CHAPTER 33

5.3K 104 35
                                    

Pa-ikot-ikot si Sharlene sa kama. Lahat na yata ng posisyon sa pagtulog nagawa niya na pero ayaw pa rin siyang dalawin ng antok. Ang daming pumapasok sa isip niya na ayaw siyang patahimikin.

Sa huli ay sumuko na lang siya, naupo na siya at hinayaan ang sarili na mag-isip. Siguro nga iyon ang kailangan niya ngayon, ang mag-isip. Sabihin na kaya niya kay Jairus na alam niya na ang tungkol kay Selene? Harapin na kaya niya ang sagot sa matagal na niyang tanong sa sarili, nakikita pa rin kaya nito sa kanya si Selene?

Mahirap kasing tanggapin ang pagmamahal nito kung alam niyang hindi naman siya ang laman ng puso’t isip ni Jairus. Baka ginagamit lang siya nito para pagtakpan ang pagkawala ni Selene?

Sana pwede niyang sagutin ang lahat ng iyon.

Sana hindi siya masaktan sa kung ano mang magiging sagot ni Jairus sa mga tanong niya.

Nagulat siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. That is Nash calling.

“Hello.” Bati niya agad nang sagutin ang tawag.

“How are you?”

“Ayos naman. Bakit ka napatawag?”

Dinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga bago muling nagsalita. “Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Can you come here?”

“T-Teka anong ginagawa mo diyan?” tumingin siya sa wall clock sa kuwarto niya, it’s almost 10pm.

“Let’s talk.”

Ibanaba na ni Nash ang telepono kaya napilitan na lang din siyang lumabas ng bahay. Dahan-dahan siyang naglakad palabas dahil baka mamaya ay magising pa ang mga magulang niya. Hindi sa natatakot siya na magalit ang mga ito, ayaw niya lang ng mahabang paliwanagan dahil hindi niya din alam kung bakit nandito si Nash.

Nakita niya itong nakatayo sa labas ng gate nila. He’s wearing blue pocket tee and he’s as handsome as ever.  Bumalik muna siya sandali sa loob para kumuha ng jacket, mukha kasing mamamatay na sa lamig si Nash sa labas.

“Nash.” sabi niya dito sabay lagay ng jacket sa balikat nito. “Suot mo malamig dito sa labas.”

Gusto niyang matawa nang bigla itong mag-blush, siguro dahil sa lamig at gulat. But she must say he’s really cute when he blushes.

“S-Sharlene. Kumusta ka na? Narinig ko ang nangyari kanina, I wasn’t at JSA when it happened, I could have saved you.”

Ngumiti siya dito. The nice guy Nash is back. “Ayos lang ‘yon, okay na ako ngayon.”

“And I know why.”

She smiles sadly. Si Nash lang ang nakakaalam ng lahat ng pinagdadaanan niya ngayon. Ito lang din ang inaasahan niyang makakaintindi sa kanya.

“Let’s walk.” Yaya nito sa kanya.

“Walk? Ganitong oras ng gabi?”

And by some miracle, she was rewarded with his breathtaking shy smile. “Yes. Iuuwi naman kit don’t worry.”

Pumayag na lang din siya. Hindi din naman siya makatulog. Kailangan nga siguro niyang maglakad-lakad muna.

“Bakit naman biglaan ka kung bumisita?” tanong niya dito habang tinatahak nila ang daan papunta sa park.

“Hindi ako makatulog. Ikaw? Bakit naman gising ka pa?”

“Hindi din ako makatulog eh. Ang dami ko kasing naiisip.”

Tumingin ito sa kanya. “Anong iniisip mo?”

“Sinabihan ako ng ‘I love you’ ni Jairus kanina, Nash.” tumingin siya dito ng alanganin. “Ano sa tingin mo?”

“Anong ano sa tingin ko?” nginitian ulit siya nito. “Anong gusto mong sabihin ko?”

“Ako ba sinasabihan niya no’n? o si Selene?”

Doon naging seryoso ang anyo ni Nash. “Hindi ko rin alam Sharlene, si Jairus lang ang makaka-sagot niyan.”

“Iyon nga eh, hangga’t hindi nasasagot ni Jairus ang mga tanong ko hinding-hindi ako matatahimik.”

“Anong balak mo?” huminto na sila nito sa paglalakad at naupo sa bench. Doon sa bench na inupuan nila ni Jairus kani-kanina lang.

Doon kung saan ito nagtapat sa kanya.

“Gusto ko nang ipaalam sa kanya na alam ko na ang tungkol kay Selene at itanong kung nakikita ba niya ito sa’kin.”

Hinawakan ni Nash ang kamay niya at marahang pinisil iyon. “Are you sure about that Sharlene? Handa ka na bang marinig ang isasagot ni Jairus?”

“Sa totoo lang Nash natatakot ako. Baka kasi matulad din ako sa mga babaeng nagpapaalala sa kanya kay Selene noon, baka iwan na lang niya ako bigla.” Walang salita ang makakapaglarawan sa takot na nararamdaman niya. She wanted to stay beside Jairus and take care of him. Pero hindi niya magagawa iyon kung hanggang sa mga oras na ito ay hindi naman talaga siya ang mahal ni Jai.

“Then don’t tell him. Hindi mo naman kailangang magmadali Sharlene.”

“Talaga?” pero paano kung isang araw mawala na lang ito sa kanya? Kung natatakot itong mawala siya o si Selene at iwan itong muli, mas natatakot siyang bitawan siya ni Jairus bigla.

Kaya nga tinitiis niya kahit na masakit na hindi siya ang nakikita nito kundi si Selene.

“Yes, give Jairus time to think about everything. Nararamdaman ko na iba ito ngayon, hindi gaya ng effort na ibinibigay niya sa’yo ang ibinibigay niya sa ibang babae noon.” bahagyang yumuko si Nash. “Pero kung ayaw mo ng complications at masaktan, may ideya ako.”

Tumingin siya dito. “Ano?”

Nash raised his head and looked deeply into her as if memorizing every part of her face. Bigla niyang naramdaman ang pag-init ng paligid dahil sa mga titig nito.

“Be my girlfriend. Love me. Hinding-hindi kita sasaktan Sharlene, just entrust me your heart and I will take good care of you.”

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ni Nash.

This is the most epic of all the epic days in her entire existence.

Oh gods of all epicness why are you doing this to me?!

------------------------------------------------------------------------------------------------->

A/N: THIS CHAPTER IS DEDICATED TO ALL NASHLENE FANS OUTDER XDD

Siya nga pala, ang SharCis Fanfic ko ay moved ng 2 days so bale december 27 na siya...uuwi kasi ako sa probinsya para sa pasko at ine-edit ko pa...XD sensiya na guys salamat sa pagbabasa.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon