CHAPTER 1

16 1 0
                                    

CELENA POV

"Ano dadalo ka sa reunion natin?"tanong sa akin ni Erika habang kumakain.

Aksidenteng nagkita kami ni Erika sa mall kaya dumeritso kaming McDo para kumain at mag chika matagal na kaming hindi nag hahang out dahil busy na din sa kanila kanilang buhay.

Di bale apat kaming mag be-bestfriend busy din hindi nag me-meet ang schedule namin kaya hindi na gaano kaming nagkikita puro Video Call lang.

"Hoy! ano a-attend ka ba?"tanong niya ulit.

Napaisip ako nawala sa isip ko yung reunion ha.

"Ayy ewan depende"sagot ko naman at uminom ng softdrink.

"Hay nako Engr.Samson ano bang pumipigil sayong pumunta pwede namang iwan mo muna yang trabaho mo isang araw lang kaya"sabi niya sa akin.

"Anong isang araw!sure ako mag ayaya kayo ng inoman hindi mawawala yon sinong papasok ng trabaho na may hangover"natatawang sabi ko naman.

"Edi huwag kang uminom easy ikaw talaga Celene brain ha brain"sabi niya sabay turo sa ulo niya na parang proud na proud.

"Suss ko Erika yang sinasabi mo wala yan kung nasa harapan na ang alak pipilitin mo talaga ako kahit na magtago ako hahanapin mo ako para makasali sa inoman"sabi ko naman.

"Kilala mo talaga ako no?"tawang sabi niya.

"Mas gusto kung makasama si lola sa oras na yon"sagot ko naman inaalala kung kamusta na ito.

"Malakas kaya si lola tsaka may personal nurse naman yon kaya nasa mabuting kalagayan si lola"pagkukumbinse niya sa akin.

"Dadalo ba yong dalawa?"tanong ko naman.

"Yon dalawa Oo naman tinanong ko sila isa-isa baka mag absent sila ng dalawang araw para sa reunion once lang kaya tayo magkita ng mga ka batch natin noon"sabi niya sabay pahid ng tissue sa mukha niya.

"Hala! nag absent para sa reunion tapos nong ako ag nag aya hindi maka absent hindi ko na sila bati"kunwaring naiinis kung sabi.

"Huwag kanang mag inarte Celene alam ko naman kung bakit nag dadalawang isip kang pumunta"taas baba ng kilay niyang sabi.

"You're talking nonsense Erika"pekeng tawa ko naman at uminom ulit.

Kinakabahan dahil baka ungkatin na naman yong nakaraan.

"Natatakot kang magkaharap kayo ulit o di kaya hihiya ka or hindi ka pa nakaka move on sa kayy Jeri-"putol na sabi niya dahil nilagyan ko ng fries ang bibig niya.

"Di ba nag usap na tayo ayaw ko nang marinig ang pangalan niya tsaka ako hindi naka move on ano siya suss wala na yon ekis na siya blacklisted ganon"kinakabang sagot ko naman hindi makatingin sa kanya ng maayos.

"Nako daming sinasabi guilty ka lang talaga sinong hindi mag iisip na hindi ka maka move on eh wala ka ngang jowa simula nong wala na kayo i mean wala naman kayong label that time hindi naman masasabi na ex yon"sabi niya naman sabay hawak sa baba niya na parang nag iisip at tumutawa

Naalala ko ang nangyari noon kinalibutan nalang ako sa mga nakakadiring ginawa ko sa mga panahon na yon.

"Masaya ka na?Tskk hindi naman basehan yon di ba pwedeng inuuna ko lang si lola kaysa dyan"depensa ko sa sarili ko.

"Sige na panalo ka na sabi mo eh"sabi niya sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko sa police.

Hindi na ako sumagot at kinuha nalang ang cellphone tinignan kung may message galing sa nurse ni lola.

Si Erika naman ng ce-cellphone din pero biglang napaubo pagkatapos niyang uminom at pinalapit ako.

"My ghad tignan mo!tignan mo!"tawag niya sa akin at pinaupo sa tabi niya. "Ito yong jowa ni ano ngayon parang 2 or 3 years na silang nong babae hindi naman natin ka batch yon"sabi niya sabay pakita sa akin ng picture.

Habang tinitignan ko ang picture ay napaisip ako na naka move on na talaga siya ako lang siguro tong hindi.

Hindi ko masabi sa kanila dahil nahihiya ako baka sabihin nilang marupok ako.

Napansin ni Erika ang pagtatahimik ko kaya kinuha na niya ang phone niya at kunwaring may tinitignan na text.

"Hala nag text na si Mama kailangan na ang pinapabili niya tsaka late na rin pala ang taas ng chika natin ha tara na Celene uwi na tayo"natutulirong sabi niya dahil natahimik ako.

Huminga ako ng malalim at tumayo.

"Tara"ngiting sabi ko naman na parang walang nangyari o nakita.

Pagkapasok ko sa apartment ko ay humiga ako kaagad sa sofa.

Pinikit ang mata ko dahil napagod ako sa araw nato.

Nang biglang naalala ko ang pinakita sa akin ni Erika.

"Wala talagang preno ang bibig ng isa na yon"sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na siya inisip pa man iniiwasan ko kaya binibusy ko ang sarili ko para hindi ko na maalala iyon.

Pero inungkat ni Erika.

"Hay nako"buntong hininga ko.

Tumayo na ako at kumuha ng tuwalya para mag halfbath.

Pagkatapos kung mag halfbath ay sinuot ko na ang bathrobe ko at ginawa ang skincare routine at nag toothbrush.

Pinapatuyo ko din ang buhok ko dahil nabasa ng kunti.

Ayaw ko kasing mabasa ang buhok ko pag natutulog.

Nagbihis na din ang ng pantulog at kinuha ang phone ko at humiga.

Nag open ako ng IG ko at scroll na nag scroll.

Nawala ang antok ko pagkatapos mag halfbath.

Biglang sumagi sa isip ko na e search ang IG ni Jericho.

I unfollow him wala naman akong rason para magpatuloy akong mag follow sa kanya tsaka pangalawa para wala na akong update sa nangyayari sa buhay niya.

And i saw his pictures mukhang masaya talaga siya successful nadin.

Napatigil ako.

Ano bang ginagawa mo Celene?!

Pinatay ko na ang phone ko at nilagay sa table na malapit sa bed ko at tinaklob ang sarili sa comforter.

"Si Erika talaga ang pakana nito hindi ko na sana na isip ang ganito kung hindi niya pinangunahan"sabi ko sarili ko.

At nagsisipa sa hangin dahil naiinis ako sa sarili ko because parang akong pathetic.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pag iisip.

_




















THE LAST SUNSETWhere stories live. Discover now