Who Am I?

4 0 0
                                    

Did you ever ask yourself if you are worthy?
Did you blamed yourself?
Did you say that, you are useless?

I'm here in the province of my grand mother, after of what happened  years ago I decided to stay here to have a peace of mind.

Standing in front of this beautiful nature , reminiscing the past.

I can say that, I am now ready to go back in my city.

"Sis, ready kana ba?" my cousin asked me. I just nodded at her and gave her a sweet smile.

"Sigurado kang ayos kana?" she asked again but this time with a teary eyes.

No one knows, how I suffer a lot except my cousin. She's the one who took care of me, while I'm suffering.

I got shocked when she hugged me.

"Sis, are you sure that you are ready to go back in that cruel city?" she asked while hugging me.

I face her and laugh.

"Ikaw ha, Englisher yarn?" biro ko sa kanya.

"Honestly cousin, I don't want you to leave this province. But it's your choice, maybe time na rin naman para harapin sila."

I don't want to leave this province too. Kailangan kong harapin ang lahat ng mga iniwan ko. Ayokong isipin nila na tinakasan ko na ang aking obligasyon.

Marami akong natutunan sa probinsyang 'to. Kaya naghihinayang akong iwan ang mga taong naging parti ng tagumpay ko.

"Take care my Nurse." she hugged me tight.

I smiled at her, she always call me Nurse kahit  nasa bahay lang naman kami. After how many years, natupad ko na din ang pangarap ko. Isa na akong ganap ng Nurse ngayon.

"Bakit nurse ang kukunin mo? Alam mo bang ang mahal ng tuition fee ng isang nurse? Hindi ka ba nag-iisip? Ha Alei?" napayuko na lang ko dahil sa sigaw ng aking nanay.

Pinigilang ko ang aking mga luha, ayokong umiyak sa harap niya. Baka sabihin niya na naman na nagpapaawa ako.

" Bakit kasi hindi ka na lang maging teacher o kaya maging accountant?" tuluyan ng bumagsak ang aking mga luha dahil sa mga sinabi niya.

Really? Accountant? Teacher? Hindi ko sinasabing pangit ang ganyang trabaho. Pero kasi hindi 'yan ang gusto ko. Hindi ako magaling sa ganyan.

"Napaka-ambisyosa mo kasi! Gusto mo talagang gumastos ng malaki. Masaya ka atang nahihirapan kami ng papa mo. Isipin mo Alei, may mga kapatid kang nag-aaral din hindi lang ikaw!" bulyaw niya sa akin.

Wow, halos nga hindi ko na iniisip ang sarili ko eh. Lagi na lang ang gusto nila ang nasusunod. Paano naman ako? Dapat ba susundin ko lagi ang gusto nila? Paano kung hindi ko gusto ang nais nila? Maging sunud-sunuran na lang ba ako lagi?  Pagod na ako! Nakakasawa na!

"Dahil, sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo iniisip ang hirap na dinanas namin ng papa mo para sa inyo. Gaano ba ka hirap ang sundin kami? Gusto lang naman namin ang makakabuti sa laha-" hindi ko siya pinatapos at nagsalita na ako.

"Para sa lahat ma o para sa inyo lang?" diniinan ko ang bawat katagang lumalabas sa aking bibig.

"Sa tingin mo para lang sa amin 'to?" takang tanong ni mama.

"Oo! Dahil ni minsan hindi ko naramdaman na sinuportahan niyo ako! Palagi na lang, Alei wala akong pera pasensya na. Pero kapag ' yong mga kapatid ko ang manghihingi bigay agad."

"Nagkataon lang na may pera ako no'ng humihingi sila."

"Tanginang nagkataon lang! Gusto ko kayong sumbatan sa lahat ma. Pero baka kasi sa hospital ang bagsak mo kapag sinabi ko ang hinanakit ko sa pamilyang 'to."  walang emosyong sabi ko kay mama.

PUHON (One Shot Story) Where stories live. Discover now