Chapter 22 : Ensconce

25 5 0
                                    


"Raven"


"What?"


"Ravenn" banggit ko ulit sa pangalan nya. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Hindi ko rin matanto kung anong gagawin ko. Sa mga nangyayari ngayon hindi pa rumirihistro sa utak ko kung totoo ba tong nakikita ko or panaginip. 'Am I dreaming?' Asking my self the same question. If it is a dream please don't wake me up.


"W-what is it?" I took a glance at him at kita kong napaangat ito ng ulo. Mukhang nagtytype ata to sa cellphone nya.


"L-look..." nanginginig na saad ko


"I-is it him?" mabilis naman akong napatango sa tuwa. Tumakbo ako papunta sa bahay na yun at laking gulat ko sa numerong nakapaskil sa labas ng gate #572. Napahinto ako ng makita ang mga numerong nakasulat. Agad na napagtanto ko naman na ito yung numerong nakasulat doon sa dilaw na papel na nakadikit sa libro. So... so ibig sabihin para sakin yung note?? Napalingon ako kay Raven and he was looking at my dad. Napalingon naman sya sakin ng mapansin na nakatingin ako sa kanya.


"I-is that your dad?" ask Raven pero pansin kong nauutal ito. Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang telepono nya kaya mabilis syang nag pa excuse. 

Pumasok ako sa loob para lapitan si dad. Watching him again with his hobby makes me want to cry. And speaking of crying, heto mukhang namamasa na ang aking mukha. Napasinghot naman ako kaagad at pinunasan ang aking mukha. I draw a big smile at masayang pinagmasdan si dad. While watching him bigla naman akong inulanan ng napakadaming katanungan . I glance at Raven pero busy sya makipagusap sa kabilang linya. Kay Raven kaya galing yung note? I ask myself while watching Raven talking. Ngunit naalala ko naman yung expression ni Raven. I realize that hindi sa kanya galing yung note. Isa nanamang katanungan ang pumasok sa utak ko. Who put that note in the book? Bigla naman nahagip ng isipan ko ang pangalan ni Alagartha kaya napatakip ako ng bibig.  Is it possible na galing yun kay Alagartha? Honestly sya lang ang nakakaalam kung nasan si dad. He told me before, pero paano naman nakapunta yun sa room ko and why would he do that. Why would he help me?  I shook my head at pilit na isinantabi ang mga katanungan na yun. This is not the right time para isipin yun. 

Itinuon ko ang atensyon ko kay dad na masayang nagdidilig ng halaman. Bigla ko naman tuloy naalala ang mga panahon na yun. Dad is very fond of planting. Iba't ibang mga halaman ang tinatanim nya at nilalagay sa mga paso. Minsan maraming nagtatanong kung binebenta nya yun at may mga willing na bumili kaya pinagkitaan rin nya yun. Kaso hindi nagtagal nung may nagoffer sa kanyang magtrabaho sa isang companya ay minsan nalang nya naaalagaan ang kanyang halaman. That's why kapag wala si dad ako yung nagaalaga at nagdidilig non.

At sa nakikita ko ngayon mukhang mahilig parin sya sa halaman. I suddenly became curious about his life now. Kung okay ba sya ngayon, anong trabaho nya. I was curious about everything about him.



"Are you okay?" Raven suddenly ask


"H-ha?" naramdaman ko na parang basa ang mukha ko kaya natatawang pinunasan ito sabay singhot.


"H-aha of course... I'm just so glad na makita sya ulit"


"Mabuti at nakita na natin sya. I-I didn't know that your dad is handsome" Biglang natawa ako sa sinabi ni Raven. 

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon