I'm Living with the vampires
by: KingYohannE
XXIX
Wendy's POV
O_O . . . Wait... I was 14 years old at that time... but why can't I remember it.....
Bakit hindi ko maalala ang mga nangyari noon!? Bakit hindi ko rin maalala kung anong itsura ng Papa ko??
->Napahawak ako sa ulo ko at pilit kong inaalala kung ano ba ang nangyari noon.
Naguguluhan ako .. Bakit wala akong maalala?!
-> Napatingin ako kay mama, Pinagpatuloy niya ang pagkikwento. Mukhang hindi niya napansin ang nangyayari saakin
" Auntie, Sa pagkakaalam ko, ang pangalang iyon ay pangalan ng Great Hunter " tanong ni kuya Dimitri
" yeah you're right. Alston is the Great Hunter, he's invisible , he's strong, everything .. pero namatay pa rin siya. Lahat ng nasa head quarters noong panahon na iyon ay namatay. Maraming abo ang nakita doon at nung i-check namin ang mga hidden camera na nilgay namin sa buong lugar. Lahat ng mga cd's na nakalagay doon ay nawawala. "
" Sino ba yung pumatay? " tanong ni Seth
" Mga Amaranth. Sa totoo lang nahirapan kaming malaman kung sino ang pumatay sa kanila dahil sa mga nawawalang mga cd, narecord doon ang pangyayari sa loob ng HQ. Buti nalang may isang naiwang CCTV camera na may card sa loob. kaso sa canteen yun nakalagay kaya kokonti lang ang nakita naming patayan. Lalong nagkagulo sa HQ nung dumating kami dahil ang espada ni Ardeshir ay natangay din.
Hindi namin alam kung ang nakakuha ba ay isang hunter o Bampira dahil wala saamin ang mga Cd. "
" ano yun? anong meron sa espadang iyon? " Tanong ni Ate Lithia
" yun lang ang nagiisang susi para mapatay natin ang reyna ng mga bampira.." seryong sabi ni Auntie Mercy
" Ma! Alam mo ang tungkol dito!? bakit hindi mo sinasbai saamin? " inis na sabi ni Kuya Dimitri.
Teka naguguluhan na ako.. Naghahalo-halo na ang mga pumapasok sa ulo ko. .. Parang pamilyar 'tong mga naririnig
" Hindi muna namin sinabi sainyo dahil gusto ni Sherry na siya ang magsabi sainyo. " sagot ni Auntie Mercy kay Kuya Dimitri
" Now.. Lets get back to to story...
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, mas naging aktibo sa pagpatay ang mga Amaranth. Hanggang ngayon, lahat ng mga nilalang dito sa ating lugar ay hinahanap ang espada. Ang kailangan natin ngayon ay maunahan ang iba. "
Biglang nagring ang telepono kaya natigil ang usapan. Tumayo ako para sagutin ito
" Hello~" wala sa wisyong sagot ko
" Hi, May I speak to Sherry? "
Boses lalaki..
-> Tinawag ko si mama tapos lumapit siya sakin at kinuha yung telepono. Tinitigan ko lang siya tapos naging seryoso yung mukha niya tapos binaba yung tawag.
" I'm heading out. Tsaka ko na itutuloy yung kwento ko. Meron lang emergency sa Head quarters. " sabi ni mama tapos umalis na sila ni Tito Zmue
BINABASA MO ANG
I'm living with the Vampires (ILWTV) [ Will be rewritten]
Fantasytungkol ang kwento nito sa mga Vampires , Magicians , Wizards , Werewolves etc. na makikisalamuha sa buhay ng ating bida na si Wendy.Tara at makigulo sa pagbabagong magaganap sa buhay ni Wendy.Sama- sama tayong kiligin at mainis sa istoryang ito. (...