Pagkatapos ng lahat ng nalaman niya kagabi mula sa batang naka-usap niya, nakapagdesisyon na si Sharlene na puntahan si Jairus sa JSA para tuluyan na silang makapag-usap. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.
Napahinto siya sa paglalakad nang maka-salubong niya si Ella na palabas ng main building ng JSA.
“Sharlene, what are you doing here?” tanong nito sa kanya na halatang hindi nito gusto na makita siya na nandoon.
“Kakausapin ko lang si Jairus.” wala namang rason para mag-sinungaling siya dito. Technically, she’s not Jairus’ fiancée anymore.
“Bakit Sharlene? Dahil ba na-realize mong mas mayaman si Jairus kaysa kay Francis? Na mas marami kang makukuha sa kanya? ” sabi nito na mas halata na ang iritasyon sa boses.
Kinuyom niya ang kamay para pigilan ang sarili na magalit dito. Hinga, Sharlene. Hinga. Lalagpasan na lang sana niya ito para hindi na makagawa ng malaking gulo sa school na ‘yon pero pinigilan siya nito at hinila siya sa braso.
“Don’t turn your back on me, I’m still talking to you.”
“Ella, ayaw ko ng gulo.”
Ngumisi ito sa kanya. “Ayaw mo ng gulo? Then get the hell out of here!”
Hindi niya maintindihan ang pinanggagalingan ng galit nito. Hindi naman ganito si Ella noon sa kanya o hindi lang niya nahalata noon? Matindi ang pagpi-pigil niya sa sarili na patulan ito dahil mahalaga pa rin ito para kay Francis. Hindi niya magagawang saktan si Ella dahil parang sinaktan niya lang ulit si Francis.
“Sorry pero kailangan kong kausapin si Jairus.”
Tatalikod na sana siya ulit nang bigla na naman itong nagsalita. “Ang galing din nitong strategy mo, Sharlene. Noon si Jairus, tapos nakipag-relasyon ka din kay Francis, tapos noong maghiwalay kayo naghahabol ka na naman ulit kay Jairus.” pumapalakpak pa ito sa kanya. “Magaling! Tama si Tita Jean, oportunista ka nga.”
Hindi niya na kayang pigilan pa ang sarili. Lumapit siya dito saka niya pinadapo ang palad niya sa pisngi nito. Napa-hawak si Ella sa pisngi habang halata sa mukha nito ang gulat sa ginawa niya.
“Sharlene!” biglang sumulpot mula sa likod niya si Jairus. Lumapit ito kay Ella at inakbayan ito. Tumingin ito sa kanya. “Why did you do that? Bakit ka nananakit!” galit na sigaw nito sa kanya.
Hindi niya alam kung dahil din sa galit o sa sakit ng mga salitang binitawan ni Ella o dahil sa nakikita niyang pag-protekta ni Jairus dito kaya siya ngayon umiiyak. Mabilis niyang pinunasan ang mga luha niyang tuloy-tuloy sa pagbagsak gamit ang kamay.
Nag-iwas na lang siya ng tingin sa mga ito. Hangga’t nakikita niya na si Ella ang yakap-yakap ni Jairus lalo lang siyang nasasaktan.
Naglakad na lang siya paalis doon. Nagmumukha lang siyang kawawa doon. Nagmumukha lang siyang guilty sa harapan ni Jairus.
“Sharlene, hindi ka man lang ba magso-sorry!” sigaw ni Jairus na nakapagpa-hinto sa kanya. “Kahit na ano pang dahilan, mali na manakit ka ng tao.”
Hinarap niya ito. Hindi siya ang nasaktan Jairus! Ako ang sinaktan niya!Pero hindi niya maisa-tinig ang mga iyon. Masakit na kasi ang lalamunan niya sa pagpi-pigil ng luha.
“Pero ano pa nga bang aasahan ko sa’yo ‘di ba? Diyan ka nga pala magaling. Ang manakit ng damdamin ng iba.”
Humugot siya ng malalim na hininga para pigilan ang sarili. Para pahabain ang pisi, kung mayroon pa, niya. Ayaw niya ng ganitong komprontasyon at sa ganoong sitwasyon pa. Hindi niya kaya, baka hindi niya pa mapigilan ang sarili.