Chapter 34 : It's not a dream

12 3 0
                                    


 TING!


Gulat ako ng bumukas ang elevator, hindi ito yung building ng room bagkus ay papunta ito sa office ni miss.


"Haysss" dali-dali kong pinindot ulit ang number 1 . . . ngunit bago paman ito tuluyang magsara nahagip ng tingin ko yung mga naka unipormeng lalaki na papaunta sa office ni miss.


"Oh?" pinindot ko ulit yung open at dahan-dahan itong nagbukas ulit


Nagdadalawang isip ako kung susundan ko ba ang mga ito o hindi pero sabagay bakit ko ba ulit yun inopen.


Tumingin ako sa kaliwa ko at sinilip ang pathway na yun... mabuti nalang at walang tao kaya binaling ko nalang sa mga nakauniporme yung tingin ko.


Dali-dali kong sinundan ito at kita kong lumiko ito kaya patakbo akong sumunod. Sumilip muna ako ng kaunti bago tuluyang maglakad. Nang makita ko ang mga itong binuksan ang malaking pintuan ng office ni miss ay dahan-dahan akong lumapit doon.

Lumingon-lingon ako sa paligid baka sakaling may makakita sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag ng wala akong makita.



Linapit ko yung ulo ko sa malaking pintuan nagbabakasakaling may marinig ako ngunit wala akong marinig na kahit ano. Siguro ay dahil makapal ang pintuan.


Hinawakan ko yung handle ng pinto at akmang bubuksan ng onti ng mapatigil ako.

'Ano bang ginagawa mo Piedle!' singhal ko sa isip ko 


"Oo nga bat ba ko dito nakikiusyuso? Bat ko ba sinundan yung mga naka unipor---" hindi ko naituloy ang sinasabi ko ng gulat na may kumabig ng pinto.


Biglang bumilis ang tibok ng puso at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Tatakbo ba ko o magtatago?  Sa biglaang pagkabig ng pinto ay naipikit ko nalang biga ang mga mata ko at hiniling na maging invisible.

'your doomed Piedle'



Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at gulat na napatitig sa kung sino ang nasa harap ko.

"Ah a-ano---" nauutal kong tinignan kung sino ang bumukas ng pinto at gulat ako ng makita si Oster.


Kita ko rin ang gulat sa mga mata nito at dali-dali syang lumabas at kinaladkad ako paaalis doon. Wala na kong ibang nagawa kundi magpakaladkad sa kanya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko sa sitwasyon na yun.


Nang makaliko kami ay binitawan na nya ako

"What do you think your doing?" mahina lang ang pagkakasaabi nya nun pero mahahalata mong medyo galit sya


"A-ah ano..." again I paused. Parang nauuubusan ako ng sasabihin... nauubusan ako ng palusot.


"What? Di mo ba alam na delikado ang ginagawa mo?"


"Ano k-kasi..." bigla ko naman napansin ang mga band aid sa mukha nya.

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon