Napamura naman ang driver ng bus na sinasakyan ni Monique ng mag hoot ng hoot ang isang sasakyan sa likuran nila. Pwede naman itong mag take over kung gustong umuna.
"Ano kayang problema ng driver na ito." reklamo ng driver sa kanyang konduktor.
"Baka gustong huminto itong bus manoy." sagot naman nito. Pero hindi pinakinggan ng driver ang suggestion ng konduktor bagkus ay binilisan pa ang pagmamaneho. Pero binilisan din ng kasunod na sasakyan ang pagdadrive nito at halos magkasabay na sila sa daan.
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Aldrin ng makilala ang asawa at mapatapat sa bintanang kinauupuan nito."Monique!!!"
Pati ang ibang pasaheros ay napatingin na rin sa lalaking sumisigaw.
"Naku manay ikaw yata ang tinatawag ng poging driver na iyon." sabi ng kanyang katabi sa upuan at itinuro si Aldrin na noon ay sumesenyas na para bang gustong pahintuin ang bus.
"Miss kilala mo iyan?" tanong naman ng konduktor na noon ay nakatapat sa kanya.
Nagulat siya ng makilala ang tinuturo ng katabi. Bakit ito nandito akala ko ba'y nasa ospital at maysakit. Ng makita siya ni Aldrin na nakatingin dito ay lalo pa nitong nilakasan ang tawag sa kanyang pangalan.
Bigla siyang napasigaw ng "PARA". Natakot para sa kaligtasan ng asawa. Paano kung may biglang sumulpot na sasakyan delikado ang ginagawa nito. Huminto naman ang bus. Muntikan pa siyang masubsub dahil sa biglang paghinto bus.
Ng huminto ang bus ay itinigil din ni Aldrin ang sasakyan at mabilis na bumaba at tinungo ang nakahintong bus. Ng makaakyat ng bus ay hindi na nito pinansin ang napikong driver.
Hindi na matukoy ni Monique ang nararamdaman ng makita niya ang asawang lumalapit sa kanyang kinaroroonan. Bakas sa mga mata nito ang pagkasabik sa asawa. Ika nga'y parang slowmo. Parang ipinako siya sa kanyang kinatatayuan. Feeling niya sila lang dalawa ang tao sa loob ng bus. Ang lakas ng pintig ng kanyang puso parang gustong kumawala sa dibdib niya. Ewan niya parang gusto niyang tumawa at umiyak at the same time. Kahit siya ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng oras na iyon. Hindi nga ba at galit siya sa asawa? Bakit ngayon parang gusto pa yatang lumundag ng kanyang sutil na puso ng magtagpo ang kanilang mga tingin. Ng makalapit si Aldrin sa kanyang kinatatayuan ay mabilis na nagsalita ito. Ang ibang pasaheros naman ay kanya-kanyang kuha ng cellphone paano ba naman parang pelikula ng Aldub ang eksena.
"Nik I am sorry....I know that I hurt you but I have never stopped loving you. If you had just waited for me until I got home that day, you would have understood what was going on. Everything would been much clearer to you." paliwanag nito at matamang nakatingin sa kanya.
Ano pa ba ang hindi clear sa kanya hindi ba clear na clear na gusto nitong makipaghiwalay sa kanya. Magsasalita sana siya ng bigla na lang siyang magulat ng walang ano-ano ay lumuhod ito sa tapat niya.
"Will you marry me again?"
Napaawang ang kanyang mga labi sa narinig mula sa asawa. Bigla siyang napakurap. Ano at inaalok siya ng kasal ng asawa di ba nga nakipaghiwalay ito sa kanya para mapakasalan si Tammy? sa loob-lob niya.
Napa ohh naman ang mga pasahero at ang ibang babae naman na nandoon ay kinilig. May sumigaw pa.
"Naku miss huwag mo ng pahirapan si Mr. pogi at baka masulot pa iyan ng iba, ikaw rin."
"Oo nga miss." ayon naman ng isa.
"Aldrin?" banggit niya sa pangalan ng lalaki hindi niya alam ang isasagot marami siyang gustong itanong dito.
"Naku miss sagutin mo na iyan at ng makaalis na tayo...nakaka-abala na kayo sa pasaheros." sabi naman ng mamang driver.
"Naku mamang driver okey lang iyon minsan lang na may magpropose sa inyong bus." sagot naman ng kinikilig na babae sa sinabi ng driver. Umayon naman ang ibang pasahero kahit ma delay sila eh okey lang naman kung ganito namang nangyayari sa loob ng bus eh parang sa pelikula lang.
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE
RandomDi akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong kasal nila....sa madaling salita husband pa rin nya ito kasi ala namang divorce sa Pinas di ba? At p...