<Jean Aquino’s POV >
Sinuyod niya ng tingin ang buong lugar. Walang ipinagbago ang mansiyon na iyon, malaki pa rin ngunit wala nang laman. That mansion is supposed to be a happy home for her family. Pero siya na lang ang nananatiling naka-tira doon kasama ng ilang mga katulong.
“Welcome home ma’am.” Bati sa kanya ni Ms. Beth ang mayordoma sa mansiyon.
Bata pa lang ay kasama na niya ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito iniiwan. Halos ito na rin ang nagpalaki sa mga anak niya na sila Jane at Jairus.
“Nasaan si Dalton?” tanong niya dito habang dire-diretso ang paglalakad papasok sa library. She must know Jairus’ standing in school and the activities he’s engaged in. Bigo siyang tanungin ito kanina dahil may mahalaga daw itong gagawin sa JSA kaya kailangan na bumalik doon agad.
“Ipapatawag ko na po.”
She opens her laptop to check her e-mails while waiting for Dalton. Nasa leave siya pero hindi ibig sabihin no’n ay hindi na siya magta-trabaho. Nakarinig siya ng tatlong katok sa pinto.
“Come in.”
“Ma’am.”
“Ano’ng balita sa kanya?” tanong niya, inilipat na niya ang tingin niya dito. He looks like he’s hiding something but she just ignored it and let him talk.
“Sir Jairus is doing good. Active pa rin po siya sa sports pero hindi naman po napapabayaan ang academics niya. He’s still with Sir Nash, Sir Paul and Sir Francis.”
Tinitigan niya ito ng mabuti. Maingat at piling-pili ang mga salitang ginagamit nito. “What about him and Ella? Are they dating?”
“Y-Yes.”
Tumayo siya para kumuha ng kape sa coffee maker malapit sa table niya. “Stop telling me lies Dalton. They don’t look okay a while ago. Ano ang nangyayari sa kanila ni Jairus? At ano ang pinagkakaabalahan ni Jairus sa JSA bukod sa sports at studies? Don’t push your luck on me Dalton.”
“Actually, may kaunti po tayong problema.” Inilapag na ni Dalton sa mesa niya ang isang brown envelope. She doesn’t need to open it to know what’s inside. Dinampot niya iyon at inaamin niyang nagulat siya sa mga nakitang larawan. “Sharlene San Pedro. Sophomore student at scholar ng JSA. She’s a badminton varsity player. And…according to my research she works in a milk tea shop owned by Marco Gumabao, Jane’s ex-boyfriend.”
Nag-iinit ang ulo niya sa nakikita at naririnig. “Paanong nangyari na naka-singit ang babaeng ito kanila Jairus at Ella! Sinabi ko nang bantayan mo sila!”
“Ayaw pong sumunod ni Sir Jairus, looks like he’s fallen for her.”
“Fallen for her?” pinunit niya ang mga litrato at inihagis iyon sa basurahan. “That girl is a gold-digger. Mayaman si Jairus kaya siya lumalapit, pero hindi ako papayag na mapupunta lang sa babaeng ‘yan ang lahat ng pinaghihirapan ko para sa anak ko. She’ll leave Jairus or she’ll suffer.”
“Pero mahihirapan na po tayong paghiwalayin sila.”
She looked at him with anger in his eyes. “At bakit mahihirapan tayong paghiwalayin sila?! Hampas-lupa lang ang babaeng ‘yan. Nasisiguro kong may katapat din ‘yan na pera.”
“Girlfriend na po siya ni young master.” Mahinahon pa rin nitong sagot sa kanya.
“Looks like that gold-digger knows how to play her cards. Puwes, hinding-hindi ako magpapatalo. Hindi ako makakapayag na may makapasok na hampas-lupa sa pamilya ko.” Lalayuan ng babaeng iyon ang anak niya o gagawin niyang impiyerno ang buhay nito. “Nagawa ko na kay Marco, I won’t mind doing it again to Sharlene.”
Hinding-hindi siya makakapayag na masisira ang expansion ng empire nila nang dahil lang sa isang babae. Kailangan niya ang impluwensiya at kayamanan ng pamilya ni Ella, at wala siyang panahon para sa pag-i-pag-ibig na sinasabi ni Dalton.
<BJ’s POV>
“Labas!” sigaw niya sa katulong na pumasok sa kuwarto niya para ihatid ang hapunan.
Paano siya ngayon makaka-kain kung nakikita niya si Jairus na masaya? Bullsh*t! Paanong hindi gumana ang plano ko sa kanila ni Sharlene!Oo, nakaramdam ng lungkot at sakit si Jairus pero panandalian lang ‘yon. Nagulat siya sa ginawa nitong pakikipag-ayos kay Sharlene ng gano’n-gano’n lang. Mukhang totoo na nga ang nararamdaman nito kay Sharlene. Pero hindi doon matatapos ang lahat, hindi siya nag-plano ng sobrang tagal para lang sumuko.
Kung hindi pwedeng saktan ito ng basta lang pag-selosin, edi gagamit siya ng puwersa para saktan ito ng pisikal.
A kidnapping scene sounds good. Drama at action in one. Mukhang magiging masaya ‘to.
Tinawagan na niya si Andrei, kaibigan din nila ito ni Derrick kaya nasisiguro niyang matutulungan siya nito. Isa pa, matagal na rin itong nangangati na patumbahin si Jairus Aquino.
“Hello, bro. Kumusta?” bungad ni Andrei nang sagutin ang tawag.
“Ayos naman. Can I ask you a favor, this is about Derrick. And also Jairus Aquino.”
“Yes. Anything, alam mo naman na kampi ako sa’yo.” Sabi ni Andrei sa mas seryosong tono.
Napa-ngiti siya. Another ally that he can use against Jairus. Nasisiguro niya na sa oras na mabugbog na si Jairus at masaktan na ito sa mismong mga kamay niya ay magiging masaya na si Derrick. Maipaghihiganti na niya ito. Who knows? Baka sa coma din ang bagsak nito kung nagkataon.
He can’t really wait to see Jairus’ blood spilled on the floor.
“Okay Bro, nakuha ko na.” sagot nito at tinapos ang tawag.
“I can’t take this anymore, BJ. Hindi ko alam na aabot ka sa puntong halos gusto mo nang pumatay para lang makapaghiganti.”
Napalingon siya kay Mika na nasa pintuan pala. Kanina pa siguro ito nakikinig sa pinag-uusapan nila ni Andrei. Well, nasisiguro niyang hindi naman ito magsusumbong sa kung ano mang narinig nito, takot lang nito sa kanya. Isa pa, hindi siya mangingiming saktan din ito gaya ng panggigigil niyang saktan si Jairus.
“Huwag kang makekealam kung mahal mo pa ang mommy mo.” Ang pamilya niya ang tumutustos sa pagda-dialysis nito, maging ang pag-aaral nito sa JSA at ang pang-araw araw na gastusin.
“Sana bumalik ka na sa dati Bj.” Nagsimulang umiyak si Mika sa harapan niya. “Nami-miss ko na ang pinsan ko na sobrang bait sa’kin noon. Ano bang nangyari sa’yo Bj?” pagkatapos ay lumabas din ito kaagad.
Hindi na lang basta galit ang nararamdaman niya kay Jairus ngayon kundi pagkamuhi. Hindi na lang dahil kay Derrick ang lahat kundi dahil sa inggit na lumalamon sa buong kalooban niya. Bakit masaya si Jairus? Bakit may nagmamahal dito ngayon? Bakit marami itong kaibigan?
Tulad niya mag-isa lang ito noon at walang kasama, pero bakit ngayon siya na lang ang naiwan sa kadiliman na kapwa nila pinanggalingan? Kasalanan nito kung bakit siya ngayon napupuno ng galit.
Ito ang may kasalanan sa pagkawala ng nag-iisang taong kasa-kasama niya.
Kaya ngayon na malungkot siya at nag-iisa, hihilahin niya si Jairus sa impiyernong nararanasan niya.
------------------------------------------------------------------------->>>>>>>>>>>>>>>>>>>
A/N: Punong-puno ng badvibes ang chapter na to haha
PS: Always remember na fiction lang 'to, wala akong intensiyon na bigyan ng mga haters si Bj Forbes (ang batang pinaghanguan ni Bj sa story na 'to, remember Tolits? siya yun.. cute din 'yan hehehe ) kaya si BJ sa story lang ang ayawan natin, pero mahalin natin yung Bj(tolits) sa totoong buhay :)) LOVE.LOVE.LOVE lang :))