Chapter 5 : The Unexpected

45 5 0
                                    


Gaya ng sabi nya ay iniwan nya ko sa room nila. Nagpaikot ikot ako sa kawarto nila. Maaliwalas ang lugar. Wala gaanong gamit nga lang, makikita mo agad ang sala, may mga limpak limpak rin na libro.


Kung titignan mo ay parang isang unit sa hotel. Pumunta ako sa bintana, window glass kasi ito at kita mo ang kabuuan ng lugar. Napahalukipkip ako habang nakatanaw sa mga naglalakad. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa lugar na, kung bakit nangyayari to sakin. Ang gulo pa ng mga nagyayari.


Napabuntong hininga nalang ako habang nagiisip. Maraming tumatakbo sa utak ko at karamihan ay hindi pa nasasagot. Naupo muna ako sa sala nila at kumuha ng libro. Since wala naman akong magawa at hindi pwedeng lumabas.




Mabilis tumakbo ang oras pero hindi pa sila dumadating. "Ang tagal naman nila?" bulong ko pagkasara ko ng librong hawak ko. Bigla naman kumalam ang tyan ko.




"Nagugutom na ko" nagtaka naman ako sa tinuran ko. Bakit ngayon lang ako nakaradam ng gutom




Napatingin ako sa wall clock nila at pasado 6 na ng gabi. Kaya naisipan kong tumayo at pumunta sa kusina nila pero wala akong nakitang kusina nila. Nagpaikot ikot ako pero wala talaga. May naramdaman naman akong tunog ng nagbubukas ng pinto kaya lumabas na ko sa kwartong pinasukan ko.




"Bakit ang tagal nyo?" tanong ko pagkalabas ng kwarto




"Anong ginagawa mo dyan?" si Raven



"Asan pala yung kusina nyo, hindi ko makita. Nagugutom na kasi ako, btw bakit ang tagal nyong dumating?" derideritsong tanong ko habang papalapit sa kanila. Nakita kong nagtinginan sila kaya napahinto ako.




"May pagkain ba kayo?" tanong ko kaya tumingin sila sakin



"Ahh oo nga pala ikalawang araw mo pala to haha" natatawang sabi ni Raven kaya napakunot ang noo ko pero hindi ko na yun pinansin.




"Mmm san yung kusina nyo?" tanong ko ulit at nagpalinga-linga sa paligid




"Walang kusina rito" malamig na sabi ni Oster kaya napalingon ako sa kanya.




"H-ha?"

Another World: Mundo ng DarterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon