Lunch break naisip nilang tatlo na sa canteen na lang kumain kasi tinatamad si Mabel na lumabas.
Habang namimili ng pagkain ay tahimik lang ito, kanina pa niya napapansin na tahimik ito kaya alam niya hindi ito normal. Mula ng pumasok ulit si Rodel ay ganito na ito parang may tinatago. Pinakiramdaman naman niya ang lalaki normal lang naman ito.
"Oh my labs, anong gusto mo?" napaigtag siyang bigla ng akbayan siya ni Rodel.
"Nangugulat ka naman eh." sabay hampas niya ng mahina sa kamay ng lalaki. Kaya kung titingnan sila ay parang nagbubulungan sila ng sweet nothing. Kinuha na niya ang tray at umupo na, nauna na sa upuan si Mabel.
" May problema ba? masama ba pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong niya sa kaibigan. Nakita niyang tiningnan ni Rodel si Mabel ng may pag-alala.
"Ayos lang ako Nik, kumain na lang tayo." At sumubo na ng pagkain. Nagkibit balikat lang siya. Habang kumakain ay si Rodel lang ang madaldal tango lang siya ng tango dito. Ng biglang nagsalita si Mabel.
"Oh my World! totoo ba ito." bigla itong di mapakali sa upuan. Nagulat naman sila ni Rodel. Bigla silang tumingin sa tinitingnan nito bigla na rin umingay ang loob ng canteen. Akala mo may isang celebrity na naligaw sa canteen nila. At teka papalapit ba ito sa mesa nila? Bigla siyang di mapakali.
"Do you mind if i sit here?!" tanong nito ng makalapit sa kanila. Di pa nilang nakuhang sumagot ng magsalita ulit ito. "Excuse me mister Reyes I want to sit here!" may pagka aroganteng sabi nito, sabay turo sa kinauupuan ni Rodel. Napa ahh na lang ang pobreng lalaki at mabilis na tumayo at lumipat sa tabi ni Mabel. Si Mabel naman ay kumikislap ang mga mata parang kanina lang ay ang lungkot lungkot nito. Ng lumingon siya sa paligid nakita niyang lahat ng mata ay nakatuon sa kanilang mesa. Nakita pa niya ang inggit sa ilang mga babae doon. Diyos ko naman ikaw ba naman makita mo lang ang pogi mong boss ay ok na how much more kung makasama mo pa ito sa isang mesa.
"Oh, miss Mabel bakit di ka pa kumakain? biglang tanong ni boss kay Mabel. Nagulat naman si Mabel.
"K-kilala mo ako s-sir?" di makapaniwalang turo nito sa sarili.
"Of course you were friends, right? turo nito sa kanilang tatlo. Napatango si Mabel. Bigla naman itong lumingon sa kanya at bumulong.
"Huwag mo ko tingnan ng ganyan baka di ko mapigilan at mahalikan kita!" bulong ni Aldrin na sapat na para marinig nina Mabel at Rodel. Nakita niyang napa-awang ang labi ng dalawa.
"S- sir joke lang di ba?" namumula ang mukhang sabi niya dito. Pero gusto na niya itong batukan talaga bang nanadya ito. Hindi pa nga siya makamove on sa nangyari kagabi.
"Bakit may magagalit ba kung gagawin ko." seryosong sabi nito na ang tingin ay kay Rodel. "Ok lang naman yata kay Mr. Reyes, di ba Mr. Reyes?"
"H-ho, ah eh...." di malaman ni Rodel kung anong isasagot sa boss.
"Joke lang, kayo naman di mabiro." bigla itong tumawa ng mahina. At walang anuman na ipinatuloy na ang pagkain. Napakamot naman sa batok si Rodel, si Mabel naman ay kilig na kilig. Ipinagpatuloy din niya ang pagkain umusog siya ng kunti pero ang walang hiya idinaiti ang mga hita nito sa kanya parang nanadya talaga. Kitang kita pa niya ang nakakalokong ngiti nito habang sumusubo ng pagkain. Talaga nga naman oo. Umusog ulit siya ng kunti palayo dito.
"Matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong ni Aldrin kay Mabel.
"Opo sir." mabilis na sagot ni Mabel. Napatango ang lalaki.
"Ah ang sarap talaga pag may totoo kang kaibigan lalo na sa panahon ngayon. Kaya be friends forever. At tumayo na ito.
"Thanks for the company, see you around." sabi nito na sa kanya nakatingin.
"Oh my world, oh my world, totoo ba to talaga bang nakasabay natin kumain si Mr. pogi nik? Oh my world.!" di pa rin makapaniwalang sabi ni Mabel ng makaalis na ang poging amo. Natatawa lang siya dito si Rodel naman ay mukhang banas.
"Kuu...isara mo nga yang bibig mo Maribel para kang teen ager kung umasta." galit na sita nito kay Mabel. Nagulat pa siya sa naging reaksiyon ng lalaking kaibigan. Kasi ngayon lang niya itong nakitang napikon kay Mabel. Dati naman nakikipagbiruan pa ito sa kanila pag pinangangalandakan ni Mabel ang paghanga nito sa boss nila.
" Bakit pakialam mo ba, eh sa crush ko siya eh...di ba ang pogi pogi niya at ang bango pa, haist....!
"Ewan ko sayo, pagsabihan mo nga yang kaibigan mo nik parang nababaliw na eh." sabi nito at inis na tumayo, tinapunan pa ng masamang tingin si Mabel na noo'y patuloy sa pangangarap. Bigla tuloy siyang napaisip ngayon lang niya nakita ang kaibigan na ganoon parang nagseselos ito.
"Anong problema non, pakialam ba niya." napapalabing sabi naman ni Mabel habang nakatingin sa papalayong lalaki.
"Ewan ko sa inyong dalawa parang may gusto akong malaman eh." Napansin niyang umiba ang mukha nito parang may tinatago.
"Umamin ka nga Mabel, kayo na ba ni Rodel?" deretsang tanong niya sa kaibigan.
"Ha... ah.. eh...." nabubulol pa ito. Umayos ito ng upo. "Nik kasi ahmm....oo." nahihiyang amin pa nito.
Natawa siya sa naging reaksiyon ng kaibigan. "Hindi ka galit?""Bakit naman ako magagalit di ko naman nobyo si Rodel at alam ko noon pa na patay na patay ka don." Sumimangot ito sa sinabi niya.
"Patay na patay talaga?"
"Oo, di nga?"
"Oo na nga patay na patay na..." amin din nito. "Ang problema di ko alam kung love din niya ako tulad ng love ko sa kanya." malungkot na sabi ni Mabel.
"I'm sure friend love ka nong tao, di mo ba nakita ang selos sa mata niya ng harap harapan mong ipangalandakan ang paghanga mo kay boss."
"Sa tingin mo Nik, nagseselos siya?"
"Hundred percent friend!" masiglang sabi niya. Ngumiti naman si Mabel.
"Hindi nga?"
Niyakap niya ang kaibigan. " Masaya ako para sa inyo friend, congrats."
"Thank you friend." sagot nito sa kanya at mahigpit din siyang niyakap.
Bigla itong kumawala at tiningnan siya. Nagulat pa siya sa inasta nito."At teka may napapansin ako kay boss."
"Napapansin na ano?"
"Nik baka kursunada ka ni boss, iba ang tingin sa iyo eh, di kaya? biglang sabi nito.
"Maribel huwag ka ngang mangarap di mo ba napansin may pagka- arogante."
"Hmmm...." napaisip ito. Hinila na niya ang kaibigan palabas ng canteen.
"Tayo na nga kung ano-ano pa yong masabi mo."
Itutuloy
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE
RandomDi akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong kasal nila....sa madaling salita husband pa rin nya ito kasi ala namang divorce sa Pinas di ba? At p...