Chapter 3 : The Darter

99 7 0
                                    



 "Anong ginagawa ng postro dito?" sabi neto na ikinakunot ng noo ko. Ako ba kausap neto? Akmang aalis na ko doon at hindi sya papansinin ng bigla nya akong kinalabit sa braso.



"A-anong ginagawa mo?" nakakunot na tanong ko. 



"Paano ka nakapunta sa lugar na to?" tanong nya habang nakahawak sa braso ko. Mariin na tinanggal ko yun. Sino ba to? Kilala ba nya ko?



"Ano ba! Sino ka ba?" naiinis na tanong ko




"Halika, ibabalik kita sa lugar mo" kinalabit nya ulit ako at saka kinaladkad. Bigla naman ako pinagpawisan ng malamig. Bigla akong kinilabutan at natakot na baka kung saan nya ako dalhin. Isa pa hindi ko alam kung anong lugar to baka kung anong gawin nya sakin. Baka ma savage ako neto ng wala sa oras. 




Natatakot man ay hindi ko yun pinahalata at mariin syang binulyawan  "Ano ba! Bitawan mo nga ako!" pinilit kong alisin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero sadyang mahigpit iyon. Bigla naman bumilis ng napakabilis ang tibok ng puso ko. Doble-doble na ang kaba ko dahil sa maaring mangyari sakin. 




"Sino ka ba ha! San mo ko dadalhin?" pagmamatigas ko habang pinipigilan kong hindi magpa kaladkad sa kanya




"Wag kang maingay hindi kita sasaktan sumunod ka nalang" biglang nagtaasan lahat ng balahibo ko pati narin mga kalamnan ko sa sinabi nya. This time natanggal ko na rin ang pagkakahawak nya sa kamay ko kaya napalingon ito sakin.




"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" inis na sabi ko "San mo ba ko dadalhin!" Nagpalingon-lingon ito sa paligid nya at ng makasiguro na walang masyadong tao na umaaligid ay tumingin sya sakin. Binalot naman ako ng takot dahil napansin ko na kapag sumigaw ako ay mukhang walang makakarinig sakin. 




Pinilit kong nilakasan ang loob ko at mataimtim na hinarap sya.  "Hoy kuya, kahit pogi ka hindi ako sasama sayo noh, at tsaka anong lugar ba to ha? Bakit ako nandito? Monasai monasai na nalalaman, ano nasa future ba ko? Nasakop na ba tayo ng mga hapones kaya yung Manila naging Monasai----" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil bigla nyang tinakpan ang bibig ko



"mmm... mmm" pagpupumiglas ko. This time mukhang katapusan ko na ata.




"Wag ka sabing maingay e"  sabi neto at saka lumingon sa paligid. Patuloy lang ako sa pagpupumiglas para makatakas sa kanya. 

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon