CHAPTER 83 (pt.2)

1.2K 42 7
                                    

AUTHOR'S NOTE:

THIS CHAPTER CONTAINS SCENE ( NA MILD NA MILD LANG NAMAN) NOT SUPER VERY SUITABLE FOR VERY YOUNG...AHMM...READERS? XD KAYA READ AT YOUR OWN RISK. SALAMAT :)

AND VOTE FOR JAILENE HERE:

http://myxph.com/polls/1618/favorite-myx-celebrity-vj-duo/

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi pa rin makalimutan ni Sharlene ang ginawang halik ni Jairus sa kanya kanina. Nakokonsiyensiya siya sa totoo lang. Pakiramdam niya siya na ang pinaka-masamang tao sa mga oras na iyon. Selene considered her as a friend, as a sister. Pero heto siya't hinalikan ang fiancé nito at matutulog pa siya sa bahay ni Jairus.

Umupo siya mula sa pagkakahiga sa kama. Mali ito. Dapat umalis na siya doon. Ngunit kung gagawin naman niya iyon ay mawawalan ng trabaho ang mga inosenteng katiwala nito. Hihintayin na lang niya si Jairus para maayos na makapag-paalam, sana nga lang ay payagan siya nito.

Habang nagtatagal kasi siya sa bahay na iyon ay lalo lang siyang inuusig ng konsensiya. Ang dami na niyang nagawang kasalanan kay Selene, isama pa na hanggang ngayon ay hindi siya umaamin sa tunay na katauhan. Kaya hangga't maaari niyang bawasan ang mga atraso niya dito ay gagawin niya.

Muntik na siyang mapatili nang biglang mag-ring ang cellphone niya. It's an unknown number.

"He-"

"Sharlene, this is Francis, I'm coming there to get you so stay put okay?" iyon lang at ibinaba na ni Francis ang telepono. Napatitig siya sa cellphone. Binuksan ang received calls at nakita nga niya ang numero doon. Totoong may tumawag sa kanya at totoong si Francis iyon.

Bakit naman siya pupunta dito at susunduin ako? Doon siya naalarma, wala siya sa sariling bahay at nandoon siya kanila Jairus. At paano naman nito nalaman iyon?

Nakarinig siya ng makina ng kotse kaya napabalikwas siya ng bangon. Lumabas siya ng kuwarto para silipin kung sino ang dumating. Seryoso ang mukha ni Jairus na nagbilin sa katiwala bago naglakad patungo sa living room. Parang walang nagbago sa mood nito, he looks really deadly. Bumaba siya ng hagdanan para sundan ito. Kailangan na niyang umalis doon.

Pagkababa niya ay nakita niya itong nakasandal sa backrest ng sofa at tahimik na nakatitig sa kisame. Tinignan naman niya ang tinitignan nito pero wala siyang nakitang interesanteng bagay doon kaya lumapit siya. Dahan-dahang lumipat ang tingin nito sa kanya.

"Hindi ka pa natutulog?"

Sa tingin pa lang nito ay mabilis na ang tibok ng puso niya. He's really worthy to look at. "A-Ah, magpapaalam sana ako sa'yo na umuwi na lang ngayong gabi."

Inayos nito ang upo at tinuwid ang likod. Sinenyasan siya nitong umupo sa tabi nito, sumunod siya, ngunit imbis na sa tabi nito siya umupo ay sa kabilang panig ng sofa. Nagulat siya nang unti-unting ngumiti si Jairus sa kanya.

"Bakit nangi-ngiti ka?"

"You looked so scared, Sharlene. Natatakot ka ba sa'kin?"

Halata ba talaga sa mukha niya? "Hi-Hindi 'no, baka guni-guni mo lang 'yon. Bakit naman ako matatakot sa'yo eh si Jairus ka lang?"

Natigilan ito sa sinabi niya at biglang lumungkot ang anyo. Sumandal muli ito sa sofa at hindi na nagsalita pa. May nasabi ba siyang masama? Na-offend niya ba ito? Bakit parang may nasabi siya na nakasakit dito?

"Sharlene Mae Santos San Pedro." Banggit nito sa buong pangalan niya. May kung anong pumiga sa puso niya. Naaalala niya noon na tuwing binabanggit nito ang buong pangalan niya ay kapag tuwing napapagod na itong makipagtalo sa kanya at sumusuko na ito sa argumento. Pero wala naman silang pinagtatalunan kaya ano'ng ibig sabihin nito sa tono nitong 'yon?

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon