Chapter 3: My Wand and my Buddy

2.3K 118 0
                                    

Someone's POV

*Flashback*

“Manong Gustavo!”Sigaw ng siyam na taong gulang na si Ayesha sa matanda na kasalukuyang inaayos ang bagong imbensyon.

“Ayesha! Mukhang masaya ka ngayon iha, may nangyari bang maganda?” Tanong nito sa bata habang inaayos ang mga gamit.

“Opo! Buntis po si nanay! Magkakaroon na po ako ng kapatid yehey!!!!”

 

‘Sa wakas magkakaanak na rin sila, sa hinaba haba ng pagsasama nila nabiyayaan rin sila ng anak’ ani ni Gustavo sa isip lamang.

 

“Pero anak rin nila ako.Isa daw akong biyaya sabi ni itay.”Biglang sambit ni Ayesha.

 

Nagulat naman ang matanda sa sinagot Ni Ayesha.

“Nababasa mo ang iniisip ko?”

 

“Ha? Pano naman po eh narinig ko kayong sinabing ‘Sa wakas magkakaanak na rin sila, sa hinaba haba ng pagsasama nila nabiyayaan rin sila ng anak’ ?Takang tanong ni Ayesha.

 

Napangiti naman ang matanda nang maintindihan kung bakit nabasa ng bata ang nasa isip nito.

“Ah oo pasensya ka na iha. Isa ka ring biyaya. Ang ibig kong sabihin kanina matagal na kasi nung ipinanganak ka kaya masaya ako magkakaroon sila ng bagong anak.” Pagrarason ni Gustavo.

 

“Ayos lang po.Ano po pala ang bago niyong imbensyon.Alam niyo po malaki po ang naging tulong ng imbensyon niyo kay itay.Napapabilis ang trabaho niya.Maraming salamat daw po!”

 

“Walang anuman Iha.Ito ang solid converter.Lahat ng matitigas na bagay kahit ang pinakamatigas na bagay sa buong mundo ay kaya nitong gawing likido.”

 

“Wow! Ang galing! Paano niyo po nagawa yun?”Manghanang sambit ng bata.

 

“Simple lang. Determinasyon, tiwala sa sarili at magic!”

 

“Manong mayroon po ako nung dalawa kaso saan po ba makukuha ang magic?”Inosenteng tanong ni Ayesha.

“Ang magic hindi nakukuha kusa itong tinataglay.”

 

“Nakakalito naman po kayo. Pero maghahanap parin ako ng magic.” napatawa naman si Gustavo sa sinabi ng bata.

“Kumuha ka ng bato Ayesha. Gagawin natin itong likido” nagningning naman ang mga mata ni Ayesha at exited na kumuhang bato.

“Handa ka na?”Tanong nito sa bata.

Tumango si Ayesha at itinutok ang mata sa imbensyon. Unti-unting inilagay ni Gustavo ang mga bato at pagkaraan ng ilang minuto ay naging likido ito.

“Wooooww!” Manghang palakpak ni Ayesha at napangiti naman si Gustavo sa kawalang malay ni Ayesha na mahika niya ang nagpapatakbo nito.

*Present*

“Salamat po! Mukhang hindi niyo parin nalilimutan ang paborito kong cookies niyo” Pagpapasalamat ko kay manong Gustavo nung inabot niya sakin ang paborito kongcookies. Hmmmmm ang bango! Nung bata pa kasi ako lagi akong binibigyan ni Manong Gustavo ng cookies na gawa niya.

Gems of Fantasia and The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon