Nakita niyang nanonood mag-isa ng tv si Aldrin sa sala. Isang linggo na ang nakalipas mula ang eksena sa karenderya ay hindi pa sila nakapag-usap ng lalaki. Wala namang gustong magsalita sa kanila. Tuwing umaga ay hinahatid naman siya ni Mang Delfin sa trabaho. Ang lalaki naman ay ito ang nagmamaneho ng sariling sasakyan. At lately ay lagi itong late pag umuwi. Buti nasanay na ang anak na late ito lagi, kaya hindi na nito inaantay ang amang dumating. Wala namang nakakapansin sa kasambahay sa malamig nilang turingan. Bumaba siya at lumapit dito.
"Hmmm....pwede ka bang makausap?" Medyo naiilang pa na sabi niya dito. Tiningnan lang siya nito at pinatuloy ang panonood ng tv.
"Balak ko sanang imbitahan sina Mabel at Rodel na pumarito sa linggo, pwede ba?" Pabagsak na nilapag nito ang remote sa mesa at walang ingat na tumayo mula sa pagkaka-upo sa sofa. Nagulat naman siya sa inasta ng lalaki.
"Wala akong pakialam kung sino man ang imbitahan mo dito as long as wala kang masamang gagawin sa harap ng anak natin." sabi nito. Sasagot pa sana siya pero mabilis na itong nakalayo. Hindi niya alam kung ano ang ginawa niyang mali, nagpapa-alam lang naman siya dito. Araw-araw kasi lagi siyang kinukulit ni Mabel mula ang eksena sa karenderya sabi pa nito hindi raw ito titigil hanggat hindi siya umaamin kasi halata daw na nagsisinungaling siya. Minsan nga feeling niya nagtatampo na ito sa kanya. Naisip tuloy niya na ganoon ba talaga ka transparent ang mukha niya dito. Kaya naisip niya na imbitahan ito at para din makita ang kanyang anak. Wala kasi siyang lakas ng loob na umamin dito ewan ba niya. Tiningnan niya ang papaakyat ng lalaki sa hagdanan. Bigla naalala niya ang kasasabi lang nito. At ano daw pwede akong mag imbita ng kahit sino basta wala akong gagawin na masama sa harap ng anak namin as if may gagawin akong masama sa harap ng anak ko. Iiling -iling na umupo siya at nanood na lang ng tv. Ng makaramdam ng pagod ay ini off na niya ang tv at umakyat na para matulog.
Kinabukasan ay siya lang ulit ang hinatid ni Mang Delfin hindi na siya nag-usisa kung nasaan ang lalaki wala siyang pakialam. Pero wag ka na mimiss niya ang presensiya ng dating asawa, ikaw ba naman eh araw araw mo kasabay sa sasakyan maamoy mo lang ito eh ok na kahit besi-besihan ito lagi at least alam mong andiyan lang siya sa tabi mo. Napabuntunghinga siya. Pero sumimangot din agad hmmmm....baka laging dinadaanan ang mahal na girlfriend. Hindi niya maiwasang magselos dito at the same time feeling niya wala siyang laban sa nobya nito. Dahil sa naisip insecure tuloy siya. Iwinaksi na niya sa isipan ang mga ito ayaw niyang masira ang araw niya dahil sa nararamdamang awa sa sarili.
Busy siya sa pagchecheck ng mga boxes kung tama ba ang code na nakalagay ng tawagin siya ni ate Melody ang kanyang line leader. Inutusan siya nito na bumaba ng stuffing area. Tumalima naman siya. Pabalik na siya ng may makasalubong siyang pamilyar na mukha pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita. Ng palapit na siya dito nakita rin niya sa mga mata nito ang rekognasyon sa kanya. Tinitigan niya ito ng maigi bumagay sa pangahan nitong mukha ang alon-alon nitong buhok sa madaling salita guwapo ang lalaki at di kalayuan ang edad sa dating asawa kung pag-uusapan naman ang katawan nito ay iyong sabi nga ng mga kababaihan na abs palang ay ulam na. Bakat na bakat ang long sleeve shirt na suot nito sa masculado nitong katawan. Hindi niya alam kung ilang oras ang ginugugol nito araw araw sa gym to achieved those body. Hmmm....pero sa isip-isip niya gwapo pa rin at macho ang dating asawa.
"Monique, is that you?" tukoy nito sa kanya ng makalapit at hinawakan pa siya sa kamay. Nagulat siya kilala siya nito.
"H-ha ah eh." di niya alam ang sasabihin sabay hila sa kamay niya na hawak hawak ng lalaki. Napatawa ang lalaki.
" I'm sorry, it's me Paul remember pinsan ni Erwin?" sabi ng lalaki na tinuro pa ang sarili habang nakatingin sa kanya ng maigi. Biglang kumislap ang mga mata niya ng maalala ito. Nang dahil sa birthday nito ay nag krus ang landas nila ng kanyang dating asawa.
"Ah, yes naku sorry Paul hindi agad kita nakilala kasi lalo kang pumogi." nausal niya bigla rin siyang natigilan sa sinabi niya. Bakit kasi ang dulas ng bibig niya haha...lagot na.
"Talaga di ibig sabihin may crush ka na sa akin ngayon." sabi nito at malakas na tumawa. Na ikinamula ng mukha niya. Pero bigla ulit itong nagsalita. "No kidding aside how are you?" At sinabayan siya ng lakad nito.
"Hmmm....ok naman." tipid na sagot niya dito. "Kumusta nga pala sina Lisa at Erwin? tanong niya dito ng maalala ang dating kaibigan. Wala na kasi siyang balita sa mga ito.
"Hmm...ok naman andoon na sila sa probinsiya ni Lisa at ok naman ang buhay nila doon and would you believe it nakatatlo na silang anak." bakas ang kasiyahan sa mukha nito habang nagkukuwento.
"Talaga ang bilis ng dalawa ha." di makapaniwalang usal niya. "Eh, ikaw kumusta kayo ni Maureen? tukoy niya sa girlfriend nito noon.
"Hmmm...hindi naging happy ending ang love story namin ni Maureen, mahabang kuwento." nagkibit balikat lang ito. Hindi na siya nagtanong pa. Pinatuloy na lang niya ang paglalakad.
"Dito ka ba nagwowork?" Kapagkuway tanong nito. Tumango siya dito. "Di ibig sabihin nagkita na kayo ni Aldrin?" Bigla siyang nailang sa tanong nito. Ewan ba niya pag may nagtatanong ng tungkol sa kanilang dalawa naiilang siya.
"Oh paano Paul maiwan na kita kailangan kasing makabalik na ako agad ng departamento namin pa regards na lang ako kina Lisa, thanks." dahilan na lang niya dito. Ayaw niyang pag-usapan nila ang tungkol sa kanilang mag-asawa. Baka bigla pa itong magtanong eh hindi niya alam ang isasagot.
"Ah, ok see you around." nakangiting sabi ng lalaki.
Tumalikod na siya dito at mabilis na lumakad palayo. Hindi naman agad umalis sa pagkakatayo si Paul. Nangingiti pa rin siya habang tinitingnan ang papalayong babae. Kung ano man ang dahilan ng mga ngiti nito ay siya lang din ang nakaka-alam. Ng mawala sa tingin niya ang babae ay pumanhik na siya sa kinaroroonan ng isang taong makakasagot sa mga tanong niya.
"Sir Mr. Ramirez is here."
"Let him in."
"Pasok na raw po kayo sir." malambing na sabi ng sekretarya kay Paul. Kinindatan naman ito ni Paul sabay sabi ng "thanks." Kinilig pa ang sekretarya sa ginawa ng lalaki.
"Are you flirting with my secretary?" sita ni Aldrin kay Paul ng tuluyan na itong makapasok.
"Hmmm... kasalanan ko ba kung mas pogi ako sa iyo." pabiro na sabi nito sa kanya. Ngumiti lang siya sa tinuran ng kaibigan. Hindi niya ito masisi na maging babaero. Mula ng makipaghiwalay dito si Maureen ay nagbago na ang kaibigan. Casual na umupo ito sa sofa na andoon.
"Pare hindi mo sinabi na dito pala nagwowork si Monique." kapagkuway sabi nito. "In fairness ha lalo siyang gumanda."
"Pumunta ka ba dito para pag-usapan natin ang dati kung asawa or we discuss my proposal?" medyo napipikon na siya halata kasi sa mukha ng kaibigan ang atraksiyon nito sa dating asawa. Oh baka hindi naman, siya lang ang nag-iisip ng ganoon.
"Hey, easy pare." sabi naman ni Paul ng mapansin na nag-iba ang mood ng kausap. Napailing na lang si Paul. Next time na lang niya usisain ang kaibigan tungkol sa dati nitong asawa. Maybe this is not a right time.
Itutuloy
BINABASA MO ANG
A SECOND CHANCE
RandomDi akalain ni Monique na makikita pa nya ang ex husband niya of all places dito pa sa work niya...yes ex-husband kahit sabihin di naman annuled yong kasal nila....sa madaling salita husband pa rin nya ito kasi ala namang divorce sa Pinas di ba? At p...