Prologue

4.1K 146 0
                                    

       “Ysabelle!”

      Tumatakbo, kumakaway at nakangiting Elizabeth ang tumawag kay Ysabelle na kasalukuyang namimitas ng mga bulaklak. Ngumiti naman ang dalaga nang makita ang kakambal nito na papalapit. Magkaparehong – magkapareho talaga ang kambal. Sa mukha, kilos at boses nila ay madalas na nalilito ang mga kaharap nila pwera nalang sa kanilang mga magulang.

       Masayang pinakita ni Elizabeth ang mga daliri nito sa kapatid pagdating nito sa kinaroroonan ng kakambal. Bigla namang nawala ang mga ngiti ni Ysabelle.

      “Infinity Diamond Ring? Nagpropose siya?” Masayang tumango si Elizabeth at niyakap ang kapatid.

       “Napakasaya ko Belle. Sa wakas magiging isa na kami.”

        Humiwalay naman sa yakap si Ysabelle.

       “Wow! Masaya ako para sa inyo!” Malumanay na bati ni Belle. Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng dalaga.

      “Kambal may problema ba?” Nabatid ni Elizabeth ang parang walang buhay na tinig ni Ysabelle.

          “Wala Beth. Ayos lang ako. Aalis muna ako bibisitahin ko muna ang kaibigan ko.”

           “Samahan na kita”

       “Wag na.Kaya ko to” Biglang tumakbo si Ysabelle ng napakabilis bago makapagsalita ang kapatid nito.

           “Teka!” Pahabol na sigaw ni Elizabeth.

          Habang tumatakbo si Ysabelle palayo sa kakambal nito, ang mga luha niya ay until  until  nang  tumulo.  Tumigil siya't piniling maging sandalan ang isang malaking bato at kasabay ng paglakas ng hangin ay humagulgul ng iyak ang dalaga. Lahat ng sakit na nararamdaman niya ay ibinuhos niya.

          “Elizabeth? Ikaw bayan?” Isang nag-aalalang tinig ng lalaki ang nagsalita sa harapan niya at pagtingala niya ay nakita niya ang mukha ng sinisinata niya.

           “Baron anong ginagawa mo dito?” Takang tanong ni Belle habangpinapahid ang luha.

     “Ysabelle! Ikaw pala! Akala ko ikaw si Elizabeth. Magkakambal talaga kayo. Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”

        “Ah wala. May nakakalungkot na kwento lang kasi ang isa kong kaibigan.Anong ginagawa mo dito ulit?”Tumayo ang dalaga at inayos ang sarili.

        “Hinahanap ko kasi si Elizabeth”

        “Nandun siya” Sagot ni Belle sabay turo sa kakambal na masayang minamasdan ang langit.

        “Sige mauna na ako.” Pamamaalam ni Brandon sa kanya.

        Biglang nandilim ang mata ni Ysabelle sa magkasintahan nang makita nitong naghaharutan at magkahawak kamay sina Elizabeth at Baron. Matagal na niyang gusto si Baron. Nagawa niyang ipagtapat ang kanyang nararamdaman sa lalaki ngunit nadurog lang ang puso nito.

        “Belle, patawad pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa iyo. Si Elizabeth ang nagpapatibok ng puso ko.”

        Simula noon ay nakaramdam ng puot, galit at inggit sa kapatid si Belle ngunit itinago niya ito at sinubukang alisin sa sarili dahil sa pagmamahal niya kay Elizabeth.

        Ngunit mukhang wala na siyang magagawa ngayon.

======

        Araw ng kasal nina Elizabeth at Baron nang biglang nabahala ang lahat sa matagal na pagdating ni Elizabeth. Aalis nasana si Baron sa pwesto nito nang biglang dumating ang sinisinta suot ang magarang damit pangkasal.

Gems of Fantasia and The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon