Sa gitna ng kadiliman biglang napukaw ang isang nilalang. Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga matang may matatalim na tingin. Hindi ito isang pangkaraniwang nilalang. Nagmatyag siya sa kanyang paligid. BIglang umilaw ang diyamanteng nakakabit sa kanyang leeg na tuluyang nakapukaw ng kanyang buong kaluluwa. Alam niyang dumating na ang pinakahihintay niyang araw. Kailangan niyang maghanda. Kailangang maging malakas siya ulit.
Unti-unting ibinukadkad niya ang kanyang mga pakpak at mabilis na lumipad sa himpapawid. Sa gitna ng kadiliman siya’y naglaho.
****
Queen Elizabeth POV
Bakit parang ang tahimik? Kinakabahan ako. Unang araw ng klase ng Gemra Academy na naman kaya busy ngayon ang lahat. Ngunit pakiramdam ko walang katao-tao ang staff palace kung nasaan ako ngayon.
Itinigil ko ang pagsusulat ng reports sa desk at naglakad papunta sa napakalaking bintana Kailangan kong mag matyag. Ipinikit ko ang aking mga mata at nag focus. I can feel my soul leaving my body. Iminulat ko ang aking mga mata pero nakaalis na ako sa aking katawan. Lumutang ako palabas ng bintana nang hindi ito nababasag. I am a pure soul right now kaya hindi ko mahahawakan ang kahit ano at wala ring makakakita sa akin but I can see everything from up here. Dumaan muna ako sa school field pero wala namang kakaiba. I went to the canteen, sa music hall, magic arena, Elementary building ngunit napatigil ako sa Middle High Building. Hindi nakalampas sa paningin ko ang isang anino sa bubong. The classes already started kaya alam kong ang mga students ay nasa kanya-kanya nang classrooms.
Unti-unti ko itong nilapitan ngunit bigla itong nawala nang tuluyan na akong makalapit.
I was about to turn around nang may biglang nagsalita. “It seems we had the same feeling…Elizabeth” Napatingin ako sa kanang bahagi ko. Nakatayo siya’t naka cross arms habang nakalutang rin. Hindi ko inaasahang mapapaaga ang pagkikita namin.
“Alexander. Anong ginagawa mo dito?” May kuryusidad na tanong ko sa kanya. Katulad ko ginamit niya rin ang soul transformation kaya nakakalutang rin siya. I know siya ang Head Principal ng Elementary Level pero hindi ko magawang pagkatiwalaan siya… ulit.
“Why? Hindi ba pwedeng maglibot-libot muna? You don’t own the whole school Elizabeth.”
“Respect me as a queen Alexander. “ I said furiously to him. Alam kong may nakaraan kaming hindi na dapat balikan pero sa tingin ko ay hindi parin siya nakaka move on.
“As you wish my queen” May halong panunuksong sagot niya sakin. Ngunit biglang naglaho ang ngiti niya nang may dumaang napakabilis na anino.
“I knew it.” Bulong niya. Kung ganun naramdaman niya rin ang isang kakaibang presenya kaya nagpunta siya rito. Inilibot ko ang aking paningin at may nahagilap na naman akong anino.
“Two. There are two of them.” Sabi ko habang nagmamatyag parin. Kailangan na naming bumalik sa katawan namin or else hindi namin malalabanan kung ano man ito.
“Alexa…”
“Leave it to me Queen. Go back to your body. Ako na ang bahala dito.” Seryosong saad niya habang hawak hawak ang isang scepter na may white gem sa dulo nito. Hindi na ako nakipagtalo pa at bumalik kaagad sa katawan ko. Kung ano man ang nilalang na ito at kung ano man ang pakay niya we need to get rid of it.
***
Ayesha’s POV
Matapos sabihin sa akin ni Liza na isang Prinsipe ang tinawag ko na Zebra tumahimik lang ako sa kinauupuan ko. Dito narin ako umupo sa pinakadulong bahagi para makailag sa nakakamatay na tingin ng mga babae lalong lalo na si Kate na parang kakainin ako. Napatingin ako sa gawi ni Zaron at napaiwas ako ng tingin ng makitang ang sakit ng titig niya sakin. Sino ba siya para titigan ako ng ganyan. Haish bakit kasi hindi ko nalaman na anak pala sila ni Tita Elizabeth. Waaahh! Bakit ko ba kasi ginawa yun!?
BINABASA MO ANG
Gems of Fantasia and The Lost Princess
FantasyWelcome to the world of magical gems! Ayesha, a teenager with magical powers was obliged to enter the Gemra Academy, a school for immortal gem bearers, in the magical world of Fantasia, the Land City of Gems. Her simple life is twisted...