“Paano ba ‘yan Jai, hindi pa daw tayo pwede sabi ni papa.” Nangingiti niyang sabi kay Jairus.
Inihatid siya nito kanina pauwi para ipaalam ang tungkol sa pagsagot niya dito, pero dahil nga bata pa sila pareho ay hindi muna pumayag ang papa niya na maging sila. Sabi nito ay hintayin siya ni Jairus mag-18 bago sila nito payagan. Hindi naman daw ito tutol sa kanila ni Jairus, gusto lang nito na tumutok muna sila sa pag-aaral dahil kung nagmamahalan daw talaga silang dalawa ay makakaya nilang maghintay.
She accepted her dad’s decision, but Jairus looks a little bit disappointed.
“Well, the ‘girlfriend-boyfriend’ thing is just a label. Ang mahalaga naman sa’kin mahal natin ang isa’t-isa.” Hinawakan nito ang kamay niya at marahan iyong pinisil. “Bilisan mo nang lumaki.”
Natawa siya sa sinabi nito. “Napipilit ba ‘yon?”
“I just can’t stand another day knowing that you’re not mine.”
“Sabi mo nga, label lang ang wala tayo pero mahal natin ang isa’t-isa.” She pinched his cheeks. “Sa’yo na nga ang puso ko eh. Boom!”
Now it’s his turn to laugh. “You’re really cute.”
Masaya siya ngayon na kasama ito. How she dreamed for this day. Ang marinig mula dito na mahal siya nito, ang makita itong masaya at makasama ito ng hindi iniisip na baka iba naman ang nilalaman ng puso nito. Marami siyang pinagdaanan para lang makasama ito ngayon pero worth it naman dahil si Jairus ang premyo. Kaya lang hindi siya maging lubusang masaya, inaalala niya pa rin si Mika. Isa pa, hindi pa nalulutas ang tungkol sa mga pictures noong birthday ni BJ. Yes those were paparazzi shots but who sent those pictures to Jai? Ano naman ang alam ng mga paparazzi tungkol sa kanila ni Jairus noong mga panahong iyon? At ano naman ang mapapala ng mga iyon kung ipapadala ang mga litrato kay Jairus?
Hindi niya mapigilang hindi mag-alala. Naalala niya noon ang tungkol sa mga taong gustong manakit kay Jairus at aminin man niya o hindi ay sa kanya naka-depende si Jairus ngayon. Siya ang kasa-kasama nito kaya maaari siyang magamit ng mga taong iyon para saktan si Jairus.
“Jai, maalala ko lang, nagsabi na ba sa’yo si Bogs kung sino ang nag-utos sa kanya noon?”
Naging seryoso ang anyo ni Jairus, gaya ng anyo nito noong nasa penthouse sila nito at ikinukuwento ang natuklasan tungkol kay Bogs.
“No.”
“’No’? Pero bakit hinahayaan mo pa rin siyang dumikit-dikit sa’yo kung hindi naman pala niya sinabi sa’yo kung sino?”
Nagkibit-balikat ito. “Matagal ko nang kasama si Bogs at nagtitiwala ako sa kanya, nagkamali siya pero humingi din siya ng tawad kaya pinatawad ko. Sinabi din sa’kin ni Bogs na binantaan siya ng taong ‘yon kaya hindi ko na pinilit. Alam ko namang mahuhuli ko din kung sino man ang taong ‘yon.”
Parang nanibago siya sa Jairus na nasa harapan niya. O baka naman ito talaga ang totoong Jairus na nagtatago sa matapang at basag-ulong leader ng F4. She loves him more now that he’s showing her who he really is. Masaya siya na ito ang pinili ng puso niya na mahalin. Alam niyang hindi siya magagawang saktan nito.
“Sorry.”
Napakunot-noo si Jairus. “Sorry for what?”
“Sorry dahil inisip kong masama kang tao.”
He smiles sadly. “Hindi naman mali ang iniisip mo Sharlene, masama nga akong tao. Don’t worry, one of these days I’ll tell you everything I did before we met.”