusto kong magpahinga ay makapagpahinga ako ng maayos.

Habang nakatingin ako sa malayo naalala ko ang pinagdaanan ko noon. Napasabi ako sa aking sarili, pinanganak siguro ako para maranasan ito. Para ipadama kung ano ka lupit ang mundo. Kung ano kasama ang mga tao. Naranasan ko kasing ma hold-up habang naglalakad ako sa kanto pauwi sa inuupahan kong bahay. Kinuha lahat ng gamit ko at nakatamo pa ako ng pasa sa mukha ko dahil sa pagkasubsob ko sa semento.

Akala ko 'yon na ang pinaka-masamang nangyari sa akin pero hindi pala. Nakatanggap ulit ako ng balita na may paparating na bagyo. At ang tama nito ay sa lugar namin. Kaya binalot na naman ako ng matinding pangamba na baka may mangyari na namang masama sa aking pamilya. Kaya no'ng gabing 'yon hindi ako makatulog, kung ano-ano na lang ang masasamang pangyayari ang pumapasok sa utak ko. Pilit kong pinatatag ang sarili, pilit kong sinasabi na sana hindi mangyayari ang mga iniisip ko. Pero kahit anong pilit kong sabihin na magiging maayos ang pamilya ko, ay hindi pala.

Nagising ako sa huni ng aking cellphone. Sinagot ko ang tawag ng aking nanay, sa boses pa lang niya halatang hindi maganda ang kanyang ibabalita.

"Anak..." Hikbing sabi ni mama. "nawasak ang bahay natin, kasama ang kapatid mong lalaki." Biglang naguho ang mundo. Hindi ko alam kong ano aking gagawin sa oras na'to.

Noong nabalitaan kong kasama ang kapatid ko sa namatay noong bagyo, ay umuwi ako sa amin. Nakita kong wasak ang bahay namin. Ang pinagawa kong bahay ay muling nawasak. Wala na nga kaming bahay, nawala na rin sa amin ang kapatid naming lalaki. Masyadong masakit ang dinulot ng panahon sa amin. Parang lahat ng trahedya sa buhay ay naranasan namin. Bakit parang kami lang ang nag-dudusa? Masama ba kaming tao para pagdusahan namin ito? Ano ba ang nagawa naming kasalanan para kami ay parusahan? Kailan kami magdudusa ng ganito? Hanggang kailan namin maranasan ang ganitong karanasan? Hindi pa ba sapat lahat ng aming napagdaanan?

Araw-araw hinihiling kong matapos na lahat ang paghihirap namin. Sana gigising kami balang araw na may kaginhawaan. Iyong tipong hindi mo mararamdaman ang takot at pangamba. Mararanasan pa kaya namin ito? O ito na talaga ang kapalaran na sa aming nakalaan.

Nawalan na ako ng pag-asang makamit ang kapayapaan at kaligtasan sa buhay namin. Dahil mayroon namang bagong problema na aming haharapin. Problemang, hindi namin alam kung ito ay aming malalampasan. Sinabi ko noon bakit kami lang ang nadusa, pero hindi ko hiniling na maranasan rin ito ng mga tao. May virus na kumalat at biktima ang lahat. Nakita ko ang takot na nakabalutay sa bawat mukha ng mga tao. Sino ba naman kasi ang may gusto na madapuan ng virus ng kung tatawagin ay COVID19.

Sinabi sa balita na hindi pwedeng lumabas sa bahay, kaya may panic buying na naganap. Panic buying? Paano naman kaming walang pera? Ayan agad ang pumasok sa aking utak. Paano kaming mahihirap na ang kaya lang naming bilhin ay sardinas? Hindi sapat ang aming pera sa ilang araw hindi kami makalabas. Ayuda? Umaasa na nga lang kami sa ayuda minsan may bawas pa.

Sobrang lupit ng nangyari, hindi ko alam kung makakaahon pa kami. Ngayong may pandemya, dito ko naranasan ang matinding pangangamba. Na baka isa sa amin madapuan. Gabi-gabi nag-iisip kung kailan pa matatapos ito. Ilang taon pa ang pagdaanan bago mawala ang virus na ito? Habang buhay na lang ba namin dadalhin ang takot at pangangamba sa aming puso?

Dalawang taon na pala ang nakalipas simula noong dumating ang virus sa aming bansa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala. Narito ako ngayon sa labas ng hospital, nagmumuni-muni habang binabalik-balikan ang mapait na nakaraan. Naging positive ako sa COVID19. Noong nalaman kong positive ako, nawalan na talaga ako ng pag-asa na maging maginhawa pa ang buhay namin. Dinala nila ako facility at noong nakaraang dinala nila ako dito sa hospital na'to. Noong una nagtaka ako kung bakit pa nila ako dadalhin sa hospital. Nalaman ko na lang na gagamutin pala nila ako dahil may hika ako. Kaya habang wala pa ang doctor na titingin sa akin ay lumabas muna ako.

Pabalik na ako ng may madaanan akong maliit na chapel. Nakita ko ang isang matandang babae na umiiyak at nagmamakaawa na huwag kunin ang anak niya. Doon ko napagtanto na, kaya pala nabibigatan ako lagi sa aking problema dahil hindi ako humihingi ng tulong sa Kanya. Kahit isang beses hindi ko Siya tinawag para tulongan ako.

Bigla akong napaluhod sa harap ng altar habang tumutulo ang aking mga luha. "Bakit hindi ko na-isipan ang lapitan Ka? Bakit sa dami-dami ng pwedeng kalimutan ay Ikaw pa?" Sabi ko sa aking isip.

Sinumbong ko ang lahat sa Kanya, kahit alam kong alam Niya ang nangyari sa buhay ko. Sa sobrang pag-iisip ko sa mga bagay na walang kwenta ay nakalimutan ko Siya. Nabulag ako sa masasamang bagay na naranasan ko noon. Pagkatapos kong iiyak lahat sa Kanya doon ko naranasan ang totoong kaginhawaan. Parang nabunutan ako ng tinik sa aking dibdib, at gumaan ang aking pakiramdam. Nawala bigla ang aking takot na ilang taon na nanatili sa aking puso. Tumayo ako na wala ng pangamngamba at takot na dala-dala.

Tapos na ang paghihirap ko, wala ng kaba, takot o pangamngamba dito sa puso ko. At alam kong may pagsubok pa ako na mararanasan, pero hindi na ako matatakot dahil nand'yan Siya para gabayan ako. Alam kong ligtas na ako.

I am Geselle, I am now safe in His hands. I found my fortress in Him.

PUHON (One Shot Story) Where stories live. Discover now