Chapter 4 : Unfolding Truths

69 6 0
                                    



Naiwan kami dito sa park kasama yung lalaking kausap ko kanina. Umalis naman yung may kulay ash gray ang buhok. Wait ano nga pangalan nun? Trying to think his name pero hindi ko na maalala. Napabuntong hininga naman ako sabay libot ng aking mata sa paligid then observe. Kung titignan parang ang peace ng lugar, yung kapag tumira ka dito wala ka masyadong problemang iisipin. Maaliwalas sya at ang fresh ng hangin kumpara doon sa lugar namin. Doon magulo, madaming maiiingay, madaming pollution at higit sa lahat madaming problema. Napasandig naman ako sa upuan at napalingon sa katabi ko. He was busy with his phone. To be honest may weird akong feeling sakanya, I can't explain what exactly pero something was off about his presence. Hindi naman yung feeling na I'm in danger, something different.




"Do you have questions? Parang may gusto kang sabihin sakin" napaiwas naman agad ako ng tingin ng lumingon sya sakin. Bigla kong nahawakan yung braso ko kaya napatingin ako dito. Maliit lang ito na nakaukit, may limang malaking numero at isang letra at may maliit naman na numero sa gilid. It's like a clock dahil gumagalaw ito, nagbabawas to be exact. "P-03.363.25?" basa ko sa malaking letra at numerong nakasulat. "Anong ibig sabihin neto?" tanong ko rito at ipinakita yung mga nakasulat.




Kinuha naman nya yung braso ko "Yung letter P symbolize ng isang Postro at etong mga numeron to it's your days and years na pamamalagi dito. Yung maliit naman na numero na gumagalaw is the time, more like a countdown." Matapos nyang sabihin yun ay binitiwan naman nya agad.




"Ano nga ulit ibig sabihin ng Postro?"




"Postro ibig sabihin mga taong bumibisita dito sa Darter, katulad mo"




"Ahh so ito ang mga oras ng pamamalagi ko... ang tagal ko naman na maco-coma" reklamo ko naman




"Ganyan talaga buti nga sayo 4 years lang sa iba umaabot ng 10 up"




"10? 10 years!?" napapsigaw na tanong ko then tumango sya. "Shit! hindi ko kakayanin yun, 10 years its a huge waste of time. It's like you have wasted your teenage years kung maaga kang na coma."




"Bakit?"  he ask unknowingly na ikinakunot ng noo ko. Seriously?




"E kasi 10 years silang nakahiga, so imbis na yung oras at panahon na nakahiga sila doon e madami na dapat silang naexperience. Madami silang mami-miss na bagay kung comatose ka ng 10 years"

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon