Natuwa si Tammy ng madatnan ang ama sa hapag kainan. Mula kasi ng dumating siya galing States ay ngayon lang niya uli ito nakasabay sa hapag kainan. Kunsabagay kahit noon madalang naman sa patak ng ulan na makasabay niya ito. Pagtinatanong niya ito lagi ang sagot busy sa negosyo. Lagi pa sinasabi nito noong teen ager siya na lahat ng ginagawa nito ay para sa kanyang kinabukasan. And she believed him.
"Good evening dad!" masigla na bati niya sa ama at ginawaran niya ito ng halik sa pisngi. Umupo siya sa tabi nito.
Nang makaupo ay bumaling siya sa ama."I am glad that you are not busy tonight, dad." malambing na sabi niya sa ama. Kahit malamig ang trato ng ama sa kanya miss pa rin niya ito.
"Actually I am...I just wanted to talk to you for a moment." walang emosyon na sagot nito.
She felt sad gusto lang pala siya ng ama na maka-usap kaya inantay siya nito. Gaano ba kaimportante ang pag-uusapan nila kasi kung yon lang ang dahilan pwede naman siyang tawagan nito na lagi nitong ginagawa. Akala niya nagbago na ito. She sighed. Bakit ba siya malulungkot sanay naman siya di ba? Mula ng mamatay ang ina niya ay wala na itong time para sa kanya ang dahilan ay busy sa negosyo. Kaya nga umalis na lang siya ng bansa. Noon akala niya ay pipigilan siya ng ama pero nagkamali siya. Baliktad nga yata masaya pa ito ng umalis siya. Bumakas ang lungkot sa maganda niyang mukha ng tanungin ang ama.
"About what dad?"
"About you and your boyfriend.?"
"Ho?...Since when do you have such a great interest in my boyfriend?" gulat na tanong niya sa ama. Mula ng naging nobyo niya si Aldrin ay hindi ito nagtanong o nag-usisa man lang. Why all of a sudden now? What has given rise to this? Dalawa o tatlong beses nga lang niya ata na met ang boyfriend.
"Siya yong bastardong anak ni Rodrigo Sandoval di ba?"
"He is not a bastard dad." pagtatanggol niya sa nobyo. Nasasaktan siya pag may nagsasabing bastardo ito lalo at sa mismong bibig ng ama nangagaling.
"Whatever." pabalewalang sagot nito. Tumingin siya sa ama. Hindi na siya sumagot. Nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"I want you to get married to him as soon as possible." Nailuwa ni Tammy ang pagkaing naisubo. Tama ba ang narinig niya galing sa ama. Inuutusan ba siya nito or he just wanted her to get married. Walang salita na lumabas sa bibig niya. She just stared at her father's face. She studied her father's expression if he was joking or not but she got a little shiver when her father looked at her.
"A-are you serious? We are not talking about a wedding yet." sagot niya sa ama. Ni hindi nga niya alam kung may balak ang nobyo na pakasalan siya. Magiging ipokrita siya kung hindi niya aminin sa sarili na she was hoping that her boyfriend would propose to her. Ayaw naman niyang pangunahan ito. She still believed na dapat ang lalaki ang magpopropose sa babae. Old school pa rin siya.
"I am serious kung hindi ninyo napag-usapan siguro kailangan ako na ang kakausap sa dalawang matanda." tukoy nito sa mga magulang ni Aldrin.
"Dad...why this sudden rush, the sudden urge for me to get married. Before you didn't care, what has changed now?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa ama.
"Aba Tamara hindi porket hindi tayo nag-uusap or baka akala mo wala akong pakialam sa iyo but you are still my one and only daughter and I care about you." madamdaming sagot ng kanyang ama. Ewan ba niya hindi niya kayang maniwala sa sinasabi nito. She could not get the feeling that he cared for her. She knew deep in her heart that there was something that her father kept from her.
"Dad, please leave it to us." pakiusap niya sa ama.
"Okay I will give you a week. I want you to get married as soon as possible!" Pinal na salita ni Don Ramon. At iniwan na siya nitong tulala sa hapag kainan. Tinawag pa niya ang ama ng isang beses pero mabilis na itong nakalabas. Na sesense niya her father had a problem but what could it be? Kailangan niyang makausap ang nobyo pero para ano sasabihin ba niyang her father gave her a week para pag-usapan ang kasal nila. What if ayaw ng nobyo. Dahil sa naisip wala na tuloy siyang ganang kumain. Tinawag niya ang isang kasambahay para ligpitin ang hapag kainan. Tumayo na siya at pumunta ng kanyang kuwarto. She decided to call her boyfriend.
