Lumapad ang mga ngiti sa labi ni Oldan nang matapos ang bagong synthetic magical gem na ilang buwan niya ring pinaghirapan. Kulay grey ito na parang isang bato kung titignan. Mahaba ang mga balbas ni Oldan ngunit nakasuot siya ng modernong business suit kaya sa unang tingin mapagkakamalan siyang isang normal na tao. Subalit lingid sa kaalaman ng iba ay may naitatagong malakas na kapangyarihan ang wizard.
"Ayay-yay! Sa wakas!"
Bigla naman siyang nakaramdam ng gutom kaya inilagay niya muna ito sa gem chalice. Mabilis niyang inihanda ang paborito niyang egg sandwich. Isusubo niya na sana ito nang biglaan siyang may narinig na ingay mula sa loob ng magic laboratory niya.
"Aish! Ang bigat niya!" Reklamong isang boses pagkatapos ng mga ingay.Mabilis siyang pumunta sa loob at nabitawan niya ang kanyang dalang pagkain nang makita ang isang babaeng na lumulutang mag-isa at nangingitim ang kaliwang kamay.
"Oldan! Nalason siya ng berusa! Kailangan niya ng lunas ngayon din!"
"Prinsipe Zaron? IKaw ba yan?"
"BIlis!"
Sa halip na magtanong ulit mabilis niyang inilutang ang katawan ni Ayesha patungo sa infirmary bed at nagsimulang mag diagnose. Kumuha kaagad siya ng mga gamot at maagap na inilunas sa dalaga. Kinuha niya mula sa puting gem chalice ang healing gem at nilagay sa palad ng dalaga.
"Mabuti't dinala mo siya kaagad rito. Ang lason ng berusa ay maaaring nakakamatay. Magiging ayos na siya maya-maya lang."
"Good." Tanging sagot ng binata.Unti-unting nawala ang pangingitim sa mga kamay ng dalaga habang ang healing gem ay biglang naging kulay itim. Nang mawala lahat ng lason ay kinuha ni Oldan ang bato at inilagay sa isang itim na gem chalice.
"Ah prinsipe Zaron nasaan po kayo?"
"Nasa harapan mo ako. Are you blind?"
"Ayayay! Prinsipe patawad pero mukhang naapakan niyo ho ang bagong synthetic magic gem na ginawa ko!"
"What are you talking about?" May pagtatakang tanong ng prinsepe.
"Isang bagong gem po ito na nagagawang maging invisible ang isang tao. At sa tansya ko limang oras pa bago mawala ang epekto nito. Wala rin po ito antidote sa ngayon."
"ANo!? Aish! Seriously Oldan!?"
Hindi man nakikita ni Oldan ang mukha ng binatang prinsepe, alam niyang umuusok na ngayon ang mga taenga nito kaya sa halip na manatili sa tabi niya ay nag walk out siya muna upang gumawa ng egg sandwich ulit.
PG kasi eh.
Ronnie POV
Kakalabas ko lang sa portal nang may mahagilap akong umuusok sa Middle School Building kung nasaan ang classroom ko. Nilabas ko ang espada ko which is my wand and chant a spell upang makapagteleport doon. It's the fastest way. Mukhang malala ang pinsala. In a second nakarating ako sa mismong classroom namin.
"Anong nangyari?" Tanong ko nang madatnan na sirang-sira ang buong 2nd Floor ng Middle School Building. Kagagaling ko lang sa Gemini ngunit hindi ko inaasahan na ito ang sasalubong sa akin sa unang araw ng pasok. Sayang naman nais ko pa sanang makita si Shasha.
Nilapitan ko si Liz na nakatayo sa basag na bintana. Nakalutang siya sa ere ngunit mga 1 inches lang ang distansya sa sahig. Nagkalat kasi ang mga bubog at mga basag na salamin mula sa bintana na sirang sira na ngayon.
"A Berusa... it entered the school premises. I don't know why but it looks like si Ayesha ang pakay nito. " May pag-aalalang sagot sakin ni Liz kasama ang water flairy niya. Napansin ko namang nakasunod si Claw sa kanya kaya bigla akong nagtaka.

BINABASA MO ANG
Gems of Fantasia and The Lost Princess
FantasyWelcome to the world of magical gems! Ayesha, a teenager with magical powers was obliged to enter the Gemra Academy, a school for immortal gem bearers, in the magical world of Fantasia, the Land City of Gems. Her simple life is twisted...