Sa buhay, kailangan natin ng isang tao o isang bagay na makakapagbigay sa atin ng saya. Yong tipong, na-iinspire ka sa araw-araw. Nand'yan 'yong excitement sa tuwing may gagawin ka.
"Oy beshie, asan na ang mga sinulat mong poetry?" Bungad sa akin ng aking bestfriend nang makapasok ako sa kanilang bahay.
Mas matanda ako sa kanya ng ilang taon, pero hindi niya ako tinatawag na ate. Ayaw ko din naman 'yan dahil mas matangkad pa siya kaysa sa'kin. Naging malapit kaming dalawa dahil mahilig s'yang magbasa ng mga poetry. Kaya no'ng nalaman n'yang nagsusulat ako n'yan, palagi niyang binabasa. No'ng una ayaw ko talaga sa kanya, mapili ako sa mga kaibigan kasi. Minsan kasi nadudumihan ako sa kanya kaya, minsan hindi ko siya pinapansin. Pero simula no'ng binabasa na niya ang aking mga gawa, napapalapit ako sa kanya. Tinuturuan ko siya na maging malinis, ako din ang nagtatanggol sa kanya dahil palagi siyang binu-bully.
"Oy beshie!" Sigaw niya.
"Beshie ka d'yan." Irap ko sa kanya. Sinabihan ko siyang huwag niya akong tawagin na beshie.
"Oh tanda asan na ang ginawa mong poetry?" Tukso niyang sabi sa akin.
Hindi na lang ako sumagot at inabot ko na lang ang notebook ko kung saan naka sulat ang mga gawa ko. Kinuha niya agad sa akin at umupo siya sa kanyang table at tahimik na nagbabasa. Poetry lang talaga ang habol niya sa akin.
"Huhu ano ba 'to nakakaiyak naman." Naluluhang sabi niya sa akin na kinatawa ko naman.
"Epal ka talaga, bakit ba ang hilig mong gumawa ng poetry na nakakaiyak? Ayan tuloy naiiyak ako, hindi ba pwedeng comedy naman?" Reklamo niya sa akin.
"Mas maganda kayang gumawa ng nakakaiyak na mga poetry. Natatawa kasi akong tignan ang mukha mo." Tawa kong sabi sa kanya.
"Epal talaga." Irap niya sa akin.
Ewan ko ba, mas gusto kong gumawa ng poetry na pang broken. Kahit hindi ko naman naranasan 'yan. Wala lang parang ang dali lang kasi gumawa ng mga ganyan.
Mayroon din akong kaklase na nagbabasa ng poetry ko, pero hindi lahat ng gawa ko pinapabasa ko. Natatakot akong husgahan ang mga gawa ko.
"Dzai gawa try mo din kayang magpasaya ng readers." Suggest niya sa akin.
"Sinasabi mo? Readers bakit marami ka ba?"
"Yes readers, dadami din kami 'no. Alam kong balang araw hindi lang ako ang magbabasa ng mga gawa mo. At hindi lang ako magagandahan n'yan. Try mo din kaya ipabasa sa iba, maganda kaya mga gawa mo." Mahabang sabi niya sa akin.
"Sapat na sa akin ang ikaw lang ang nagbabasa nito, masaya akong binabasa mo at nagagandahan ka sa mga gawa ko. Pero wala akong tiwala sa sarili ko, nahihiya akong ipabasa sa iba 'yan." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Oh ito post na lang natin yan sa youtube, kagaya ng pinapanood natin. Pwede naman tayong mag post d'yan, hindi ka naman makikilala nila kaya ayos na'yan."
Pursigido talaga siyang mabasa ng iba ang aking mga gawa. Gusto niyang matuklasan ng iba ang kagalingan ko daw sa paggawa ng mga poetry.
Wala talaga akong tiwala sa sarili ko. Hindi ko nga matatawag na magaling ako sa larangan ng pagsusulat. Para kasi sa akin isang libangan ang paggawa ng poetry. Hindi ko naman inakala na may magagandahan ito. Dahil nga no'ng una ako lang ang nagbabasa ng mga gawa ko.
No'ng naging kaibigan kami, parang ginanahan akong magsulat dahil alam kong may isang taong naniniwala sa kakayahan ko. Pero sa ngayon hindi ko pa kayang ipabasa sa ibang tao ito.
"Dzaii, graduation namin next week punta ka ah."
Nasa ika-anim na baitang na siya kaya g-graduate na siya sa elementarya.
YOU ARE READING
PUHON (One Shot Story)
RandomThis one shot story, title PUHON which means "In God's time or God's will."