Chapter 35: Balk at

9 2 0
                                    



"Haayyyy!" patuloy lang ang pag buntong hininga ko habang nakatitig sa kisame dito. 


Bigla akong napabangon sa pagkakahiga "Bakit? Ano ba meron doon at bawal ako"


Kanina kasi habang papunta ako ng dungeon ay may mga nagbabantay sa labas. Ng papasok sana ako ay pinigilan ako ng isang bantay ang sabi bawal daw pumasok.


"Bakit? Anong meron?" inis na humiga ulit ako sa sofa


Hindi ko rin nakita si Raven maging Oster doon.... Maliban nalang kaninang madaling araw.

Napahalukipkip nalang ako habang nagiisip ng kung ano.


Halos kalahating oras na ata akong nagmumukmok dito sa sofa ng maisipan kong lumabas. Nang bumukas yung pinto ng elevator ay kaagad na lumabas ako.


Naisip ko naman bigla sila dad at Dino. 'oo nga pala isang beses ko palang sila nakita... kamusta na kaya sila?'


Nag-alala naman ako ng bigla nang maalala si Dino 'baka binubully nanaman yun'




I took a deep sigh again "Haysss hindi ko naman makita sila Raven baka busy sila.... Ano ba kasing nangyayari sa loob ng dungeon?"





Hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang bench dito sa park. "Hmmm?" parang pamilyar yung nakahigang lalaki sa may kalayuan sakin.


"Si Oster ba yun?" bulong ko dahil sa suot neto. Ganyan rin ang suot nya kanina.

Bigla naman akong umiling ng maalala na maaring isa rin sa kasamahan nya. Halos parepareho kasi ang mga suot nila.



Hindi ko nalang pinansin ang nakahigang lalaki. Isinandig ko nalang ang likkod ko sa upuan.


Inilibot ko ang tingin ko ngunit napako naman ang tingin ko doon sa nakahigang lalaki. Actually mayroon itong libro na nakatakip sa mukha. Munkhang natutulog ata to.


Naisip ko naman na tignan kaso baka mabokya lang ako pero... parang sya nga. Tumindig nalang ako at akmang maglalakad papunta doon.



"Lampasan nalang natin kapag hindi sya yun"   kumbinsi ko sa sarili ko habang papalapit doon


Nagpaligoy-ligoy ako. Tingin doon... tingin dito... tingin sa kanya.... Pero habang lumalapit ako mukhang sya nga yun.


Huminto ako sa may paanan nya at tinignan iyon 'sabi na nga ba' ani ko sa isip


Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon