Chapter 12 : A Help

35 5 0
                                    



"Hey Piedle! Sorry ulit, mukhang hindi nanaman ata kita masasamahan ngayon. Hindi pa kasi natatapos yung pinapagawa sakin ni miss. Sorry, bawi ako next time" ani ni Raven ng makasalubong ko sa hallway ng building. Magpapasama sana ulit ako sa kanya para pumunta sa ibaba kaso mukhang busy sya. 





Napabuntong hininga naman ako at saka ngumiti sa kanya.  "It's okay, I understand" 




"Sorry talaga" pansin ko naman na medyo nagmamadali sya. I mean halata nga sa mukha nya na andami nyang ginagawa. Bigla naman akong na konsensya, kaya umiling ulit ako sa kanya at saka tumugon na okay lang talaga.




"Raven!" napalingon kaming dalawa sa tumawag sa kanya at nakita namin si Fulton ata yun, isa sa mga kasamahan nya. Mablis naman ito lumapit saamin. Napansin ko naman na parang nagmamadali sya at mukhang kanina pa nya hinahanap si Raven.





"Kanina pa kita hinahanap, pinapatawag ka ni miss Lurtina sa office" mabilis nyang wika habang medyo hiningal pa ng konti.





"Sige na baka pagalitan ka pa" taboy ko sa kanya then nginitian sya ng malapad.





"S-sige. Una na ko. Sorry ulit." paalam nya. Tumango naman ako sa kanya at pinagmasdan silang mabilis na tumakbo palabas. Nang mawala na sila sa paningin ko ay  wala sa wisyong naibagsak ko ang dalawang balikat ko. Mayron nalang akong dalawang araw para mahanap sila, pano kaya to?  "Hayyy" out of nowhere na bulong ko kasabay ng pag hinga. Mahahanap ko ba sila? Agad naman akong napailing at kinumbinsi ang sarili ko na magisip ng positibo. 



Naisipan ko naman lumabas ng building dahil parang nakakaramdam ako ng pagkabagot kung mananatili lang ako sa room ko. May sumagi naman sa isipan ko na ideya. . . isang masamang ideya kaya agad ko itong binura sa isipan ko. May part kasi sakin na nagsasabi na pumunta ulit ng mag-isa. Ang lakas kasi ng feeling ko na parang mahahanap ko na sila. Kaso, naalala ko nanaman yung pangyayari nung isang araw. Nung time na nakita ako ni Oster at nung kasamahan nya. Warning na siguro yun kaya umiling-iling nalang ako sa mga pumapasok sa isipan ko.  



Bagsak ang aking mga balikat habang tinatahak ang labasan. Gusto ko sana lumabas at maghanap kaso wala naman makakasama sakin. Busy kasi si Raven, so wala na akong ibang mahihingan ng tulong. 




Paglabas ko, napataas naman ako ng kamay para takpan ang mga mata ko. Tirik na tirik kasi yung araw. Nagmadali naman akong tumungo sa park. Siguro doon nalang ako magpapalipas ng oras. Tsaka doon ko nalang hintayin si Jess, since nabanggit nya na around 3 matatapos yung hearing nya. 

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon