"Daddy wake up?." gising ni Mark sa ama. Pero hindi siya tumitinag antok na antok pa siya.
"Daddy." tawag ulit nito. Dahan dahan niyang minulat ang mga mata ngumiti siya ng makita ang maamong mukha ng anak na nakatunghay sa kanya. Niyakap niya ito at pinupog ng halik.
"Daddy is still tired, I still want to sleep more baby okey?" At pinikit ulit ang mga mata. Kumawala naman ito sa yakap niya. Narinig pa niya ng huminga ito ng malalim nangingiti siya sa sarili minsan talaga parang matanda ito. Narinig na niya na lumabas ito ng silid. Pero agad din itong bumalik.
"Hey, kuya tanghali na po at tulog pa kayo!" Napabalikwas siya ng bangon ng marinig ang boses ng kapatid.
"Tracy what are you doing here?" pupungas pa na tanong niya sa kapatid.
"Si ate Tammy kasi kanina pa tawag...."
"Si Tammy? Anong sinabi mo sa kanya may sinabi ba?" Kabadong usisa niya sa kapatid. Sabay kuha ng cellphone sa drawer napamura siya ng makitang lowbat ito.
"Don't worry kuya pasalamat ka at may smart kang kapatid nasakyan ko agad ang sinabi niya. At bakit ako ang dinahilan mo na tumawag sa iyo kagabi don't tell me may iba ka pang babae."
"Tumawag kasi si ate Monique mo kagabi hindi ko naman masabi." kakamot kamot sa batok na sagot niya sa kapatid.
"Naku kuya kelangan mo talagang sabihin sa kanya. I think she deserve to know about them at syempre kay ate Monique din kelangan maging totoo ka sa kanila." seryosong sabi nito sa kanya.
"Don't worry I will tell them but for the mean time don't say anything to her okey? Tumango naman ang kapatid.
"Hindi ka na sana nag-abala pa, sana tinawagan mo na lang ako. Wala ka bang klase ngayon?" tanong niya dito.
"Nope at okey lang balak ko rin kasi na ipasyal ang paborito at guwapo kung pamangkin sa mall." halata ang tuwa sa boses ng kapatid. Tuwang tuwa kasi ito sa anak niya.
"Anong oras na ba?" tanong na lang niya sa kapatid.
"Alas dose na po." sagot ng kapatid. Pahinamad na tumayo na siya.
"Sino palang kasama ninyo?"
"Papahatid po kami kay Mang Delfin at isasama ko rin si Corrine wala din kasi siyang pasok ngayon at matagal na rin buhat ng huli naming bonding." sagot nito habang pababa na ng hagdanan.
"Salamat nga pala." Nag okey lang ito. "At mag- ingat kayo huwag mong pabayaan si Mark ha!." pahabol na paalala niya sa kapatid.
"Huwag kang mag-alala kuya aalagaan ko po siya." sigaw nito na noon ay nakababa na ng hagdan. Nag-aantay na si Corrine habang hawak hawak nito si Mark sa baba. Kumaway pa ang anak sa kanya bago lumabas ang mga ito.
Tumuloy na siya sa kanyang silid para magshower dahil sa pagod kagabi di na siya nakabalik sa sariling kuwarto. Habang nasa shower ay naglalaro sa isip niya ang sasabihin sa nobya. Ng makapagbihis ay kinuha niya ang cellphone tatawag na sana siya ng bigla itong mag ring. It is Tammy.
"Hello hon? how are you feeling? Are you okey now?" may pag-alala sa boses na tanong nito sa kabilang linya. Nagulat naman siya inaasahan niya ay ang galit na boses ng nobya.
"I am okey thanks." Naguguluhan man ay nasabi na lang niya.
"You need to rest Tracy told me that you got severe migraine. I suppose to come to you but, I have a little problem with daddy?"
"Are you home? is your dad okey?" siya naman ang nag-alala. Ibig sabihin umuwi ito sa kanila ni hindi manlang niya nahatid bigla siyang nakonsensiya.
"Nothing to worry about. We had a little argument you know him." sabi na lang nito.
"Can I see you tonight then?"
"Of course."
"Okey, later then."
"Okey bye love you."
Hindi na siya nakasagot ng binaba nito ang phone. Medyo nabunutan siya ng tinik ng maka-usap ang nobya. Kailangan ipagtapat na niya sa nobya ang sitwasyon niya.
Bumaba na siya kelangan na niyang pumunta ng factory. Palabas na siya ng bahay ng mapansin siya ni Aling Baby.
