Ronnie's POV
"Tol! Hahalikan niya si Ayesha!" Reklamo ni Zeron na kanina pa nagwawala nang makita si Shasha sa lumabas sa little theater kasama si Keith. I was shock too nang makita siya pero I can't stop to admire her pleasing look right now.
"No! How dare he touch my BOO. Isusumbong ko siya kay mommy!"Iwinaslik ng ugok ang mga kamay namin ni Harold at nagwalkout. Hinalikan lang naman ni Keith si Sasha sa pisngi. Isip bata talaga. Napangiti ako at pumalakpak nang matapos ang palabas.
"Cool! Ang galing umarte ni Ayesha" Harold gladly said. No way! Because base sa expression niya hindi yun acting. Takot na takot siya sa pag-aakalang totoo ang lahat.
Tinapik ko si Harold."Alis muna ako. Ikaw nang bahalang kumalma diyan." Turo kay Zeron na nakasimangot sa isang sulok.
"Ge tol"
Niluwagan ko ang tie ko nang makarating ako sa terrace. Then I took a sip of martini. Inayos ko ang sarili ko ng kaunti by standing straightly nang maramdaman kong papalapit siya.
"Ronnie"
"Dad." Tinapik niya ako sa braso at hinawan ang railings ng terrace. And the conversation takes place that I will never forget.
Ayesha's POV
"I'm sorry" Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi naman sa iniisip kung napakasama niya talagang tao subalit hindi ko lang akalain na hihingi siya ng tawad. Magsasalita na sana ako pero bigla nalang siyang tumalikod at umalis. Hay! Kailangang habulin ko siya! Ano ba tong heels ko! Ang taas parang matatapilok ako neto!
"Teka! Prince Zebra! Ay este Zaron!" Hala naku na carried away lang ako! Mabuti naman at naisip niya ring tumigil!
Humihingal na lumapit ako sa kanya. "Ang bilis mo namang maglakad!" I took a deep breath at nagsalita habang nakayuko." First of all thank you pala sa pagliligtas mo sakin nung sumugod ang Berusa. And about sa nangyari kanina. Sorry for that. Na carried away lang kasi ako nung sigawan mo ako." Kinonekta ko ang dalawang hintutoro ko at pinaglaruan ito habang hinihintay ang isasagot niya. Pero nang tumingin ako sa kinaroroonan niya ay wala na siya! Kaya biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Kainis! Ang bastos lang! Parang tanga lang pala akong nagsasalita dito!
Makabalik na nga sa party! Saan ba ako dumaan kanina? My ghad mukhang nakalimutan ko ata ang direction!
"KAININIS!"Sa sobrang inis hinubad ko ang suot kong stilleto at binato kung saan man yun. Agad kong hinimas ang nananakit kong paa. Waaah! Ang sakit!
"Lost?" Tingin sa kanan, kaliwa, lingon sa likod, sa harapan. Teka wala naman akong nakikitang tao. "Nakalimutan mo na pala ako? Tsk. Makaalis na nga." Loading...loading... Aha! Alam ko na kung sino siya!
"Zay! Waaaahhh!" Aakma na sana akong yayakap sa kanya kung saan ko narinig ang boses niya kaso hindi ako nagtagumpay! Pano ba naman eh bigla siyang umiwas!
"Damn. Wag mo ngang gawin yun ulit. Nakakatakot ka!"
"Aww sorry. Masaya lang akong nandito ka! Naligaw kasi ako."
"Obviously. Let's go. Follow me" Ano ba tong si Zay may pagka eng eng rin eh. Kita na ngang hindi ko nakikita susundan ko pa. "Aish!" Mahinang usal niya tapos ay nakaramdam ako ng paghila. Magkaholding hands kami ni Zay. Ang sweet naman niya.
"Zay kilala mo ba si Prinsepe Zaron?"
"What about him?"
"Wala lang. I'm just thinking kasi kung nagkagirlfriend na ba siya." Bigla naman siyang napaubo. "Zay ayos ka lang? May sakit ka ba?"
"I'm ok. Nagulat lang kasi ako sa tinanong mo. But I heard he had one relationship a year ago. Bakit mo natanong all of a sudden?"
"Talaga! " BIgla akong na excite nang sabihin niya yun. "Nakakacurious lang kasi yung pagkatao ni Zaron. Matahimik na tao pero ang taas ng temper! Nakakainis rin ang ugali! Kaya bigla kong naisip na kung may gf siya hay naku sigurado akong iiwan siya ng babae!" Nagulat ako nang bigla nalang siyang tumigil rason upang tumigil rin ako sa paglalakad.
"Zay may problema ba?" Malapit na kasi kami sa pintuan ng party hall. Bakit siya tumigil?
"You're right she left asdfgh..." Hindi ko kasi narinig ang huling sinabi niya nang bumukas nang napakalakas ang pintuan at tumalbog kaming dalawa!Mabuti nalang at nakagown ako kaya hindi gaanong malakas ang impact. Tinulungan akong tumayo ni Zay.
"Stay here." I nodded and followed what he said. May commotion na nagaganap sa loob ng hall. Maya-maya lang nagsimula nang magsitakbuhan ang mga tao sa direksyon ko.
Hinila ko ang isang lalakeng nagmamadali "Anong nangyayari? Bakit kayo tumatakbo?"
"Nagbalik na siya! Nagbalik na ang Prinsesa!" Bigla akong nalito sa sinabi niya. Agad rin siyang tumakbo at iniwan ako. Kailangan kong mahanap ang ibang Royal Gem Casters! Hindi ko naman mahahanap si Zay dahil invisible siya.
Sa halip na makipagsabayan sa mga nagsisilabasang tao ay pumasok ako sa party hall. Pagkapasok, agad na hinanap ng aking mga mata si Ron ngunit una kong nakita si Selena na hawak ang isang latigong tubig at kaharap ang isang berusa! It attacked her pero agad siyang dumepensa at inihampas ang latigo sa nilalang.
Napatingala ako nang maramdaman ang isang papalapit na bagay and before I knew it isang black energy ball ang aking nahagip na tatama na sakin. Ipinikit ko ang aking mata at hinintay na tumama ito pero when I opened my eyes nakita ko si Zeron hawakhawak ang isang Water shield and repel the energy ball nang napakalakas.
"Prince--" Walang sabisabing hinila niya ang aking mga kamay at mabilis kaming tumakbong dalawa patungo sa malaking crystal door kung saan kami pumasok kanina. Pero laking gulat nalang namin nang biglang humarang ang isang napakalaking black dragon and roared in front of us! Napatakip kami ng tenga sa sobrang lakas ng sigaw.
Pagkatingin ko ulit sa nilalang unti-unting nagbago ang pisikal ba anyo ito at naging isang tao na may takip na shoal sa ulo. She's wearing a black long dress na hipit na hipit sa kanyang katawan. Namilog ang aking mga mata nang makita ang kanyang mukha.
"Tita Elizabeth?" I whispered shockingly.
BINABASA MO ANG
Gems of Fantasia and The Lost Princess
FantasyWelcome to the world of magical gems! Ayesha, a teenager with magical powers was obliged to enter the Gemra Academy, a school for immortal gem bearers, in the magical world of Fantasia, the Land City of Gems. Her simple life is twisted...