"Hello!" Nagulat pa si Tammy ng hindi boses ng boyfriend ang sumagot sa cellphone nito pero pamilyar ang boses sa kabilang linya.
"Hello Tammy is that you?"
"Paul?"
"Yes."
"Is Aldrin with you?"
"Isn't it obvious?" tumawa pa ang nasa kabilang linya. Nakitawa na rin siya kahit hindi niya ito nakikita. Naglalaro pa sa isip niya ang guwapo nitong mukha.
"What happened, oh don't tell me..? binitin pa niya ang sasabihin.
"As usual." sabi nito na nakuha ang ibig niyang sabihin. Hindi naman kasi ito ang unang beses na nangyari noong nasa States silang tatlo tuwing iinom ang magkaibigan lagi si Paul ang tagabantay or tagahatid ng nobyo. Ewan ba niya ang lakas ng loob ng nobyong uminom na hindi naman kaya. Hindi kasi ito heavy drinker tulad ng iba. Kaya lalo niya itong minahal.
"Tam favor pwede mo ba siyang sunduin hindi ko siya mahatid eh. Sabi ko sa kanya huwag uminom ng marami dahil may date ako." parang batang nagmamaktol na reklamo ni Paul sa kabilang linya.
"Of course, where are you?" Nagpasalamat ito at sinabi nito kung saan silang bar ng kaibigan. Ini off na niya ang cellphone ng makuha ang address. Nag taxi lang siya papuntang bar kung nasaan ang dalawang lalaki.
Ng makarating sa naturang bar ay nakita agad siya ni Paul. Tumayo ito at sinalubong siya ng halik sa pisngi. Yumakap siya sa lalaki na miss din niya ito. Mula kasi ng dumating siya ay isang beses lang silang nagkita kasi naintindihan niya na busy ito sa kakabukas na firm. Pero lagi naman siya nitong kinukumusta at tinatawagan."P-pare bakit mo naman i..inabala pa si Tam..tammy sabi ko sayo di ako lasing eh." namumungay ang mga matang sita ni Aldrin kay Paul.
"Hindi naman kita hahayaang magmanehong mag-isa ano...hindi kita mahatid late na nga ako sa date ko." sagot nito na hindi pinansin ang pagrereklamo niya.
Hindi na nagsalita si Tammy tiningnan lang niya ang boyfriend. Nag-usap pa sila ni Paul ng unti at saka inutusan na niya ito na akayin si Aldrin papuntang sasakyan. Hindi naman nagpaakay ang lasing sabi kaya pa nitong maglakad hinayaan na lang nila. Iiling iling na tiningnan ni Paul ang kaibigan at saka tumingin kay Tammy.
"Sorry Tam...wala naman kaming balak na maglasing we are just here having a little celebration but I don't know what his problem was because he got drunk."
Wala siyang masabi wala naman silang problema ng boyfriend. Wala nga ba? hindi na niya isinambulat sa harap ni Paul ang kanyang hinala kasi hindi naman siya sure. Mula kasi ng dumating siya dito ay nagbago na ito feeling niya hindi na ito ang boyfriend na mahal na mahal siya noong nasa States sila. Pero lagi naman niyang sinasabi na baka nga pressured lang ito sa trabaho at isa pa dahil sa anak din nito kaya minsan naiintindihan niya ang nobyo. At ngayon bigla pa nangialam ang ama.
"Is any problem Tam?" tanong naman ni Paul ng mapansin ang matamlay na kilos niya.
"Nope I am fine. Maybe a little tired you know hindi kasi maganda ang pag-uusap naming mag-ama kanina." pagsisinungaling totoo niya dito.
"Are you still having a problem with your dad?"
"Don't worry about that nasanay na ako." Alam kasi ni Paul ang tunay na relasyon niya sa ama ang malamig na turing nito sa kanya. Ewan ba niya nasasabi niya dito ang problema nilang mag-ama kaysa sa nobyo. Ginagap nito ang kamay ng dalaga at dinala iyon sa dibdib.
"Please Tam if you have any problem please feel free to call me." seryosong sabi nito sa kanya. Yumakap siya dito. Hindi niya mapigil ang maiyak na touch siya sa sinabi ng kaibigan. Niyakap naman siya ng mahigpit nito.
"I know and thank you. Sige na baka magwala na ang kadate mo, ikaw din?" taboy niya dito sabay kalas sa pagkakayakap dito. Tuloy hindi na nila napansin na nasa loob na ng sasakyan si Aldrin.
Itutuloy
Thank you po sa lahat ng readers 😙 pls don't forget to vote and comment.
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE
RandomDi akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong kasal nila....sa madaling salita husband pa rin nya ito kasi ala namang divorce sa Pinas di ba? At p...