“Sino ka para suntukin ako ha?!” sigaw ni Francis sa kanya nang makabawi sa pagka-gulat.
Tumayo ito at dahan-dahang naglakad papunta sa kanya. Nangati na naman ang kamay niya na suntukin ito, isipin pa lang niya ang lahat ng ginawa nito sa kanya at kay Bj.
Siya na mismo ang lumapit kay Francis saka pinaliparan na naman ito ng sapak. Bumulagta ulit ito sa sahig.
“I said stop!”
“Wala kang sinasabi.” She said, pissing him.
Hindi niya mapigilan ang sarili. Sobrang inis siya dito na gustong-gusto niya itong sapakin ng paulit-ulit.
“Tumigil ka na, hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo.”
“Sinabi ko bang matuwa ka?” She can’t help but cry. Kanina niya pa iyon pinipigilan pero sa sobrang tindi ng emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na iyon, ay kailangan niya na talagang umiyak. “At akala mo ba nakakatuwa din ang ginawa mo sa’kin at sa kaibigan ko? kung nandito ka ngayon para siguruhin na aalis na ako ng JSA pwes, sorry kung madi-disappoint ka pero hindi ako aalis.”
Dahan-dahan itong tumayo pero hindi na nito sinubukang lumapit ulit sa kanya. Nakaka-inis ang pananahimik nito. Pakiramdam tuloy niya ay hindi ito nakikinig sa mga sinasabi niya.
“Kung may ayaw kayo sa mga ginagawa o sinasabi namin pwede niyo namang sabihin eh. Nakakaintindi naman kami ng salita. Hindi niyo na kailangan mam-bully. Hindi kasi dahil sa mayaman kayo eh may lisensiya na kayong manakit ng mga tao.”
Still, Francis is just staring at her. He’s not saying anything but his face softens now. Mukha nga itong anghel gaya ng sinabi ng lalaki sa rooftop. Hindi mo iisiping kaya nitong magpabugbog ng dalawang sophomore students na walang kalaban-laban.
“Kasalanan mo naman eh.” Sabi nito pagkatapos ng matagal na pag-tahimik.
Nanggigil na naman siya. Hindi niya na naman mapigilan ang sarili kaya mabilis niyang hinakbang ito saka sinapak ulit. And again, Francis drops on the tiled floor with his lower lip slightly bleeding.
“Kasalanan ko pa ngayon ha! Ako ba ang nag-utos sa mga poncio pilatong iyon na bugbugin ang sarili ko at ang kaibigan ko?!” she sighs in frustration. “Puwede ba! Huwag mo akong hinihiritan ng mga walang kuwenta mong paliwanag dahil wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi suntukin ka.”
Naka-tingin lang ito sa kanya habang nagsasalita siya. Wala itong ibang reaksiyon.
Napayuko ito, he looks really pained and hopeless.
Doon siya parang sinipa ng guilt sa katawan. Oo nasaktan siya nito pero mali naman yata na gumanti siya sa gano’ng paraan.
She can’t be happy when she knows that someone is hurt. Hindi iyon ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya.
Naramdaman niyang nagulat si Francis nang alalayan niya itong tumayo saka inupo sa upuan sa labas ng clinic.
“Don’t do this.” Francis says in a low and weak voice.
Medyo O.A. din ito dahil suntok lang naman ang inabot sa kanya nito. Hindi naman niya ito tinorture.
Is my punch that powerful?
“Hindi naman ako kagaya mo na nabubuhay lang para manakit ng tao. May puso naman ako.” Sabi niya saka pumasok ng clinic para manghingi ng bulak at alcohol at manghiram ng ice pack.