"Uwaaaah! Uwaaaaah!"
Isang malakas na pag-iyak ng sanggol ang nakapagpagising sa mag-asawang Loria at Parsol sa kanilang mahimbing na pagtulog. Lumabas ang mag-asawa sa kanilang bahay at laking gulat nalang nila ng madatnan ang isang munting anghel na iyak ng iyak. Nakabalot ito sa punting lampin at nakalagay sa malaking basket.
"Diyos ko! Parsol sanggol ito! Dali tingnan mo baka nandiyan pa ang nag-iwan ng bata."
Dali- daling nilibot ni Parsol ang paligid. Tumigil naman sa pag-iyak ang sanggol ng buhatin ito ni Loria.
"Loria walang tao sa paligid. Wala na siya." Ani ni Parsol sa asawa.
Tiningnan ng mag-asawa ang bata na kalong kalong ni Loria. Ang mga mata nito'y napaka inosente at walang kamalay-malay sa kanyang paligid.
"Mamamamama....Dadadada."
Yan ang mga lumabas na salita sa sanggol na nakapagpangiti kay Loria. Hinawakan ng sanggol ang malaking daliri ni Parsol na nakapagpatawa sa anghel. Tila isang musika ang tawa niya sa mag-asawa. Tinitigan naman ni Loria ang mga mata ng asawa.
"Mahal ko, isa siyang biyaya. Dininig niya ang ating panalangin." Sambit ni Loria na mangiyak-ngiyak na sa tuwa.
"Loria aalagaan natin siya at mamahalin bilang tunay na anak." Pumasok ang mag-asawa sa kanilang munting kubo habang kalong-kalong ni Loria ang sanggol at dala-dala naman ni Parsol ang basket.
"Loria mayroong sulat" Ang sabi ni Parsol nang mapansin ang nakatuping papel sa basket. Binuksan niya ito at binasa ang sulat kamay na mga salita.
"Loria at Parsol,
Lubos akong nagpapasalamat sa pagtanggap niyo sa aking anak sa inyong tahanan. Alam kong mamahalin niyo siya tulad ng isang tunay na anak. At sa pagdating ng tamang panahon ay magkakasama rin kami, sana.
Ayesha, yan ang pangalan niya. Naway patnubayan niyo ang aking munting anghel. Bilang isang ina, ay labis akong nasasaktan sa paghihiwalay namin. Loria, patawad sa aking pagkawala. Mayroon akong kinakaharap nung mga panahon na yun. Masaya ako para sa inyo ni Parsol. Wag kang mag-aalala Loria, magkikita rin tayo ulit. Pangako.
Welna"
Napatingin ang mag-asawa sa isa't-isa at di mapigilang mapaiyak ni Loria.
"Parsol, buhay siya! Buhay ang kaibigan ko at bumalik siya. Pero ba't iiwan niya ang anak niya satin?"Takang tanong ni Loria sa asawa.
"Ang mundong yun ay iniwan na natin subalit batid kong may kinakaharap ngayon si Welna at nasa panganib itong supling niya. Poprotektahan at mamahalin natin siya mahal ko para sa kaibigan mo."
Niyakap ni Parsol ang asawa at hinagkan ang mag-ina niya.
After 16 years
"AYESHA!!! Naku, juskong bata to saan nanaman yun nagsususuot." Sabi ni Loria na palinga linga sa paligid.
"Nay!!" Tawag ni Ayesha sa ina habang nakaupo sa sanga ng punong manga.
"AYESHA!! BUMABA KA DIYAN! KE BABAENG MONG TAO UMAAKAYAT SA PUNO! BAKA MAHULOG KA!" Kinakabahang sigaw niya nang makita ang dalaga.
"Hahaha! Nay ang kayang gawin ng lalake ay kaya ring gawin ng babae. At patutunayan ko yan. Wag po kayong mag-aalala! Kapag mahuhulog ako may sasalo naman po!" Balik sigaw ng dalaga.
"At sinong sasalo aber?!"
"Marami po. Si Captain America, Thor, Spider man, Batman, Superman, aaaahhh...Sino pa nga ba? Ah! Oo si Lastikman! Siguradong tatalbog ako. Hihi!"
BINABASA MO ANG
Gems of Fantasia and The Lost Princess
FantasyWelcome to the world of magical gems! Ayesha, a teenager with magical powers was obliged to enter the Gemra Academy, a school for immortal gem bearers, in the magical world of Fantasia, the Land City of Gems. Her simple life is twisted...