"Oh iho hindi ka ba kakain?"
"Hindi na po inay sa factory na lang po kanina pa kasi tawag ng tawag ang sekretarya ko kelangan po ako doon." magalang na tanggi niya sa matanda.
"Oh siya sige mag-ingat ka."
"Thank you ho." magalang na sagot niya at mabilis ng lumabas.
Tamang tama naman papasok na ang sasakyan niya sa gate ng makita ang dating asawa na may kaakbay habang naglalakad pabalik sa pabrika. Kilala niya ang lalaking kaakbay nito. Si Rodel. Bigla nakaramdam siya ng galit dito. Pinaharurut na niya ang sasakyan papasok nabigla pa ang ibang tauhan sa kanyang ginawa. Galit pa rin siya ng pumasok sa kanyang opisina ni hindi niya pinansin ang kanyang sekretarya. Ng makaupo ay huminga siya ng malalim kailangan niyang kontrolin ang sarili. Ng kumalma ay tinawag na niya ang sekretarya. Naging busy na siya at nakalimutan na niya ang nakita kanina. Hindi na niya namalayan ang oras nagugutom na siya. Tiningnan niya ang oras mag-aalas kuwatro na. Tinawag niya ang sekretarya.
"Yes sir?" bungad nito sa pinto.
"Will you please call Monique Samonte to come to my office?" utos nito sa sekretarya. "And cancel my appointment with Mr. David. I have some urgent business to attend to." sabi niya at binigay ang isang folder dito. Umupo siya ng lumabas ang sekretarya. Bumalik ulit sa isip niya ang nakita kanina. Napamura siya. Hindi siya bayolenteng tao pero gusto niyang suntukin ang Rodel na iyon.
Biglang bumukas ang pintuan. Isang naguguluhang Monique ang nakita niya.
"Anong problema mo at pinatawag mo ako dito?" bungad agad nito.
Gusto niyang sumbatan ito dahil sa nakita kanina pero iba ang lumabas sa bibig niya.
"Sabay na tayong umuwi." bagkus ay sabi niya. Lalo naman naguluhan si Monique.
"Pauwi na rin kasi ako." dugtong niya ng hindi tuminag ang babae.
"H-ha? mag-bubus na lang ako at isa pa hindi pa ako nakapag log out at kelangan ko rin pumunta ng locker room para sa gamit ko."
"I will wait for you. Meet me in the parking lot." Hindi na niya inantay ang sagot ng dating asawa at nauna ng lumabas. Naiwan naman ang babaeng tulala. Nagpaalam na siya sa kanyang sekretarya at pumasok na ng elevator.
Hindi naman siya natagalan sa pag-aantay sa parking lot. Nakita na niya ang babae. Ng makita nito ang kanyang sasakyan ay mabilis na itong sumakay. Tiningnan lang niya ang babae palinga-linga pa ito. Gusto niyang ngumiti sa inasta ng babae pero pinigilan niya ang sarili. Paano kasi ang cute nito tingnan. Ng palabas na sila ng gate ng pabrika ay bigla itong yumuko gustong magtago kasi may mangilan ngilan na rin na tauhan sa labas. Tuluyan na siyang nangiti sa ginawi ng babae.
"Nakaka-asar ka talaga." sabi naman nito sa kanya.
"At bakit?"
"Ngingiti- ngiti ka pa diyan samantalang ako ay nenerbiyos."
"Bakit nakakanerbiyos ba akong kasama?"
"Ang ibig kung sabihin paano kung may makakitang tauhan naku tsismis ang aabutin ko." sagot nito habang nakatikwas ang nguso.
"Bakit ka ba nag-aalala sa sasabihin nila. You didn't do anything wrong."
"Hindi ka nag-alala kasi hindi ka naman apektado kung sakali." sagot nito sa kanya.
Nilingon niya ito. Hindi na siya nagsalita pa. Kung siya ang tatanungin wala siyang pakialam kung may makakita or makaalam man ng nakaraan nila. Pero dito parang takot na takot na may makakaalam sa nakaraan nila. Siguro kaya takot na may makakaalam sa nakaraan nila eh ayaw nitong malaman ng nobyo, dahil sa naisip ay naglalaro ulit sa isip niya ang nakita kanina ng dumating siya bigla sumalubong ang kilay niya sa inis.
Itutuloy
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE
RandomDi akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong kasal nila....sa madaling salita husband pa rin nya ito kasi ala namang divorce sa Pinas di ba? At p...