Chapter 39: One Cautionary tale

10 3 0
                                    


Papunta ako ngayon sa office ni miss... sinabi kasi ni Lore na pinapatawag ako ni miss. Hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil aalis na ko dito.


'Wahhhh 5 days nalang ako mamalagi dito and pagising ko this was all a dream'



"Haahhh!!" bumuga ako ng hangin at saka binuksan ang elevator.


Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil medyo kinakabahan ako... I don't know why

"Kalma lang Piedle... maybe ireremind ka lang ni miss Lurtina about sa pag-alis mo.... Kalma lang okayy" I said tapping my chest slowly



Bigalang tumunod yung elebator kaya napaangat ako. Dahan-dahang bumubukas ito at gulat ako ng makita kung sino ang nasa look.


"O-Oster" kabang saad ko. Hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko


"You're not getting in?"


"A-ah oo" tarantang saad ko saka dali-daling pumasok.


"What floor?"


"Huh?? a-h  4th"


"Okay" he said then clinick yung 4.


Wala naman ni-isa samin ang gustong mag salita.

'Gumising ka nga Piedle.... Bat ka ba kinakabahan? Si Oster lang yan'



Speaking of... ngayon ko nalang sya nakita. San ba to nagsususuot at ngayon lang ito nagparamdam. Although nakaksama daw ni Raven ito pero saakin ngayon lang kami muling nagkita.


"E-ehem" parang may bumara sa lalamunan ko. Naramdaman ko naman lumingon sya sakin

'bakit parang iba ang awra ni Oster ngayon or maybe nanibago lang ako'



TING!

Hahakbang na sana ako para lumabas ng biglang may humawak sa braso ko. Dali-dali nya akong hinatak papasok at kaagad na sinara ang elevator.


"What are you doing?" gulong tanong ko. Hindi naman sya sumagot bagkus ay pinindot hito ang highest floor


"O-Oster!" sigaw ko sa pangalan nya. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko


"I need to talk to you"


"Tungkol saan?" kinabahang tanong ko


"Not here" then bigla syang tumingin sa taas at kita kong tinignan nya ang cctv

'ano naman kayang sasabihin nya?'

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon