CHAPTER 75 (pt. 2)

1.9K 68 60
                                    

Naunang naglakad si Jairus sa kanya. Sa direksiyong tinatahak nila, hula niya ay sa penthouse siya nito daldahin. He’s wearing black polo shirt, jeans and black rubber shoes. Ngunit sa kabila ng simple nitong ayos, nagi-stand out pa rin ito sa crowd kung saan sila sumusuot.

Ito ba ang magiging huling ala-ala niya ni Jairus? Nakatalikod sa kanya? Nagmamadaling maglakad na para bang nagmamadali din itong mawala sa buhay niya? malalim siguro masyado ang naging pag-iisip niya, dahil hindi niya namalayan ang paghinto ni Jairus sa harapan niya.

Hinawakan niya ang nasaktang noo, pero wala pa ring mas sasakit sa bigat at sa sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Ibinaba niya ang kamay at hinarap ito. Naroon na sila sa lobby ng Admin Building ng JSA. Dahil hapon na, halos wala nang tao doon. Mas mabuti nang doon na sila mag-usap, baka matukso pa siyang pigilan itong umalis oras na makapag-sarili sila.

“Alam ko na ang tungkol kay Selene, Jairus.” there’s no point of hiding this to him. Hindi nga niya maintindihan kung bakit hindi niya pa sinabi ang tungkol doon dito. Maybe because you’re afraid that he might leave you.

Tumango ito na hindi na ikinagulat pa ang pahayag niya. “Yeah, sinabi ni Nash sa’kin kahapon nang tawagan ko silang tatlo. I want to break his neck pero maraming mga bagay na mas mahalaga pa kaysa doon.”

Gaya ni Selene? Tanong na hindi niya maisatinig. Lalong bumibigat ang dibdib niya sa itinatakbo ng usapan nilang dalawa. Pakiramdam niya unti-unti siyang sinasaksak nito sa dibdib. “You’re going?” tanong niya na pilit pinapasigla ang boses.

Marahan lang itong tumango bago nag-iwas ng tingin sa kanya. “Dapat ay kagabi pa ako lilipad papuntang London, nandoon daw siya tumutuloy sa hotel namin doon.” Then he looked straight into her eyes. “But I can’t just leave you hanging, Sharlene. Naging mahalagang parte ka na ng buhay ko.”

Ang mga huling salita nito ang tuluyang gumiba sa tatag na pilit niyang itinatayo. She wanted to cry. She wanted to shout. But she doesn’t have the voice. She doesn’t have the energy. “Naging mahalagang parte ka na ng buhay ko.” Nasasaktan siya sa mga salitang hindi naman dapat nakakasakit sa kanya.

Humugot pa ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “I wanted to be sure of my feelings. Kung naikuwento sa’yo ni Nash ang tungkol kay Selene, malamang ay naikuwento niya rin sa’yo ang tungkol sa mga babaeng iniwan at sinaktan ko nang dahil sa kanya.”

At isa na rin ako sa kanila. “Naiintindihan ko.” sabi niya kasabay ng isang pilit na ngiti. Pero naiintindihan nga ba niya talaga? Ang lahat ng pinagdaanan nilang dalawa, ang lahat ng sakit at hirap na dinanas niya para lang sa pagmamahal niya dito, lahat ng iyon ay binabasura na nito ngayon. Naiintindihan nga ba niya talaga? O alam niyang walang pag-asang manalo laban sa unang babaeng minahal nito kaya wala siyang lakas na ipaglaban ang nararamdaman dito?

Sa wakas ay nag-angat siya ng tingin dito, kita niya sa mga mata nito ang hirap. O mas tamang sabihing guilt? Dahil hindi man nito intensiyong gawin, ay nasaktan siya ng sobra nito.

“I need to go to London and talk to Selene. May mga bagay akong kailangan itanong, kailangan linawin. Dahil kung totoo man ang sinabi sa’kin ni mama tungkol sa pagkawala niya dito sa Pilipinas at ang pagpapalabas na patay na siya, kailangan magbayad ang dapat na magbayad.” Ngayon nama’y bakas sa mukha nito ang matinding galit. Maraming beses niya itong nakitang galit, pero tila ba iba ang nakikita niyang galit sa mga mata nito ngayon. “I need to do all of those for Selene. At hindi ko kayang makita kang nasasaktan habang mananatili ako sa tabi niya habang binibigyan ng hustisya ang nangyari sa kanya noon Sharlene. I don’t know when I’m going to be back. At ayaw kong maghintay ka sa taong hindi pa sigurado sa nararamdaman niya.”

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon