CHAPTER 49

8.2K 120 8
                                    

Sa kinaroronan naman ni Monique.  Nagising siyang maganda ang pakiramdam. Ewan ba niya parang ang gaan ng gising niya ngayong araw.  Hindi katulad ng mga nagdaang araw.  Mula kasi ng malaman niyang nagdadalang tao siya tuwing umaga na lang ay sinusumpong siya ng sakit ng ulo pwera pa ang pagsusuka pero laki din ng pasalamat niya dahil sa baby na nasa tiyan niya ay naging malakas siya.  Nasasaktan pa rin siya tuwing naaalala ang asawa ang kataksilan nito at iniiyakan pa rin niya ito tuwing gabi siguro natural na reaksiyon lang iyon dahil mahal pa rin niya ito.  Kaya ang laki talaga ng tanggi ni Lisa ng umalis siya sa bahay ng mga ito at gustuhing tumira dito sa farm mag-isa kahit sabihin pang may mga tauhan ang mga ito na maaasahan.  Paano kasi ang layo ng farm sa mga ito isang oras din ang biyahe.  At isa pa walang signal kaya nga hindi nila naisipan na dito magpatayo ng bahay kasi malayo sa bayan at ang mga anak ng mga ito ay nasa bayan nag-aaral.  Pero mula ng marating niya ang farm ng mag-asawa ay nabighani na siya sa lugar tahimik at malayo sa polusyon at naisip din niya na maganda ang lugar para sa baby at sa nasasaktang puso.  Mga ilang araw din bago niya napapayag si Lisa na tumao sa farm house ng mga ito.  At sabi pa nga niya sa kaibigan ay araw-araw naman si Erwin sa farm.  Kaya wala na itong nagawa kundi payagan siya. Nangingiti siya sa sarili habang hinihimas ang medyo maumbok ng tiyan.  Noong nakaraang araw ay sinamahan pa siya ng kaibigan para sa check up.  Ang laki talaga ng pasalamat niya sa mag-asawa dahil sa malaking tulong ng mga ito.  Nalaman na rin ng mga ito ang rason kung bakit bigla siyang pumarito.  Naawa pa nga ang kaibigan sa kanya lalo ng malaman nilang buntis siya.  Pero siniguro niya dito na okey lang siya.  Ganoon naman talaga siya eh sabi nga noon ni Mabel magaling siyang magtago ng emosyon.  Kasi nga ayaw niyang maawa o mag-alala ang mga ito sa kanya.  Nalungkot siya ng maalala si Mabel.  Siguro ang laki ng galit ng kaibigan sa kanya.  Kumusta kaya ang kasal nito? Naisip na lang niya one of this day ay itetext niya ito she needs to know na okey lang siya at ng makapaliwanag din dito.  Sana maintindihan siya ng kaibigan.  At kailangan din niyang bumalik sa realidad.  She wants to make a decision for her children.  Maybe pag okey na ang kanyang pakiramdam ay babalik siya ng Maynila para kay Mark.  Nalungkot siya ng maalala ang anak.  Sana hindi ito pinabayaan ng ama kahit may bago ng pamilya. How she misses him siguro lagi siya nitong hinahanap but she will make it up to him. Ano kaya? Hinahanap din kaya siya ng asawa o baka naman hindi, di ba nga nakipaghiwalay na ito sa kanya baka masaya na ito kapiling ni Tammy at ang bagong baby. Naramdaman niyang tumulo ang mga luha sa pisngi pero dagli niya iyon pinahid.  Ayaw na niyang umiyak dahil sa nangyari.  Nasa ganoon siyang sitwasyon ng may marinig na sasakyan.  Ang aga naman yata ni Erwin sa isip-isip niya at inayos ang sarili ayaw niyang makita siya sa ganitong kalagayan.  Ang aga-aga eh umiiyak siya.

"Nik." malayo pa ay narinig niyang sigaw ni Lisa.

Nagulat siya ng marinig ang boses ni Lisa.  Nilapag niya ang hawak na pandilig at nagmamadaling sinalubong ang kaibigang na nagmamadali ding bumaba ng sasakyan.  Nakita niyang bumaba din ng sasakyan si Erwin na iiling-iling habang sumusunod dito.

"Lisa may problema ba ang aga ninyo yata at bakit ka kasama? nag-aalalang tanong niya dito.  Hindi kasi ito palaging sumasama kay Erwin dahil ito ang nag-aasikaso sa mga anak.  Tuwing weekend lang ang mga ito pagpumunta kasama ang mga anak.

"Si Paul naka-usap ni Erwin kahapon at nabanggit niyang andito ka."

"Huh!" gulat na napatingin siya kay Erwin.

"Oops...bago ka magalit we have a good news." sabi naman ni Erwin na noo'y nakatingin sa gulat niyang mukha.  Ano naman kayang good news ang sinasabi ng kaibigan.  Kasi ang laki ng habilin niya sa mga ito na huwag sabihin kay Paul na andoon siya dahil ayaw niyang malaman ng asawa na kina Lisa siya.

"Oo nga nik...at alam mo ba hindi natuloy ang kasal ni Tammy at Aldrin." sabat naman ni Lisa.

"Huh! at bakit?" gulat na tanong niya sa kaibigan.  Aminin man niya bigla siyang nakaramdam ng saya ng malaman na hindi natuloy ang kasal ng dalawa.  Masama mang maging masaya sa kasawian ng iba pero iyon ang kanyang nararamdaman.

A SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon