Gusto ko siya, kahit iba ang gusto niya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Alam ko namang kaibigan lang ang aming turingan. Pero masisisi niyo ba ang puso kong nahulog na? Alam ko naman na una pa lang ay kaibigan lang talaga ako para sa kanya.
Araw-araw hinihiling ko na sana magustohan niya rin ako.
"Jasmin, tol manonood ka ba mamaya sa laro namin?" tanong ng matalik kong kaibigan na si Jerome.
Mamaya na kasi ang laro nila, isa siyang basketball player sa aming paaralan. Palagi kasi akong present sa laro niya noon kahit minsan may klase kami. Hindi ko lang alam ngayon kung makakasama ako, dahil nagfo-focus kaming lahat sa exam namin. Graduating kami for senior high, kaya kailangan talaga namin mag-focus.
"Ahm, hindi ko kasi alam tol eh. Baka kasi may exam or quiz kami mamaya." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Wala 'yan sus, diba nga noon kahit may exam pa o importanti kayong activities nanonood ka pa rin ng laro ko? Kaya sige na punta kana. Hihintayin kita mamaya ah." Nagmamadali s'yang tumakbo, hindi niya man lang ako pinakinggan.
Hindi ko na lang pinansin, alam kong maiintindihan niya rin ang rason ko kung bakit hindi ako makadalo sa laro niya. Alam niyang gusto kong g-graduate na may honor. Alam niya na gustong-gusto ko na kahit isang beses lang, maging proud ang mga magulang ko sa akin.
"Jasmin! Hoy babae huwag kang manood mamaya ng laro ni Jerome ah. May exam tayo, kaya unahin mo 'yong exam hindi ka naman matutulongan ng Jerome na'yan eh." Pasigaw na sabi ni Rhea sa akin.
Alam niyang may gusto ako kay Jerome noon pa man. Kaya palagi kong sinusuportahan ang mga laro niya. Ayoko sanang sabihin kay Rhea pero pinilit niya ako. Ang talas din naman kasi ng pakiramdam ng babae na 'to eh. Si Jerome lang talaga ang manhid, siguro kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin.
"Sasampalin talaga kita kapag pumunta ka. Isipin mo dzai ito na ang chance para mabawi mo ulit ang trono mo sa rank 1." sabi niya sa akin.
Wala naman akong balak na pumunta sa laro niya. Pinaghirapan kong makapasok sa rankings tapos masisira lang dahil sa ganito? Mag o-offer na lang ako ng peace offering kay Jerome after ng laro nila.
"Hoy! Nakikinig ka ba? Ewan sa'yo samahan mo na lang akong bumili baka mamaya wala kana dito dahil pupunta ka sa laro niya." Hinila niya ako, hinawakan niya ako ng mahigpit 'yong tipong ayaw niyang bigla ko siyang tatakbohan ulit.
"Kapag tumakbo ka ngayon, ewan ko lang kung ano ang mamangyari sa'yo kapag..."
"Oo na Rhea hindi na ako tatakbo, at wala din naman akong balak na pumunta sa laro niya."
...
Lumipas ang ilang oras at magsisimula na din ang exam namin. Nag-vibrate ang aking phone, kinapa ko ito sa aking bulsa at tiningnan. Text ni Jerome ang bumungad sa akin. Hinihintay niya daw ako, pero wala na akong magagawa dahil magsisimula na ang exam namin. Nag review ako ng ilang weeks para sa exam, running for with highest honor daw ako sabi ng teacher namin. Kapag daw mataas ang exam ko, posible daw na makuha ko 'yan.
Pagkatapos ng exam namin, dumating din ang mga basketball players ng school namin. Kaya nagtipon-tipon ang mga estudyante sa gym, para bumati. Nahihiya akong magpakita kay Jerome, kaya lumabas muna ako para bilhan siya ng paborito niyang pagkain.
"Let's congratulate our MVP of the year, Jerome Vladimir Tiangco." Bungad sa akin no'ng makapasok ako sa gymnasium namin.
Proud ako sa kanya, dahil hanggang ngayon siya pa rin ang MVP. No'ng umakyat na siya sa stage, nakita niya ako pero hindi man lang siya ngumiti sa akin. Yumuko na lang ako, nahihiya na talaga ako sa kanya.
"Dzai arat na uwi na tayo." Aya ni Rhea sa akin.
"Wait lang, ibibigay ko muna 'to kay Jerome." Nahihiyang sabi ko.
Pinuntahan ko si Jerome sa ka-team niya, kahit nahihiya ako ibibigay ko pa rin sa kanya ang binili ko.
"Ahm, nakita niyo ba si Jerome?" tanong ko sa kasamahan ni Jerome.
Tinuro nila kung na saan si Jerome, kaya agad ko siyang pinuntahan. Nagulat ako sa aking nakita, naka-akbay si Jerome sa isang babae, hindi ko kilala ang babae at hindi rin pamilyar sa akin ang kanyang itsura.
