CHAPTER 39

9.2K 162 7
                                    

Napasipol si Aldrin ng madatnan ang asawang abala sa kusina.  

"Napaaga yata ang uwi mo? Akala ko ba ay may meeting ka with Paul?" tanong nito na hindi manlang siya tinapunan ng tingin. 

"I cancelled it dahil may importante akong gagawin ngayon."  lumapit siya sa babae at hinapit ito.  Binigyan niya ito ng nagpaparusang halik.  Hindi nakahuma ang asawa sa kabiglaan.  Hawak-hawak pa rin nito ang sandok.

"That is your punishment for dropping my call earlier."  And this... hinalikan niya ulit ito.  "For ignoring me just now."

Tinapunan siya nito ng masamang tingin. He was always ready just in case she would hit him with the spatula.  But to his surprise binaba ng asawa ang sandok at kusang yumakap sa kanya at binigyan siya nito ng matamis na halik. 

"Anong importanteng bagay ang gagawin mo ngayon." she teased him habang nakapulupot ang mga kamay nito sa kanyang leeg.  Binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

"This..." at binigyan niya ito ng makapugtong hiningang halik.

Tumagal din ng ilang segundo ang kanilang halikan.  Ng matapos ang halik ay kusang bumitiw ang asawa at malambing na tinulak siya nito palayo sa katawan nito at hinarap ulit ang pagluluto.  Ngingiti- ngiti pa ito.

"Sige na pumanhik ka na at ng makapagbihis ng makakain na tayo at tatawagin ko lang si Mark sa kabila." utos nito sa kanya.

"Hmmm....parang nagbago ang isip ko  parang ikaw ang gusto kung kainin ngayon." bulong niya sa tenga ng asawa at kinintalan ito ng maliliit na halik.  Naramdaman niyang nakiliti ang asawa sa ginawa niya kaya tinulak ulit siya nito.

"Hey, mag-ayos ka nga maya maya niyan eh makita tayo ng anak mo nakakahiya." nanlalaki ang mga mata na sita nito sa kanya.

"Hmmm....akala ko ba nasa kabila si Mark?" Hindi pa rin siya bumibitaw dito kahit pilit na siyang tinutulak.  Maya maya pa ay narinig na nila ang sigaw ng anak mula sa sala.  Dali- dali siya nitong tinulak at hinarap ang niluluto. 

"I will take my revenge later." sabi niya dito.

"I look forward to it." ganti din nito sa kanya.  Narinig pa niya ang kilig sa tawa nito.  Anyong lalapit ulit siya dito pero hinarang ng asawa ang sandok sa harap nito.  Natatawang iniwan niya ito pero bago niya ito iniwan ay tinapunan muna niya ito ng pilyong ngiti.  Iiling-iling na lang ang asawa. Nasalubong niya ang anak sa sala kasama si Corrine.

"Daddy!" sigaw nito ng makita siya.  Yumakap ito sa kanya.

"So how's my little man?"

"I am good daddy and ate Corrine helped me with my homework."

"Good evening ho kuya." bati din ni Corrine ng makalapit sa kanya.

"Good evening Corrine." ganting bati niya sa dalaga. 

"Sige po kuya uwi na po ako hinatid ko lang po si Mark." magalang na sabi nito.

"Thanks Corrine."

"Thank you ate Corrine." pasalamat din ni Mark sa babae. Ngumiti ang dalaga kay Mark at tuluyan ng lumabas.

"So how is school?"  tanong ni Aldrin sa anak.

"It was fun dad and I did all my homework." masigla na sagot ng bata.

"That's my boy." gulo niya sa buhok ng anak.  Yumakap naman ito sa kanya.  Pagkatapos ay bumitaw at nagpaalam kung pwedeng manood ng tv. 

"Daddy can I watch tv now?"

"Of course, you did all your assignments right?"

"Yes daddy, thank you." sagot nito sa kanya at kinuha na ang remote at nanood.

A SECOND CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon