HALOS hilain ako ni mommy pabalik sa loob ng bahay nang makita niya akong lalabas na naman sana.
"Saan ka na naman pupunta, Alessandra?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Uh oh. Tinawag niya akong Alessandra. Kapag ganoon ang tawag niya sa akin ay alam kong namumuro na ako sa kaniya.
Ngumuso ako at nagkamot ng batok. I chuckled a little bit and gave her a nervous chuckle. "Ano. . . diyan lang naman sa may garden, Mommy, grabe ka! Magpapahangin lang naman po ako." Lumapit na akong tuluyan sa kaniya. Hinampas ko nang marahan ang braso niya na tila ba nagbibiro ako. "Nakakasawa nang ibalandra ang mukha ko sa public places, Mommy."
Inirapan niya ako kaya mas lalo akong natawa. She glared at me when she heard me giggling. "Magpapahangin? Pulmunya abot mo. Gabi na!"
Natawa ako dahil doon. "Namiss mo lang siguro ako, Mommy, ano? Ang sweet mo naman po."
"Umayos ka, Alex, ha. You're being playful again," saad niya sa akin.
Ngumuso na lang ako at niyakap siya sa bewang. "Okay, kay daddy Theo na lang ako pupunta, Mommy. Pwede ba?" paglalambing ko sa kaniya.
Doon naman talaga ang punta ko. Hindi naman na bago iyon sa kanila, pero lately kasi, pakiramdam ko ay nakakaramdam din sila mommy na may kakaiba sa akin kaya nag-iingat ako.
"Huwag mo istorbohin ang daddy Theo mo," saad niya sa akin at nakita ko ang pagngisi niya na tila may may binabalak siya.
Uh oh. Pakiramdam ko ay hindi ako matutuwa sa sinabi ni mommy. Bigla akong kinabahan pero hindi ko iyon ipinakita sa kaniya. My heart was beating too fast, but it was not the type of heartbeat that could make me smile. Ibang-iba ang nararamdaman ko ngayon.
May hinala na ako pero ayaw ko naman na mag-assume kaagad.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Tinignan ko sa mata ang aking ina at nakita ko ang pag-angat ng kilay niya. Pagkatapos ay pagngisi niya sa akin.
"May date iyon," saad niya sa akin na tila ba natutuwa. "Kay Rory," dagdag niya sa sinasabi niya sa akin.
I sighed. Tama nga ako. Nag-set up na naman si mommy ng date para kay Theo.
Hindi naman ito ang unang beses na ginawa niya iyon, pero pakiramdam ko ay may masakit sa dibdib ko ngayon.
I just sighed and nodded my head. "O-Okay po, Mommy," mahinang saad ko at aamba na sanang aalis na sana at papasok sa kwarto ko nang hawakan niya ang kamay ko.
"Hindi ka na magpapahangin? Binibiro lang kita na hindi pwedeng lumabas," saad niya sa akin.
Nawalan ako ng gana dahil sa nalaman ko. Isa pa ay wala rin naman pala akong mapupuntahan.
Hindi rin nagrereply si Theo sa akin kaya hindi ko alam kung nakikipag-date na ba iyon o busy o nasa bahay lamang niya.
"Hindi na po, may gagawin pa po pala ako, Mommy," sagot ko sa aking ina at ngumiti. Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. "Ikaw naman, Mommy. Huwag ka pong kabado na hindi ako lalabas, gusto mo mag-bar na lang ako?"
Binatukan niya ako kaya nagpakawala ako ng isang tawa. "Magtigil ka. Sige na, umakyat ka na nga!" sita niya sa akin.
Wala sa loob na umakyat ako papunta sa kwarto ko. I sighed when I entered my room, feeling listless. Nawalan ako ng gana.
Tinitignan ko ang cellphone ko at wala man lang akong nakuha na mensahe mula kay Theo.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko naman pwedeng pairalin ang selos ko ngayon. Kilala ko si Theo, hindi siya magloloko. He gave me too much assurance about his love for me.
BINABASA MO ANG
Lost Without You
Любовные романыAlessandra Xander Sebastian's heart has been beating for Theodore Caleb Zaguirre since she was a child. He was her savior, her light, and she spent her whole life with him by her side. Without him, life isn't complete. So she showed him love and did...