"Jamier saan ka mag-aaral ngayong college?" tanong sa akin ni Ellen.
"Sa paaralan, alangan naman sa bahay niyo diba?" pabirong sagot ko sa kanya na agad naman niya akong binatukan.
"Shunga, saang paaralan nga?"
"Actually, hindi kopa talaga alam eh." totoong hindi ko alam kung saan ako mag-aaral. Kukuha pa kasi ako ng scholarship eh. Hindi pwedeng wala akong scholarship dahil mahirap lamang kami. Hindi kaya ng mga magulang namin ang gastusin sa college lalo na dalawa na kami ng kapatid ko ang mag-aaral sa college. Tapos meron din akong kapatid na Senior High palang at isang Junior High. Apat kasi kaming magkakapatid, pangalawa ako.
"Ano nga ulit dream job mo Jamier?"
"Chef, kung hindi papalarin taga hugas na lang ng plato." biro ko sa kanya na ikinatawa naman niya.
Nag-aalala talaga ako sa kursong kukunin ko. Pero gusto ko talagang maging isang chef. Simula bata palang kasi ako 'yan na ang gusto ko. Tapos sa bahay ako ang taga-luto nila. Kapag may lulutoin, Jamier agad ang binabanggit na pangalan. Masarap luto ko eh.
I'm stocked between, hindi muna mag-aaral. Papatapusin ko muna si Ate. Pero gusto ko talaga mag-aral eh. Sabi ko nga sa kay mama na, magta-trabaho ako habang nag-aaral. Working student kung tawagin. Pero sabi niya mahirap daw ang ganyan. Kaya ko naman, dahil gusto ko talaga maging chef. Wala namang impossible lalo na kapag nagtitiwala ka sa kanya. Nothing is impossible ika nga sa kanta.
"Jamier! May meeting tayong mga youth. Nabasa mo ba sa group chat?" masiglang sabi ni Ellen sa akin. She's my best friend since elementary. Siya ang palagi kong kasama lalo na sa church.
"Ahm, hindi eh. Ellen ikaw na lang muna ang a-attend sabihan mo na lang ako kung ano ang napag-meetingan niyo." nahihiyang sabi ko sa kanya. May lakad kasi ako ngayon. Pupuntahan ko 'yong paaralan na gusto ko. Malayo kasi dito sa amin, mga dalawa o tatlong oras pa bago ka makarating do'n. Kukuha din kasi ako ng entrance exam.
Noong makababa na ako sa tricycle, tiningala ko ang napaka-laking eskwelahan. Kinakabahan ako, dahil feeling ko lahat ng tao dito ay mayayaman at matatino talaga. Pumasok na ako, baka kasi ma late pa ako.
"Good morning, this is the answer sheet and questionnaire. You have 1 hour to answer that." Tiningnan ko ang ibang kukuha din ng exam, parang wala lang sa kanila. Samantalang ako ay nanginginig ang mga kamay sa sobrang kaba. May 10 minutes pa naman bago magsimula. Kaya kinuha ko muna ang aking Bible. Hinawakan ko ito at taimtim na nanalangin. Na nawa'y gabayan niya ako sa aking gagawin ngayon. Ano man ang resulta, tatanggapin ko dahil ito ang nais niyang mangyari sa buhay ko.
"I put my trust in you Lord." bulong ko.
Binigay na ng teacher ang questionnaire at answer sheet.
"You may start now."
Unang tingin pa lang alam kong mahirap na. Wala akong ibang iniisip kundi ang kagustohan na maging chef someday.
Nasa last page na ako ng answer sheet ko.
"20 minutes left." biglang sabi ng teacher. Medyo naka-hinga naman ako ng maluwag dahil 5 items na lang ang kulang ko.
Last number na ako pero sobrang hirap talaga ng question.
"10 minutes."
Sampong minuto na lang, napaka-hirap talaga ng question. Malaki kasi ang puntos kapag nakuha mo ang tamang sagot sa last number.
"Lord, give me some knowledge to answer this question. Please."
Hindi ko pa rin minumulat ang aking mga mata, pilit kong inalala kung ang sagot sa last number.

YOU ARE READING
PUHON (One Shot Story)
De TodoThis one shot story, title PUHON which means "In God's time or God's will."