CHAPTER 18

6.2K 101 5
                                    

“Sharlene, salamat sa pakikinig. Alam kong pagod na pagod ka na sa ma-drama kong buhay.” Sabi ni Bj nang makarating na sila sa kanila.

Bakit iba ang pakiramdam niya dito? Pakiramdam niya tuloy ay ang sama-sama niyang tao para paghinalaan si Bj na naging mabuti naman sa kanya. Mali nga sigurong pag-isipan niya ng masama ito nang hindi naman niya sinisigurado ang hinala.

But Bj has all the reasons to be mad at Jairus and to hurt him. Makita pa lang niya ang galit sa mga mata nito tuwing nakikita si Jairus ay nakakaramdam na siya na malalim ang pinang-galingan no’n. Pero kada naman maghihinala siya dito ay ipinapakita at ipinapaalala nito sa kanya ang mga dahilan kung bakit nangda-dalawang isip siya na ito nga ang gustong manakit kay Jairus.

She hugged Bj. “Basta kapag may problema ka sasabihin mo sa’kin ha?”

He stiffened. He might be surprised with her gesture. “Salamat.”

Humiwalay na siya dito. “Bj…”

Tumingin ito sa mga mata niya.

“H-Hindi mo naman kayang manakit ‘di ba?” tanong niya. Masyado na siyang naghihinala dito at pakiramdam niya ay nagiging unfair siya dito.

He have been so good to her since the first day they met and yet she’s entertaining bad thoughts about him.

Bj smiles and pinched her nose. “Of course, not.”

Ngumiti na rin siya. Galing na mismo kay Bj iyon at alam niyang totoo iyon dahil nararamdaman niya. Dapat ngayon ay burahin na niya ang mga paghihinala dito.

“Goodnight Sharlene, mauna na ako.” Paalam nito sa kanya saka naglakad palayo.  Pinagmasdan niya ito habang papalayo ito ng papalayo sa kanya, malungkot si Bj. Pakiramdam siguro nito na mag-isa na lang ito dahil wala na ang kaibigan niya.

Ipinapangako niya sa sarili niya na hinding-hindi niya iiwang mag-isa si Bj, sila ni Mika, sasamahan nila ito hanggang sa mawala na ang lungkot sa mga mata nito.

“Enjoying the view?”

Muntik na siyang mapatili nang marinig ang boses na iyon. Parang ayaw niya pa ngang pumihit patalikod para makita at makumpirma ng hinala dahil umaasa pa rin siya na hindi nga ang taong nasa isip niya ang nagsalita.

Patay na naman ako.

“You’re not going to look at me? I’m a much better view than him you know.” Sabi ni Jairus saka siya pinihit patalikod.

Ngayon niya naramdaman iyong parang gusto niya na lang lamunin ng lupa kesa harapin si Jairus. Hindi niya alam kung bakit siya nahihiya dito.

“J-Jairus…”

She could see the side of his lips lift. “I’m glad you still know me.”

She rolled her eyes on him. Bakit ba siya nahihiya sa lalaking ‘to na punong-puno yata ng pang-asar sa katawan. Why is he acting that way?

She gathered her thoughts and calms herself. “Bakit nandito ka?”

“Bumibisita.” Matipid nitong sagot.

“Alam mo namang nasa milk tea shop ako ‘di ba?”

Hinubad nito ang suot suot na varsity jacket saka isinuot iyon sa kanya. “Hindi naman ikaw ang binisita ko eh, parents mo.”

Kulang ang salitang gulat para i-describe ang nararamdamdaman niya ng mga oras na iyon. Bakit naman nito bibisitahin ang mga magulang niya?

“Bakit mo sila binibisita? Wala naman silang sakit.” Naging mas mataas ang tono niya. ngayon, hindi na niya alam kung anong iniisip ng mga magulang niya nang dahil kay Jairus.

Brat Boys Beyond (JaiLene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon