ILWTV Part 1

11.5K 240 3
                                    

I'm Living with the Vampires 

By: KingYohannE

Part I

Wendy's POV

" 500 years ago naghari ang lagim, marami ang namatay at kasama na doon ang mga inosenteng mga tao. Dahil sa kahirapan napagdesisyonan ng mga tao na parusahan ang pamilya ng Hari dahil sa kahirapang dinala nila sa buong bansa. Ang Haring si Louis ay pinugutan ng ulo, ang anak nilang si Joseph ay namatay dahil sa sakit .

Samantalang ang Reynang si Josephina ay tumakas sa kanilang bansa kasama ang anak na si Charlotte  pero nahuli pa din at ibinalik sa bansa nila. Ikinulong ang mag ina sa magkaibang kulungan at doon pinahirapan.

Pagkatapos pugutan ng ulo si Louis sinunod namang pinatay si Charlotte makalipas ang 9 na buwan na pagpapahirap sa kanila ng ina niya ng mga sundalo at mamamayan ng kanilang bansa. Nakita ni Josephina kung paano pinatay ng mga sundalo ang anak niya. Sobrang tindi ng sakit na naramdaman ni Josephina sa pagkamatay ng kanyang anak.

Humantong sa matinding galit ang nararammdaman ni Josephina matapos niyang malaman na bago patayin ang anak niyang si Charlotte ay pinagsamantalahan muna ito ng mga sundalo at pagkatapos ay pinatay.

Dahil sa galit na nararamdaman niya habang nakakulong siya, Isang mangkukulam ang lumitaw sa kanyang kulungan at inalok siya ng isang kahilingan kapalit ang katawan o kaluluwa niya.

Hiniling ni Josephina na magkaroon ng buhay na walang hanggan kapalit ang katawan niya. Tinupad agad ito ng magkukulam at binigyan ng isang kapangyarihan si Josephina at ito ay ang pagiging bampira.

Nakatakas sa kulungan si Josephina at ginawang bampira ang ibang mga tao at pinatay nila ang mga sundalo pati na rin ang ibang mayayamang nagpahirap sa kanila.

Lumipas ang maraming panahon at nagigng masama ang reyna. Sinimulan niyang patayin ang mga inosenteng tao kahit wala itong kasalanan sa pagpapahirap sa kaniya noon.

Dahil doon maraming nagrebelde at nagpaalayo layo. 

Gusto nilang matalo ang reyna nila kaya naaghanap sila ng paraan pero walang nahanap.

Isang araw may inatake ang reyna na isang mangangaso at itong mangangaso na ito pala ay isang malakas na kayang makapatay ng bampira gamit lamang ang sariling lakas.

Muntik nangmamatay ang reyna dahil sa mga natamo nitong sugat .

Inabot ng mahabang panahon bago gumaling ang reyna at isang balita naman ang kumakalat sa buong lugar kung saan nakatira ang mga bampira.

Sabi ng isang matandang manghuhulang bampira, isang sanggol daw ang iapanganak at ito daw ang tatalo sa reyna.

Dahil dito, natakot ang reyna kaya nagtago ito sa isang lugar na walang nakakaalam kung saan ito.

Ang mga rebeldeng bampira naman ay nakipagkampihan sa mga mangngaso at nakipaglaban sa mga bampirang kakampi ng reyna.

Natalo ang grupo ng mangangaso pero nangonti naman ang mga bampirang nakalugar sa reyna."

" Bampira? Ano to ? twilight? abraham lincon:  vampire hunter? nako! as if naman na totoo 'tong mga bampira na to!" sabi ng kaibigan kong si Melody pagkatapos niyang basahin ang librong napulot ko kaninang madaling araw habang naglalakad ako papasok sa liblary

I'm living with the Vampires (ILWTV) [ Will be rewritten]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon