Ayesha's POV
"Anong ginagawa mo?"
"Tinutulungan siya?" Hinawakan ko ang rehas kulungan. Paano ko ba ito mabubuksan!? "Aww!" Mukhang may mahikang nakalagay sa mga bakal ng rehas. Bigla itong nagliyab nang hawakan ko at bumalik sa normal nang binitawan ko na.
"Isang spell. Mukhang may naglagay nang malakas na spell sa mga rehas dito." Seryosong tugon ni Zaron. "Kung ganon paano natin masisira ang kulungan? Kailangan natin siyang tulungan!"
"Alfonso... Alfonso..." Napatingin sa magandang babaeng nasa loob ng rehas. Habang binibigkas niya ang mga katagang yun ay may dumadaloy na mga luha sa kanyang pisnge subalit ang kanyang mga mata ay parang nakatitig sa amin. Alfonso? Iisang Alfonso lang ang kilala ko. Sinong Alfonso kaya ang tinutukoy niya?
"Nakikita niya tayo." Rinig kung sabi ni Zaron. Naramdaman ko ang paglapit niya sa babae. "Umalis na tayo." Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ano!? Paano naman siya!? Hindi natin siya pwedeng iwan dito!"
"We can't help her. Ang rehas ay napapalibutan ng malakas na spell." For a bit bigla akong nagalit. "Seriously!? May taong nakakulong dito at hindi natin tutulungan!? Ganyan ba katigas ng puso mo! Then we must find a way!"
"You don't understand. Wala tayong magagawa sa mga ganitong sitwasyon. Isang High spell pinag uusapan natin dito. A nullifying magic can only undo that one!"
Oh no. Nawawala na na ng bisa ang invisibility bean. Unti unti na kaming bumabalik sa dati. Nang mapatingit ulit ako kay Zaron may napansin ako. "Nasaan ang gem mo?"
Umiling siya. "When I woke up wala na ito. It seems like kinuha nito ng dumukot sa atin."
"Ano!?" Hindi maaari.
"Nullifyer. Overpowered. Mapanganib pero walang alam. Tagapagligtas subalit walang alam. Wala kang alam dahil may ninanakaw. Mapanganib ang walang alam." Kapwa kaming napatingin sa babae. "Alfonso... Alfonso..." Napaiyak siya ulit. Nagkatinginan kaming dalawa. Biglang akong may naalala.
"Anong gagawin mo?" Tinitigan ko ang rehas. Daha dahan kung inilapi ang mga kamay ko at hinawakan ito. Napadaing ako. Ang sakit! Parng dinudurog ang kamay ko! Ramdam na ramdam ko talaga ang sakit! "Ayesha! Tumigil ka!"
Ang babae naman ay napaupo at napatakip ng tenga habang patuloy na binibigkas ang pangalang Alfonso.
"AAAAHHH!"Napahiyaw ako sa sakit hanggang sa isang iglam biglang nagyelo ang rehas. Nabalot ng yelo ang makakapal na rehas at unti-unting natutunaw. Hindi ako makapaniwala. "Nagawa ko. Nagawa ko!?"
Maya maya lang may humahawak sa dalawang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Napatingala ako kay Zaron. "Are you insane!? Ayos ka lang ba! Ang tanga mo! Bakit mo ginawa yun!? Paano kung namatay ka!"
"Ano ba wag OA. Buhay ako." May mga papalapit. "Kailangan na nating umalis. Dalhin natin siya." Tumango siya. Nahimatay ang babae. Dala siguro ng malakas na mahika kanina. Binuhat niya ang babae at pinasakay namin sa likod ni Zaron. Mabilis kaming tumakbo patungo sa isang lagusan. Maya maya lang ay nakalabas kami at bumungad sa amin ang isang mataong lugar. Sa lugar na ito maraming mga nakaitim na tao. " Iyuko mo ang ulo mo. Kahit anong mangyari huwag kang titingin sa mga mata nila." Sinunud ko ang sinabi niya. "Nasa Moz tayo. Mapanganib ang village na ito para sa ating taga Fantasia. Their eyes are different than ours kaya kahit anong mangayri wag kang tititig sa mga mata nila kung ayaw mong mamatay. "
Sa dami ng tao halos nagkakabunggo na kami. Oh my. Parang gusto kung tumingin sa mga mata nila subalit hindi pwede. Ang hirap kayang tumingin sa lupa.
"Ate!" Napasinghap ako. Nagkatitigan kami ng bata habang tumatakbo siya papunta sa isang babae. Ang mga mata nila. Wala silang mga mata! Napatigil ako at napatingin sa aking paligid. Ang mga tao dito walang mga mata. Walang mga mata.
"Aish! Ayesha takbo." Maya maya lang hindi ko namalayan na napapalibutan na kami ng mga taong walang mata. Nakatitig silang lahat sa amin. Tatakbo na sana kami harangan kami ng mga kawal na nasa kulungan kanina.
"Hindi na kayo makakatakas pa!"
Nagdilim ang paligid. Pagtingala namin nabalot ako ng pag-asa! "Azura! Claw!" Nagsitakbuhan ang mga eyeless people nang magbuga ng yelo at apoy ang dalawang ga heganteng drago namin. Lumapag sa harap namin si Azura. Dali dali kaming tumakabo at sumakay dito. "Salamat Azura!"
Mabilis na lumipad pabalik sa himpapawid si Azura. Nang mapatingin naman ako kay Claw na kasalukuyang lumilipad sa tabi namin ay nagulat ako. "Zeron!"
"Howdi! BOO na miss kita!" Napangiti lang ako. Speechless eh. Ang saya sa pakiramdam ang malaman na ligtas ang kaibigan ko.
"Ayesha masaya akong ligtas ka!" Bulong ni claw sa aking isip. "Ako rin. Ang saya saya ko. Salamat sa inyo Azura, Claw at Zeron! Oo nga pala kamusta ang Fantasia. Ano nang nangyari doon?"
Biglang lumungkot ang mukha ni Zeron. "Ang mga Gems ng Fantasia. Nawawala."
![](https://img.wattpad.com/cover/15166958-288-k861980.jpg)
BINABASA MO ANG
Gems of Fantasia and The Lost Princess
FantasyWelcome to the world of magical gems! Ayesha, a teenager with magical powers was obliged to enter the Gemra Academy, a school for immortal gem bearers, in the magical world of Fantasia, the Land City of Gems. Her simple life is twisted...