"Ahm, Jerome binilhan pala kita ng paborito mong pagkain, peace offering ko. Sorry nga pala hindi ako naka-punta may exam kasi kami." Pilit akong ngumiti sa kanila.
"Ayos lang, nando'n naman si Diana para suportahan ako. Kainin mo na lang 'yang dala mo, kakain din kasi kami mamaya. Halika na babe." Hinawakan niya ang kamay ng babae para alalayang tumayo. Hindi man lang ako tiningnan ni Jerome bago sila umalis.
Akala ko maintindihan niya ako, mali pala ako. Alam kong galit siya sa akin. Binigay ko na lang kay Rhea ang pagkain, sayang naman kung itatapon ko lang.
...
Ilang buwan na ang lumipas simula no'ng hindi ako pumunta sa laro ni Jerome. Hindi na niya ako pinapansin at nalaman ko na lang na girlfriend na niya 'yong babaeng sumuporta sa kanya.
May parte sa akin na nagsisi dahil hindi ako pumunta sa laro niya. Kung pumunta sana ako, edi nagpapansinan kami hanggang ngayon. Natakot akong kausapin siya baka magalit siya sa akin. Hindi ako handa sa kanyang sasabihin kung meron man.
"Miss rank 1 practice na tayo." Biro sa akin ni Rhea.
Ako ang naging rank 1 sa buong grade 12. Mataas ang score ko sa aking exam. Points lang naman ang agwat namin ni Rhea, siya ang rank 2 sa amin.
Nang matapos kaming mag-practice dumiretso ako sa aming room dahil may kukunin pa ako.
"Jas, tol pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat ako sa boses ni Jerome.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya, parang ayoko na kasi siyang makita o makausap man lang. Parang gusto ko na lang tumakbo at takasan siya.
"Masaya ka ba ngayon dahil sa narating mo?" Biglang sabi niya.
Hindi niya hinintay ang sagot ko kung papayag ba ako na makipag-usap sa kanya. Ramdam ko rin sa tono ng pananalita niya ang pagiging sarcastic niya. Napayuko na lang ako at biglang tumulo ang aking mga luha.
Masaya ba ako? Ito ang gusto ko dapat masaya ako. Ito ang desisyon na pinili ko.
"Jas..." humina ang kanyang boses. Ang kaninang sarcastic na tono ay napalitan ng garalgal na boses.
Na patingin ako sa kanya, nakita kong pinahid niya ang kanyang luha. Bakit siya umiiyak? Akala ko galit siya sa akin?
"Proud ako sa narating mo ngayon, napakagago ko para sirain ang pangarap mo. Noon pa man binigay mo ang lahat ng suporta mo sa akin, pero kahit isang beses hindi man lang kita sinuportahan. Nagalit ako sa'yo no'ng hindi ka pumunta sa laro ko. Sarili ko lang ang iniisip ko, hindi ko inisip ang kalalabasan kapag hindi mo nakuha ang gusto mo. Ang gusto mong maging proud ang mga magulang mo. Patawarin mo ako sa nagawa ko, no'ng hindi tayo nagpapansinan na realize ko na, ako pala ang hadlang sa mga pangarap mo. Kaya nahihiya ako sa'yo, ang isang tulad ko ay hindi nababagay sa isang katulad mo." Mahabang paliwanag niya sa akin.
" Jerome... "
" Shh, alam kong kaibigan lang ang turi mo. Kaya kahit noon pa man na gusto kita, natatakot akong umamin sa'yo baka masira ang pagkakaibigan natin. Kaya no'ng hindi ka dumating sa laro ko parang ayaw ko nang maglaro. Inisip ko na lang na kahit sa ganito man lang maging proud ka sa akin."Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang mukha.
Wala akong masabi, akala ko kaibigan lang ang turi niya sa akin. Ganito din pala ang nararamdaman niya.
" I want to be with you, Jas. Pero wala pa akong napapatunayan, aayusin ko ang sarili ko. Gusto kong maging karapat-dapat sa'yo. Sana kapag pwede na, pwede pa." Bigla niya akong niyakap.
"I love you Jas, tol." Naramdaman ko sa kanyang mga yakap ang pagiging sincere niya. Niyakap ko din siya ng mahigpit, gusto kong maramdaman niya na mahal ko rin siya.
May tamang pagkakataon para sa amin. May mga rason kung bakit nangyari ito sa amin ngayon. Kailangan naming ayusin ang mga sarili namin. Kailangan may mapapatunayan kami sa isa't isa. Hindi naman minamadali ang mga ganitong bagay.
Kung hindi man kami ngayon, sana kami na sa susunod na pagkakataon.
YOU ARE READING
PUHON (One Shot Story)
RastgeleThis one shot story, title PUHON which means "In God's time or God's will."